Third Game : Third Wave

274 66 22
                                    

[EDITED]

JOYA'S POV


Hindi parin ako makatulog bukod sa namamahay pa ako sa dorm na ito ay bumabagabag parin sa akin ang mga tanong sa isipan ko.

Yung sinabi ng matanda kanina, paano nya ba nalaman ang ngalan ng aking ina ?

Anong hindi sila binigo ni mama ?

Hindi ako mapalagay sa aking mga naiisip ewan ko ba. Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko.

Nakakaiyak, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

God tulungan mo po kami dito. This is the path we trail.

Nakarinig ako ng kalampag sa bandang pintuan kaya naman tumayo ako para tignan iyon.

"Joya ?" F*ck !! Napalingon ako kay kris na halos ikamatay ko na ang pangugulat nya."ano iyon ?" Umiling ako kasi hindi ko rin alam kung bakit may kumalampag sa pintuan.

Mabilis ulit kaming napatingin sa pintuan ng kumalampag itong muli.

Tumayo na si Kris at sabay kaming pumunta sa pinto.

"Sinong nandyan ?!" Tanong ko ngunit walang sumagot

Inilapat namin ni kris ang tenga namin at baka sakaling may marinig kami.

"Wag nalang sila p're baguhan palamang sila e" napa kunot ang noo ko sa mga naririnig ko

"Sino ba ang nandyan !!!??" Sigaw kong muli

Pero this time may sumagot na. Nakakakilabot na

"Ili ili tulog anay wala dini imong nanay pad todyanang pakay papay ili ili tulog anay" sabay kaming na pa atras nang marinig ang kantang iyon. Nakakilabot.

Napasigaw ako ng biglang namatay ang ilaw namin kaya't napa atras kami ni Kris sa bandang Cr.

"Joya natatakot ako" ako rin Kris parehas lang tayo ngunit kailangab nating magpakatatag.

"Kris yung pinto" nang mapagtanto kong hindi pala naka lock ang pinto ay mabilis akong tumakbo papalapit at ilolock ko na sana ng biglang bumukas ito ng dahan dahan.

Rinig pa namin ang tunog ng dahan dahang pagbukas nito.

Ano nang gagawin namin ?

"Joya..." parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni Kris.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko sya. May hawak na kutsilyo.... at... at

"Ahhhhhhh !!!!!"

"JOYA GISING !!!!"

Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni Kris. Panaginip lang pala. Binangungot ba ako ?

Niyakap ko agad si Kris at pinatahan nya naman ako.

Rome Academy : Quitting Means SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon