Adrian's Point of View
xxxxxxx
Hindi na nga ako naka-attend ng Ball, ganito pa ang nangyari. Nakaka awa ang pagkamatay ni Melvin, although hindi kami ganun ka close kaibigan ko narin sya.
Just like Isabelle, kaibigan ko narin sila.
Nagsisisi ako kung bakit sumama pa ako sa kanila papunta dito, ang buong akala ko ay gagawa lamang kami ng documentation about dito sa school na ito, not knowing na kapahamakan pala ang dala nito.
Tahimik lang kaming tatlo nila Kris at Joya na nanonood habang inililibing si Dave Sampaga at si Melvin. Binigyan nila ito nang payapang libing marahil hindi sila ang may pakana ng kamatayan.
Ang tanging alam ko lang ay may mas delikado na kaming kalaban. Invisible sya, hindi namin kilala. Ngayon, dalawa na ang kalaban namin.
Nakatungo lamang kami sa puntod ni Melvin na katatapos lamang ilibing.
Sana ay masaya na sya, wala na sya sa impyernong ito. Gayon paman, namatay parin sya. He could have experienced all the wonderful things in life.
But now that he's gone..... Wala na.
Nilapitan namin ang nitso ni Melvin at hinimas.
"Bro, sana masaya ka d'yan sa taas" naka ngiting sambit ko habang hinihimas ang pangalan ni Melvin na naka sulat lamang.
"Uy Melvs ! Kala ko ba friends for life tayo ?! Jusko naman !" Mangiyak ngiyak na sambit ni Kris.
Sa pagkakatanda ko ay mas naunang naging magkaibigan si Kris at Melvin kesa Kay Joya. Hindi man ganun ka close dahil babae si Kris, nandun parin ang pagmamahal.
Hindi ko sya masisisi, masakit mawalan nang mahal sa buhay. Akalain mo, sa simpleng pagpunta lamang namin dito, marami nang namatay at nagbuwis nang buhay. Dalawa na sa amin ang nawala. At hindi namin masisiguro na magiging ligtas kami dahil masyadong delikado dito.
"Melvin, patawad dahil hindi ka namin natulungan, namatay ka nang walang kalaban laban. Ngayon ay ligtas kana. Lagi mo sana kaming bantayan at maging ligtas kami dito. Lalo na't may killer na dito." Malungkot na wika ni Joya na lumuluha luha.
This is how the family reacts if there is one person close to their heart died.
Masakit.
-*-
"Alam nyo naman na siguro na may mamamatay tao dito sa paaralang ito ? Jusko ! Kung sino kaman hindi mo kami matatalo, kontrolado ko ang lahat. Lahat ng Tribes at lahat nang tao dito." Wika ni Ma'am Veronica.. Nag tipon tipon kami dito sa grounds dahil nga dun sa mamamatay tao. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ng killer na yun na kalabanin sila Ma'am Veronica. Lalo na't nasa kanya ang iba't ibang tribes dito.
"Once we caught you, sisiguraduhin namin na mata lang ang walang latay.." Huling sambit ni Ma'am Veronica bago pumasok sa Office nya.
Palaisipan parin sa kanila kung sino ang killer. Maging saamin. Ano ang motive nito ?
Bilang isang tao na nagnanais na makaalis dito, ang tanging kailangan naming gawin ay ang pagawayin ang dalawang panig. Nang sagayon ay makalabas kami. Pero hindi namin iyon magagawa kung hindi namin kilala ang killer o kung marami man sila.
xxxxxxxx
Jess' Point of View
Kanina pa pabalik balik itong si Ma'am Veronica back and fourth. Sanay na naman kami ni Kuya Max dyan at nang iba pang miyembro ng blood moon tribe.
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mystery / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...