+ SPECIAL CHAPTER +

98 18 0
                                    

Hello guys !! It's me ! So this chapter is special dahil trip ko lang talaga.

Ahihihi

-byronskiee

(ALTERNATIVE PROLOGUE)


Joya's Point of View

xxxxxx

"Yow yow Joya !" Masayang bumungad sa akin si Kris at Isabelle na nakahanda na. Ready-ing ready na talaga sila. Nakaka excite dahil papunta kami ngayon sa Rome Academy bayun ?

Oo basta creepy daw yun sabi sa balita. Isang Abandonadong paaralan daw at ang sabi pa ay marami daw ang namatay doon.

Ewan ko ba kung bakit hindi pinag tuunan ng pansin ng gobyerno ang paaralan na yun. Nakakapanghinayang ang mga buhay. Psh !

Pero if I know, gawa lang yun ng social media para sumikat sila.

"Joyaaaaa ! Long time no see" inakbayan ako ni Isabelle at agad na kinurot ang Ilong kong matangos na ikina ngiwi ko.

"Hey ! Ano ba ang sakit ah." Inda ko.

"Palibhasa matangos ang ilong mo e !" Tampo ni Isabelle na ikina nguso ko.

"Ikaw rin naman ! Haha" inirapan nya ako dahil alam nya naman na mas matangos ang ilong ko sa kanya. Bahagyang paalis na sya nang bigla ko syang inakbayan.

"Eto naman ! Haha joke lang, medyo flat lang yung sayo. Pretty ka padin." Ako

"I know right !" At sabay kaming tumawa.

"Hoy kayong dalawa dyan ! Nandito pa ako oh !" Napatingin kami Kay Kris na nakapamewang sa harap namin at naka taas ang kilay.

"Kris, kris, kris... Aquino !!!" Sabay kaming humagalpak sa tawa nang bigkasin namin ang Aquino.

Sinamaan nya kami ng tingin na mas ikinatawa namin.

"I hate you guys !" Sambit nito na ikina ngiti namin.

"We love you Kris !" At saka namin sya inakbayan.

"Bwisit bakit ang tatangkad nyo ?!" Agad naman silang napatawa sa tinanong ko.

"Cherifer is life be" inirapan ko si Isabelle sa sinabi nya. I tried using cherifer pero wala talaga e !! Wala ng pag asa 'tong height ko pindeha !.

"Tara na nga sa Van !" Agad kaming nagtungo sa Van dala dala ang mga maleta namin na ang bibigat.

Pagka dating namin sa Van ay agad king binungaran ni Jess at Kuya Maximo na nginitian namin ng malapad.

"Kuya Maxx..!!" Masayang bati ko sa kanya. Ganun din si Kris at Isabelle.

"Uy Jess !" Nakipag high five ako sa kanya at pumasok na sa Van sa bandang gitna. Napansin ko agad na nasa likuran na si Adrian. Bago lang sa grupo namin, mas close sya Kay Jess kesa sa amin.

Pero puta ! Lagi nya akong inaasar.

"Hoy pandak..!" Naningkit ang mata ko sa tawag nya sa kin. Ano bang problema sa akin nito ?

"Oh ?!" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Wala lang, ahihihi !" Inirapan ko sya at sinuot ang earphones ko bwisit lang. Naramdaman kong tinabihan ako ni Isabelle at nag cellphone lang.

"Guys !! Aalis na tayoooo !" Sigaw ni Kuya Max at binuksan na ang engine ng Van.

~*~

Nag stop kami sa isang gasolinahan sa NLEX upang mag Cr at makapag lunch narin.

Nagtungo kami sa isang fastfood at um-order na ng makakain.

"Oy guys, pag karating natin dun paki ready na ang mga cameras nyo." Pagpapaalala saamin ni Kuya Maximo habang kumakain.

"Do we really need to go there ?" Tanong ko sa kanya.

"Of course, except sa project nyo ito. Makakakuha pa tayo ng mataas na subscribe sa YouTube channel natin." Psh, mabuti nalang talaga ay hindi ako involve sa YouTube channel nila. Baka ma issue pa ako sa mga videos nila.

Narinig kong nagtatawanan sila Isabelle at Kris sa gilid ko kaya napalingon ako.

"Bakit ?" Tanong ko sa kanila. Wala akong kamalay Malay sa pinagtatawanan nila.

"Look." Pasimpleng nginuso ni Kris ang lalaking nasa harap ko. Saktong pagtingin ko sa harap ko ay nakita ko ang lalaking nakatitig sa akin, nagkatinginan kami at agad nyang iniwas ang tingin sa akin.

Teka, ano yun ?

Binalikan ko sila Kris at Isabelle at sinamaan ng tingin. Mga 'to talaga.

Hindi parin sila tumitigil sa pag tawa. Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain, nonsense na naman ang napaguusapan nila. About nanaman sa Academy na 'yon.

Nang matapos ay nagtungo naman kami sa Starbucks cafe at doon naman nag kwentuhan.

"Joya, mukhang may something ah..!" Bwisit naman 'tong dalawang to. Kanina pa nila ako inaasar Kay Adrian.

"Ano nanaman ?!" Mabuti nalang talaga dahil nasa kabilang table sila Kuya Max habang nag uusap.

"Mukhang crush ka ni stranger ah !" Tinakpan ko kaagad ang bunganga ni Isabelle dahil medyo napalakas ito.

"Manahimik ka nga, nakatingin lang crush agad ?!" Mahinang bulong ko sa kanila na agad nilang ikina tawa.

"Whatever ! Ayun na yung order oh !" Sambit ni Kris at kinuha ang order namin na pareparehas.

~*~

Agad na kaming nagtungo sa Van dahil baka gabihin na kami sa daan tungo sa Rome Academy.

Hays, sana naman ay maging safe ang byahe namin.

Ok narin yun para extra adventure.



{End of Special Chap}

Maiksi lang dahil special lamang itooo !!

• So nangyari po iyan before yung Chapter 1. (First Game : Her Sorrow)

•Kapit lang guys !

-Byronskiee



Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon