Thirty Fifth Game : Two Stories in One

76 10 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na umaksyon ang mga guwardiya ng St. Hildegard University at pinuntahan ang lugar kung saan narinig ang sigaw.

Nag panic ang mga estudyante at mabilis na nilisan ang buong Gymnasium at ang ilan ay nadapa pa.

Maging ang grupo nila Joya ay sumunod narin, kakaibang sigaw ang narinig nila. Sigaw ng kamatayan ? yung tipong nakatapat na sayo ang kutsilyo tapos nasaksak ka na. Ganung klaseng sigaw yun.

"What's that ?" Panguna ni Flake Manansala na President ng St. Hildegard, napa kibit balikat ang kapwa nyang student council at patuloy ang pagtakbo. 

Napatigil sila nang makarinig ng sunod sunod na putok ng baril.

"Sh*t !" Sigaw ni Joya nang madapa sya, inalalayan sya ni Kris at Adrian na tumatakbo palabas ng Gymnasium. 

Ang ilan ay nadapa dahil sa mga suot nilang costumes, yung iba naman ay tinanggal na ang mga heels nila. 

Hindi parin tumigil ang mga sunod sunod na putok sa labas, nasa open grounds na sila Joya.

Umaga na kaya't kitang kita na ang buong paligid. 

"Students ! wag kayong mag panic !" Ni-lead ni Claire Vergara, ang Treasurer ng school, ang mga estudyante, nguit ilan lamang ang mga ito. Yung iba kasi nag papanic na talaga.

Gumilid sila Joya sa isang puno at doon nagpahinga dahil sa kakatakbo.

"Ano bang nangyayari ?!" Tanong ni Kris na litong lito narin.

"Tanga ka ba Kris ? narinig mo naman siguro yung sigaw at putok ng mga baril diba ?" Sarkastikong sambit ni Trixie na hingal na hingal din.

"Calm down guys ! masyadong nag panic ang mga estudyante kaya ganito ang nangyari." Pigil ni Green sa kanila.

"Putok yun ng baril diba ?" Pag ka klaro ni Adrian, tumango naman si Green sa kanya maging si Aldrich pero animo'y wala paring pakeelam sa paligid. 

"Let's go." Sambit ni Joya at naglakad sa harapan nila.

"Wait !" Hinatak ni Adrian ang braso nya kaya't napatigil ito, hindi lumingon si Joya at iwinaklas ang braso nya kay Adrian. 

Ang mga estudyante ay nag papanic parin, ang ilan ay tumawag ng pulis at ang ilan ay tumawag sa kanilang mga parents. Ang ipinagtataka ni Joya ay kung bakit walang teachers or faculty members man lang ang nag lelead sa kanila. Yung Student council lang at ilang mga part ng program ang tumutulong sa kanila.

Nagpatuloy sa paglalakad si Joya, nalagpasan nya na ang mga estudyante na nag iiyakan sa gilid. Si Joya lamang ang naglakad tungo sa gate ng St. Hildegard. Lahat ay nakatingin sa kanya maging ang mga kaibigan nya.

Nagtaka ang lahat sa kinilos nya.

"Hey Ms. Alicante !" Lumapit sila Summer, Claire, Flake, Jazz, at Kenneth-na part ng student council kay Joya na naka tayo sa harapan ng Guardhouse.

"Please don't-" 

"Shut it. I've been part of the massacre at Rome Academy, nabugbog na ako, nagsakripisyo na ako, nakipag taguan na ako, nakipag habulan. Alam ko kung anong ginagawa ko." Pipigilan na sana ni Summer si Joya ngunit agad syang pinutol nito.

Malamig na naka tingin lamang si Joya sa bangkay na nasa loob ng Guardhouse, nag igting ang bagang nya at napa kuyom ang mga palad.

"Hindi dito yung sigaw na narinig natin, I'm sure na sa loob iyon ng St. Hildegard University." sambit ni Joya. "Mas nauna ang sigaw kesa sa putok ng mga baril, probably nakatakbo na paalis ang mga gwardiya non. And after that, nagkabarilan. Two events happened, but not in the same time. Hindi dito ang sigaw na 'yon, we better find where it is." Sambit ni Joya at iniwas ang tingin sa bangkay ng isang gwardya.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon