JOYA'S POV
Bumungad sa amin ang malawak na espasyo pagkatapos naming buksan ang isang pinto sa dulo ng pasilyong pagkahaba habang nilakaran namin.
Para syang isang Arena.
Pumasok kami at nakita namin Ang mga sira sirang bleachers. Maraming dugo at puro putik dito sa loob ng arena.
Kinailangan pa namin tumuntong sa iba't ibang bagay para makapunta sa gitna ng arena.
"Nandito ba sila ? Mama ?! Adrian ?! Kris ?! Asan kayo ?!" Sumigaw ako sa kawalan. Rinig ko Ang pag echo ng boses ko sa loob ng arena.
"They're not here. But this is the end game." Sambit ni Belle.
Lumingon ako sa kanya maging si Winter.
"What do you mean ?.." Tanong ko sa kanya.
"Too many people have suffered just to find you. My friends and even yours. Up until now, they're crazy for you. They want you to pay. Not the prize, but your life. In short, this game needs to end. And I'll be the one to end this." Mula sa maamong mukha ni Belle. Nagkaroon ng ngisi doon.
"Takbo Joya !!" Mabilis na hinarang ni Winter si Belle at ako naman ay mabilis na tumakbo. Nagkanda patid patid ako. Tumalon ako sa bleachers at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Get out of my way !!!" Umalingawngaw Ang sigaw ni Belle.
Ikinagulat ko Ang paglabas ng baril ni Belle, mabilis itong nahawakan ni Winter at nagka agawan sila.
Oh my God !
"Winter lumaban ka !" Sa isang iglap pagkatapos kong sumigaw ay may naramdaman akong humablot sa buhok ko. Napaliyad ako at mabilis na pumasada sa direksyon ko Ang isang kutsilyo.
Mabilis ko itong naharangan. Nanlaki Ang mga mata ko nang mapagtantong sobrang lapit na ng kutsilyo sa mukha ko. Nanatili akong nakaliyad at hinahabol ko Ang hininga ko.
"Die !!" Napagtanto kong si Summer ito. Kapatid ni Winter.
"Baliw ka !" Umikot ako at mabilis na siniko ang sikmura nya. Sinipa ko patagilid ang mukha nya dahilan para mapa dapa sya sa kanan ko.
Mabilis kong hinablot ang buhok nya at inilampaso sa putik na may kasamang mga dugo sa sahig.
"AHHH !!" Sigaw nya at pagpupumiglas.
"Ikaw ang mamatay bitch ! Para to Kay Trixie !" Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko sa pagsabunot ko sa kanya.
Habang inilalampaso ko sya, nakuha ng kaliwang kamay nya Ang braso ko. Dahilan para mabaliktad Ang posisyon namin.
"Ah !" Inda ko nang kalmutin nya ako.
Nasa ibabaw ko na sya at pinagsasabunutan nya ako.
Buong lakas kong itinaas ang braso ko at sinundot ang mukha ni Summer.
"Arg !!" Nag sisisigaw sya at Napa higa rin.
Nilingon ko si Winter at Belle na patuloy sa pagsasabunutan.
"Winter ! Lumaban ka !" Pag suporta ko sa kanya.
"Walangya ka !" Muli nanamang hinablot ni Summer ang buhok ko. At dahil nasa ibaba ko sya, mabilis ko syang nasipa para mapa dausdos sya sa sahig.
"Bitch !" Sigaw ko.
"Sisters fight." Sambit nya.
Oo nga, magkapatid kami ni Belle while sila naman ni Winter.
Humalakhak sya nang pagkalakas lakas. Sinipa ko sya sa mukha at mabilis syang nawalan nang malay. Muli nanaman akong napa tingin sa away ni Belle at Winter.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mystery / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...