Forty Second Game : The Chase

86 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Maayos ang laro ng Mesmerata, tamang tama ayon sa pinlano nila. Ganito ang tamang takbo ng laro nila. Maya maya nalang ay mag sisimula na talaga ang laro. Pero makulit ang bawat kasali sa laro nila.

Ayaw nilang patayin si Joya... nagkakampihan sila... para sa kaibigan nila.

Hindi maaring mangyari yon. Kung si Joya ang manalo, sila ang mamatay. Kung sino man ang manalo, dapat ay mapatay nya si Joya.

Isa lamang ang pwedeng matira. Si Joya... o isa sa papatay sa kanya. Ganun lang ka simple.

Bakit sakanya naka buntong ang galit ng mesmerata. Yan ang tanong nya sa isipan nya. Marahil sa mga magulang nya kaya't sya ang pinagbubuntungan ng galit.

Lahat ng kasali sa laro ay nasa tamang pwesto na. Tamang lugar upang maisakatuparan ang laro. Ito ang gusto ng mga baliw na 'yon.

Nakahinga ng maluwag sila Joya nang mai lock na nila ang pinto ng lumang Library.

"Sh*t ! ano nang gagawin natin ?" Natatakot na tanong ni Joya.

"M-mayron ditong pintuan pababa..." sambit ni Trixie at nagpa linga linga sa di gaanong kalakihang Library.

"Lumabas kayo dyan !" Rinig ang sigaw ni Alexus at ang kalampag nito sa pintuan ng Lumang Library.

Hindi na nila ito pinansin at nagpatuloy sa paghahanap kung saan ang lagusan na tinutukoy ni Trixie.

"Bilisan nyong maghanap ! Malapit nang bumigay ang pinto !" Sigaw ni Winter habang sinasandalan ang lamesang nakaharang sa pintuan ng Library.

Minabuti ni Joya at Trixie ang paghahanap. Halos lahat ng Shelves na nasa bandang pader ay tinignan na nila.

Wala silang makita miski isang pintuan sa likod ng shelves na pagkalaki laki.

Tila kinabahan sila nang mapag isip isip na hindi na sila maaaring makalabas sa loob ng
Library.

"Hindi pwede ! Nandito lang 'yun !" Sigaw ni Trixie at nagpatuloy sa paghahanap.

"Wag kang mataranta Trixie, it must be here.." Sambit ni Joya.

Again, nagpatuloy sila sa paghahanap.

"Wala talag--! Ahh !

Napasigaw si Trixie nang nawasak ang kahoy na dinantanan nya ng kanyang braso.

Unti unti silang nakarinig ng malakas na crack.

"What the hell...?" Bulalas ni Winter nang biglang bumukas ang pinto sa mismong tabi ni Trixie.

Nagsimula nanamang kumalampag si Alexus sa pinto ng lumang Library. Nag panic na sila kaya't pumasok na agad sa loob ng pintuang kakabukas lang.

Madilim at mabaho ang hallway papasok sa pinto.

Masangsang ang amoy at maputik din. Tinakpan nalang nila ang kanilang mga ilong at tinahak ang daan.

"Hindi tayo sigurado dito, but we must try." Sambit ni Joya at nilingon Ang mga kasama.

Binuksan ni Trixie Ang maliit na flashlight mula sa kanyang bulsa nang magsimula ng dumilim sa hallway nila.

Wala ng torch na nagsisilbing ilaw sa kanila.

"It's getting creepier..." Bulong ni Winter.

Nagpatuloy ulit sila hanggang sa sumikip na Ang daan. Parang nasa eskinita na sila.

Nagsimula nanaman silang dapuan ng kaba. Lalo na nang makarinig sila ng mabilis na nga yapak.

"Oh my god..." Takot na utas ni Trixie.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon