Twenty Ninth Game : St. Hildegard University

80 15 0
                                    

JOYA'S POV


Mabilis kong narinig ang mabibilis na hakbang sa kinaroroonan ko,  bumaba na sila Kris.

"Joya, what was that ?" Nagtataka ko silang tinignan, kinakabahan ako.

"I don't know, b..baka may magnanakaw lang, go check if there are missing things." Tumango naman kaagad sila at agad na inayos ang mga gamit. 

Naiwan lamang akong nakatulala, ginilid ko ang ulo ko at tinignan ang bintana namin sa bandang kanan. Nilapitan ko iyon at pinagmasdan, sabi na e ! Nakabukas ito.

Wala akong nakitang lumabas sa gate kasi dito pala sya lumabas, nakakamangha kung sino man sya. At the same time, nakakakaba rin. 

"Joya, sobrang gulo ng bahay. Papuntahin ko nalang kaya si Manang Fe ? tutal kaka off nya lang naman kahapon e. Para malinis narin 'tong bahay." Saad ni Kris na agad ko namang ikina tango. Kinuha nya ang phone sa bag na dala nya at tinawagan si Manang Fe.

"Tell her, dito muna sya. Like O to the M to the G !! muntik na tayong mapahamak !" Tumango naman si Kris at nag tungo sa gilid ng bahay para mas masinsinang makausap si Manang Fe.

"Ok na daw, papaunta na sya. So ano ? let's go ? ay teka ! wala pa pala si Adrian, nasan na ba yun ?" Kinuha ko ang phone ko at muling din-ial ang number ni Adrian.

Itinapat ko ito sa tenga ko, nag riring ito ngunit walang sumasagot. Nagtataka ko itong ibinaba.

"Ang sabi nya ay OTW na daw sya, pero hindi nya sinasagot ang tawag ko. Wait tetext ko nalang sya. Much better kung magkita nalang sa mismong University e." Sambit ko at nagtext.

TO : MR.AdrianJohhnRacasa

HOY ! San kana ? We are waiting for you.

Sinend ko iyon at umupo muna sa sofa bed namin. "Hintayin na muna natin sya, may natitira pa tayong One hour and twenty five minutes." Sambit ni Kris at umupo din sa katapad kong sofa. 

"Wait, pano mo makukuha kay Tita Amy mo yung mga papeles mo Joya ?" Ay oo nga pala ! buti pinaalala ni Krs.

"Ay shocks ! Oo nga pala, tara na ? tetext ko nalang si Adrian na sumunod sa St. Hildegard University. Nakalimutan ko e, ang shunga lang." Napakamot ako ng ulo at sabay sabay na kaming tumayo.

Naka formal attire kami ngayon dahil mag aapply nga kami ng scholarship form.  I am wearing a simple white floral dress and sandals ternuhan pa ng sling bag ko. Sila naman ay naka dress din dahil yun ang napagusapan namin kagabi.

Lumabas na kami at isinarado ang gate.

"May duplicate naman na si Manang Fe kaya okay lang na i lock." Napatango kami at nag abang ng pwedeng sakyan.

Maayos ang umaga, hindi gaano tirik ang araw at may mangilan ngilang taong naglalakad at mga estudyante na nagkukumpulan sa isang tindahan.

Isang natural na umaga lang, yung tipong mapapangiti ka pag nakita mo ang araw, yung mapapangiti ka ng makita mo ang mga masasayng estudyanteng naghaharutan. At higit sa lahat ay yung mapapasaya ka nalang dahil mag aapply na kayo sa isang pribadong paaralan.

Another light. Another hope and of course another sunshine. 

Pero why do I have this feeling na parang gusto ko nang umatras sa pag aapply-an namin. Maybe na traumatized lang ako sa pagpasok namin sa Rome Academy. Napailing nalang ako sa naiisip ko at binaling ang tingin ko sa mga estudyante.

Tila nagkakasayahan lamang sila. I wish I've experienced that kind of happiness they have. Wala e, We were stucked inside that Fuckin' School.

Dumating ang isang tricycle kaya't kinausap muna iyon ni Kris, pumayag naman iyon kaya't sumakay na kami. Sa likod si Trixie dahil gusto nya daw maka tabi ang driver na may itsura naman. Lalandiin nya daw. Bwisit talaga 'tong babae na 'to e.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon