Thirty Eighth Game : Minus A

71 4 0
                                    

JOYA'S POV

"Mabuti nalang talaga at may daan sa likod !" Sigaw ni Trixie. Pare parehas kaming pawisan dahil sa bintana kami dumaan. 

Nakita kong papalapit sila Green at Aldrich sa amin, kanina pa namin sila sinesenyasan para pumunta dito sa kinaroroonan namin.

Parami pa ng parami ang mga reporters at medias sa labas. Kay aga palang at nandito na kagad sila.

"Papunta na daw sila Dad !" Bulyaw ni Kris na aliga gang aligaga. Nakaka nerbyos naman kasi talaga, dumugin ba naman ang bahay mo ng napaka raming reporters diba ? Maloloka ka talaga.

"Teka nga-! bakit ba kayo dinumog nung mga 'yon ?!" Kamot ulong tanong ni Green sa amin. 

Yun din ang hindi ko alam e, maayos naman ata ang paligid namin these past few days. 

"They are blaming us for Raeanndrei's death." Sambit ni Trixie. 

Halos mapanganga ako sa narinig. 

"What ?!" Sabay sabay naming bulalas nila Green at Aldrich.

"Yes ! They found a letter inside Raeanndrei's house. Claiming that we're the murderers." Napa kunot ang noo ko sa narinig. 

Hindi ito pwede. Puro nalang problema ang dumadating sa amin. At saka hindi totoo ang binibintang nila, alam ng dyos kung ano ang tunay na nangyari at hinding hindi kami magsisinungaling.

"At pano naman nila nalaman na namatay si Rae ?" Tanong ni Green.

"Yun ang hindi namin alam..." Sambit ni Kris. 

"Pano nayan ? paniguradong hanggang mamaya pa dyan ang mga 'yan at paniguradong kumalat narin ang balita. Maaari tayong makulong nito eh." Inis na bulalas ni Trixie.

Hindi maaaring kumalat ang balitang iyon. Hindi totoo ang sinasabi nila, oo nilibing namin si Raeanndrei upang magkaroon sya ng maayos na pagtawid tungo sa kabilang mundo. Pero hindi kami ang pumatay sa kanya, traydor ang pumatay sa kanya. 

Isabelle... traydor ka. 

Napayukom ang kamao ko. Tinuring kitang kaibigan, pero ito lang ang ginawa mo. Mas malala kapa sa isang patay na daga. Mabaho at kasuklam suklam. 

Wala kaming ibang ginawa sayo kundi intindihin ka at mahalin ka, ang sakit sakit ng ginawa mo. Tinuring kitang kapamilya, nasaktan ako ng mawala ka samin. 

Ngayon... mas nasasaktan pa ako. 

~*~

Sinundo kami ng Van ni Tito kasama sila Green at dinaanan narin namin si Adrian na hinintay namin sa Serenity Bookoffee shop. 

Walang imikan sa loob ng Van. Kanya kanyang iniisip at kanya kanyang buhay. 

Puno parin ng katahimikan ng magsalita si Tito.

"Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa inyong magkakaibigan... Ano nanaman ba 'tong pinasok nyong gulo ?" Halata sa boses nya ang pag kaka dismaya. "Sinabi ko nanaman sa inyo na mag ingat kayo, tapos ngayon eto nanaman ang nangyari. Nagka gulo nanaman. Isa payang Raeanndrei nayan, dahil sa kanya nakagawa nanaman kayo ng isang malaking pagkakamali." Naging taimtim sya sa pagsasalita. 

Lahat kami ay naka yuko lamang.

Napaka tanga talaga namin.

Hanggang sa umabot kami sa mansyon nila Kris ay wala paring kumikibo. 

"O sya, ayusin nyo ang mga sarili nyo. Physically ang Mentally. Baka dahil dyan sa pag iisip nyo, ika matay nyo pa." Sambit nito at iniwanan kami sa sala.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon