Thirty Seventh Game : The Traitor

69 8 5
                                    

ADRIAN'S POV

No... hindi ito maaari ! Hindi pwedeng si Joya ang susi. Mabilis kong nilapitan si Raeanndrei at kinuwelyuhan ito.

"Nagsisinungaling ka !" Inawat ako ng mga kaibigan ko kaya't natanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Hindi ako nagsisinungaling. Sya ang anak ni Camille hindi ba ? alam nyo bang si Camille ang ang hinahanap nila Veronica para maisakatuparan ang Game of extinction ? at nung nahuli na sya, gumawa na ng aksyon ang Mesmerata. Kaya ngayon, ang tanging susi ay ang mapatay si Joya." Lalong nag init ang mukha ko dahil sa galit. 

Hindi namin pwedeng patayin si Joya.... hindi ko sya kayang patayin...

"No no !! nagsisinungaling ka..." Napa hilamos ng mukha si Kris at napa upo ito sa sahig.

"Wag kayong maniwala. Nang hindi matapos ang larong 'to, yun ba ang gusto nyo ? Kung sa bagay, sarili nyo lang naman ang iniisip nyo. Hindi nyo iniisip ang ibang tao." Sambit ni Raeanndrei. 

Tama sya... hangga't hindi nakukuha ang sagot, walang mangyayari.

Pero iba si Joya... 

"Wala na bang iba pang paraan ?" Tanong ni Trixie.

Umiling si Raeaandrei at lumapit sa kanya.

"Wala na.... yun lamang ang paraan, at kung ayaw nyong gawin, edi sabay sabay na kayong mamatay." Madiin nitong sambit at lumabas sa kwarto.

Tiningnan ko si Joya na umiiyak parin, dinaluhan ito ni Kris at niyakap.

"Shhh... kaya natin 'to."  Dumalo narin si Trixie at di na napigilang umiyak.

Pumunta narin ako at yumakap, dumalo rin si Green maging si Aldrich.

"Hindi namin gagawin yun..." Sambit ko sa kanya. Nakita ko yung mukha nyang takot na takot at puno ng luha.

Hindi 'to pwede.. hindi ko kayang patayin ang babaeng pinaka mamahal ko..

Humagulgol pa si Joya kaya't mas hinigpitan namin ang yakap namin, hindi na napigilan ng luha ko at tumulo na ito.

Ang sakit ng ganito, anong pipiliin namin ? ang matapos ang lahat ng ito ? O magpatuloy pa hanggang sa ika apat na pag kakataon ? napaka hirap. 

Kaibigan namin sya... pamilya. 


JOYA'S POV


Ako nga....

Hindi ko mapigilang humagulgol dahil sa sinabi ni Raeanndrei.

"Hindi namin gagawin yun..." Sambit ni Adrian. Sana nga... sana nga ay walang mag taksil sa akin.

Pero kung iliigtas nila ako. Mas lalo nilang kayang ipagpatuloy ang laro nila. Kung mapuputol man ito, hindi na ito mauulit pang muli.

ano nga ba ang dapat gawin ? hindi ko na alam.

Ang tanging gusto ko lang ay mabuhay. Gusto ko pang makasama ang mga kaibigan ko ng mas matagal pa.

Ngayong mas tumatag kami bilang isang pamilya. Nang madagdagan kami ng dalawa pang tao.

Ang hirap mag desisyon.

Binuhos ko nalang ang mga ito sa isang iyak.

Ayoko na.

kung tama man ang mamatay ako, gagawin ko na...

Nakarinig kami ng isang putok sa labas kaya't umalis kami sa pagkakayakap.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon