JOYA'S POV
Nakatulalang nakatingin lamang kami sa mga bangkay na nasa harapan namin ngayon.
Mabuti't kumalma na ako sa pagkaka iyak, pagkapasok ko pa lamang dito ay naninikip na kaagad ang dibdib ko, at saktong pag ka kita ko sa kanila ay naiyak na kaagad ako. Hindi ako dinapuan ng kahit na anong diri, sakit ang dumapo sa akin. Ang sakit sa pakiramdam, umasa sila sa akin.
Akala nila ay maililigtas ko sila, yung Lolo na kumausap sa akin, at si Lyka...
Alam nilang kagaya ng mama ko ay may potensyal ako, ngunit wala naman. Binigo ko sila, nangako ako noon sa sarili ko na kailangan kong iligtas ang skwelahan na iyon pati ang pamilya ko.
Ngunit wala ninuman sa kanila ang nailigtas ko.
Maging ang mga kaibigan namin...
Marami na ang nawala.
Nag alis ako ng tingin sa bangkay ni Kuya Maximo at ni Jess na medyo inaamag na, nakaka diri sya Oo, pero mas nangingibabaw ang awa at sakit.
"Tara na Joya..." Inaya ako ni Kris at sabay sabay na kaming lumabas kasama ang mga pulis at ilang reporters, hanggang ngayon ay hindi parin kami tinatantanan ng mga media. Ang pangalawang pupuntahan naman namin ngayon ay prisinto, kung saan naka kulong sila Eunice.
Kanya kanyang flash ng camera ang mga reporters at ang ilan ay hinaharangan kami at tinatanong, mabilis naman kaagad na humaharang ang mga body guards ng Daddy ni Kris kaya't nakaka iwas kami.
Hanggang sa dumating kami sa Van, lahat kami ay mugto ang mata. Maging si Adrian ay hindi napigilang umiiyak, seeing your friends lying like that can make you cry a bucket.
Pero 'to ang tinatandaan ko, True friends are never apart. Sa isip man pero hindi sa puso. Wala si Isabelle at Melvin doon sa morge, marahil ay inilibing si Melvin nila Ma'am Veronica ngunit kay Isabelle, hindi ko alam kung bakit.
Isabelle, Melvin, Jess, Kuya Max, Leo, Lyka, at sa lahat lahat... patawad...
"Hey, you alright ?" Napatingin ako kay Adrian nang magtanong ito, naiilang parin ako sa kanya.
Bahagya akong tumango kaya't napatango rin sya. "Mabuti naman." Sambit nito habang nakatingin sa akin.
Mabilis kaming nakarating sa prisinto at naunang pumasok ang mga reporters bago kami, nagmamadali sila. Ngayong araw kasi isasa publiko maging sa buong mundo na naka kulong na sila Eunice, yung napa nood namin sa TV ay recorded lamang pala.
Bumaba kami at pumasok sa prisinto... Malaki ang lugar at kapansin pansin ang mga vandalized na pader. Maingay na mga naka kulong ang sumalubong sa amin, may ialang nag aaway sa kanilang mga selda at ilan naman ay nag papa picture sa camera man.
May kulungan ng mga lalake at kulungan ng mga babae, ngunit ang kulungan nila Eunice ay hindi dapat dito. Sa mental hospital dapat sila !
"Sasabunutan ko talaga yang Eunice nayan pag nakita ko." Nanggigigil na talaga si Trixie kaninang umaga palang, hindi mo rin maiaalis sa kanya. Namatayan din sya ng mga kaibigan lalo na yung Jelly na 'yon. Bestfriend nya before, yun yung naka away ni Kris sa Masquerade ball dahil sa away namin ni Trixie.
"Chill kalang." Pag papakalma ni Kris kay Trixie na nag iinit na ang bungo.
Mahaba haba pa ang nilakad namin at nadatnan na namin ang isang malaking selda, nag init ang buong katawan ko at umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo nang saktong makita ko si Eunice, naka ngiti ito sa amin at sabay sabay kaming inirapan.
Nasilaw sila dahil sa dami ng flash ng camera. Tatlo lamang silang nasa loob ng pagkalaki laking selda.
Hinarangan ng mga bodyguards at pulis ang mga camera man at reporters kaya't nakalapit kami sa rehas ng selda nila.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Misteri / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...