EPILOGUE : FINAL WAVE (Book 2)

154 5 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ipinagpatuloy nila ang kasiyahan nila. Tulad ng karaniwang ginagawa tuwing pasko, nagkakasiyahan, may kwentuhan at syempre may kainan.

Hapon ng araw na yon, pumunta sila sa Dela Verde Cemetery. Kung saan nakaburol ang mga mahal nila sa buhay. 

Dala dala ang mga gamit nila, sumakay na sila sa Van na inarkila nila.

Lahat ay may ngiti sa mukha.

Hindi nila inaasahan to. Na sila ang mga nabuhay...

Ang tanging nasa isip nila, "Bakit ako ?" 

Pero wala narin naman silang magagawa, magpasalamat nalang na sila ang nabuhay.

"Miss ko na si Green.." Bulong ni Aldrich na naka akbay kay Kris.

"I miss my friends..." Wika ng tanging nakaligtas sa kanilang magkakaibigan.

Hinigpitan ni Aldrich ang yakap sa kanyang kasintahan.

Napa pikit nalamang si Kris... Inaalala ang mga masasayang ala ala ng kanyang mga kaibigan.

Habang nag mamaneho si Leo, hindi inaasahang mapansin nya ang babaeng tumatakbo.

Takot na takot. Pumreno si Leo sa di inaasahang pagkakataon.

"Leo ? Bakit ?" Tanong ni Belle

Nagpalinga linga si Leo, sinundan ng tingin ang babaeng tumatakbo. Ganon din ang ginawa nila Kris nang mapansin ang pag tingin ni Leo.

"Something's strange.." Bulong ni Leo.

"Nasa Dela Verde na pala tayo e, this town is called "House of Demons"." Sambit ni Winter.

"Wag na nating sirain ang espiritu ng pasko. Let's enjoy." Sambit ni Belle.

Napatango naman si Leo. Nagpatuloy sa pag dadrive hanggang sa marating na nila ang Dela Verde Cemetery.

Malaki ang sementeryo, bago ka pumasok, may malaking Gate na naghihintay sayo. Maraming puno at halaman na nakapalibot. Marami ring tao, binibisita ang mga mahal nila sa buhay.

Ngayon ay araw ng mga bata, matanda, buhay o Patay man. Ngayon ay ang kaarawan ni Hesukristo, kaya marapat ang nagmahalan, magbigayan at magdamayan.

Bumaba sa Van ang grupo. Nagsimulang maglakad papasok sa loob.

Maraming nagtitinda, mga batang masayang naghahabulan sa tabing Parke.

Bitbit na ni Leo ang isang bouquet ng flowers. Ilalagay sa puntod ni Joya.

Oo, hindi na kinaya ni Joya. Nailigtas sya mula sa Rome Academy, naidala sa hospital. Ngunit malaki ang tama nya, naapektuhan ang Spinal Chord nya. Hindi na nya kinaya, kaya't nagpaalam na sya.

Ganon din si Manely Camille. Labis na pagpalo ang tinamo nya, may ilang Buto sa katawan nya nag crack. Ngunit hindi nya narin kinaya.

Si Green naman ay kasalukuyang nasa mental hospital. Hindi nya kinaya matapos nyang magamot. Nahirapan syang tanggapin ang katotohanan. Na wala na si Trixie...

Nabaliw sya... Kaya naisipan nila Aldrich na dalhin ito sa Mental. Para sa ikabubuti nya.

Nang makararing sila, inilapag nila ang kani kanilang dalang bulaklak at kandila.

Umupo sa damuhan. Inilabas ang nga pagkaing dala.

"Merry Christmas Everyone !!" Bati ni Leo sa mga nitso kung nasaan ang katawan ng mga kaibigan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon