Seventh Game : Foundation day

185 52 4
                                    

[EDITED]

JOYA'S POV


Maingay na mga tao at nagsasayang mga teachers ang bumungad saakin ng bumalik ako galing doon sa garden.

Ano bang nangyayari ?

Naka civilian ang mga estudyante ngayon yung iba naka pormal attire pa.

Siguro nagpalit sila after Break time. At ako nakipagusap kay Lyka.

May event kaya ? Di ako na inform.

Maaliwalas ngayon ang panahon. Parang may Party.

Asan nga ba si Kris ? When I woke up she's not around. Hanggang sa pumasok ako sa History class ko kanina.Baka nakipag party nayun. Bat ba kasi hindi ako nainform ??

"Huy !" Tawag ko kay Jess. Kahit na masama ang loob ko sa kanya dahil di nya ako pinansin nung hinahanap ko si Melvin. Pero sya nalang ang matatanungan ko.

"Ow Joya ! Anong kailangan mo saakin ?" Mapaglarong ngiti ang ibinato nya sa akin. Ano bang nangyari dito ?

"Anong meron ngayon Jess ?" I asked.

"Ahhh ngayon ay ang school Foundation. Second foundation actually. May Rides pa dun sa kabilang building.. yung mga friends mo nandun sa Jail booth ngayon. Hahaha hinuli namin. Ligtas mo haha. Bye Joyaaaa"

Pesteng Jess to.

Maka Friends mo. Plastic ka Jess.

Tumakbo na ako upang hanapin sila Kris.

Mas maraming tao ang nandito sa kabilang building.

Di alintana na naka school Uniform pa ako at lahat sila naka civilian.

Nagpalinga linga ako. Para akong nasa carnival ngayon.

Tatlong rides ang bumungad sa akin.

Ang gaganda.

Teka nasan na ba sila ?

"Ahm excuse me. Tanong kolang kung saan yung Jail Booth ?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

"Doon po sa gilid ng DinoSwing"

DinoSwing ?

Nagtaas ako ng tingin at ayus. Nakita ko yung pangalawang ride.

Tumango ako."Thank you ah"

And then tumakbo na ako papunta doon.

Nadatnan ko silang apat na nakaupo sa loob ng Jail Booth.

Tila Bored na bored na sila.

"Joya !" Napatingin sila sa akin ng tawagin ako si Melvin.

At saka sila tumayong lahat. Apat lang talaga sila nandito ? Wala na bang iba pang hinuli ?

"Pesteng Jess yan ! Ayaw kaming palabasin lahat nakapag piyansa na for 10 Rome Chits pero kami ayaw nya. Deha !" So yun pala ang dahilan kung bakit silang apat lang ang nandito ngayon.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon