JOYA'S POV
Dinatnan ko ang masinsinang nag uusap na sila Kris, Ate Denise, Trixie at si Tito sa kwarto. Kumatok ako at pumasok.
"Here Joya." Buka ng bibig ni Trixie at kaagad naman akong umupo sa tabi nya.
"As we were saying, nagkaroon na raw ng lead kung nasaan ang mga killers. As you've said na isa sa mga killers si Eunice del vega, mas napadali ang pagkakalap ng lead. Natagpuan sila sa isang bahay malapit lang sa Rome Academy." Napatingin ako sa TV at laking gulat ko nang makitang nandoroon si Eunice at hawak ang buo nyang pangalan habang pinipicturan.
"n..nahuli na po sila ?" Tanong ko.
"Yes Joya, yun ang dahilan kung bakit madaming media sa labas kanina." Sambit ni Ate Denise.
Para akong nanalo sa lotto nang marinig ko mula kay Ate Denise ang mga katagang iyon.
Bumukas ang pinto at pumasok si Adrian, naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Hindi sya lumapit sa amin at nag stay lamang sya sa pinto habang naka tingin sa malaking TV nila Kris.
Tinignan ko sya at nagulat ako nang makitang nakatingin sya sa akin, nauna na akong mag iwas ng tingin, shit ! ang awkward nito. Napa pikit ako nang madiin. Kung maayos lang ang buhay namin ngayon, magagawa ko pang makipag landian, pero hindi e. Ang complicated... Hindi ko inakala ang lahat. Jusko ! help me lord.
"Bukas..." Natigil kaming lahat dahil nag simula sa pag sasalita si Tito. " Pwede nyo na raw bisitahin sa morge ang mga namatay nyong kaibigan." Halos nanlaki ang mata ko sa narinig. Inaamin ko, hanggang ngayon ay nangungulila parin ako sa pagkamatay ng mga kaibigan ko. Kahit sila Kuya Maximo, hindi man kami nagkapatawaran maging si Jess, alam kong tinuring parin nila kaming kaibigan. Hindi man nila masabi noon, alam ko. Kita ko sa mga mata nila na kahit papaano ay naging masaya sila kasama kami. At ganon din naman kami.
"Sige, it's already late. Ipapahatid ko na kayo." Tumayo na si Tito at naunang lumabas ng kwarto, sumunod sila Ate Denise at Lorie kaya't naiwan kaming apat dito.
Nang masiguradong wala ng tao, nag ka tinginan kami.
"W..what do you think ?" Tanong ni Trixie. "Ganun ganon nalang ba iyon ? they sent us those letters, anong sa tingin nyo ?"
"Hindi ba tayo magsasaya ? I mean, nahuli na sila. There is nothing to fear about." Napatingin sila kay Adrian nang magsalita ito ngunit ako ay hindi tumingin.
"Ano ?! all this time, tinatakot nalang pala nila tayo ? what a bullshit. Ngayong ligtas na tayo, maaari na tayong makagalaw at maka hinga ng maayos." Sambit ni Kris.
"NO !" Napasigaw ako. "These things are unbelievable ! hindi 'to basta basta matatapos dito. Tandaan nyo ang sabi ni Adrian, may isang pulis pang killer. What we saw earlier was only Three ! hindi ba kayo nagtataka ?" Hindi ako maniniwala sa palabas na ito, minsan na kaming naloko.
"What's the purpose of those letters ? para matakot tayo ? No ! Pinadala nila ang mga 'yon dahil gusto nila tayong ubusin, they want us to play their games ! Tayo ang players nila. Sa tingin nyo magsisimula ang isang laro without the players ? Hindi. This is a show..." Madiin kong sambit.
"How did you know ?" Tanong ni Adrian. Napatingin ako sa kanya, nakita kong nag igting ang bagang nya. Napalunok ako at uniwas ng tingin.
"B..because, that's what it meant ! h..hindi sila papayag..." Napatingin ako sa ibaba, naiilang talaga ako sa kanya. This feeling inside me should be gone.
"Fine. So back to basic ganern ? akala ko pa naman makakaligtas na tayo." sambit ni Trixie, pare parehas kaming napa buntong hininga.
We're still not safe from this freaking game.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mystery / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...