JOYA'S POV
Kaagad kaming nagtungo sa isang Fastfood chain na nadaanan namin, kaunti lang ang tao kaya pumasok na kami kaagad.
"Let's go guys." Kaagad naman kaming nagtungong mga babae sa four chair table at si Adrian naman ay nagtungo na sa Counter para u-morder ng pagkain.
Uupo palamang kami ay may biglang kumalabit kaagad sa aming babae, na sa tingin ko ay nasa mid 20s. Nagtatakang tinignan namin sya, base sa Uniform na suot nya, mukha syang reporter.
"Ahm, excuse lang Ms. ah. Anong kailangan mo ?!" Bahagya kong siniko si Trixie dahil sa inaasta nya. Nagsusungit nanaman.
"Ma'am, nandirito po ako para humingi ng statement sa inyo. Actually I've been searching for the Four of you ever since na makalabas po kayo sa Rome Academ--"
"Oh crap the shit ! ready na ko" Umupo si Trixie at inayos pa ang buhok. Wala na akong nagawa pa at umupo narin. Imbes na kumain at makapagpahinga ay pinili pa ni Trixie-ng magpa interview. So wala din kaming choice kundi magpa interview narin.
"Ma'am maitanong ko lang po, nasan po ang isang lalaking survivor ?" Napatingin kami sa counter at nakita si Adrian na kausap ang isang cashier.
"Ayun sya." Sambit ko at kaagad itong tinuro.
"Tanong ko lang po, ano po ba talagang nangyari sa Academy ?" Nagkatinginan kami nila Kris at Trixie.
"That Academy wasn't abandoned for years, nandoroon kami. naka kulong, tinipon nila kami sa paraang pag kidnap nuong 200-err 2001. Mayroong doon na ipinanganak gaya ko. Mayroon ding kinidnap at doon na nanirahan at nag aral." Sagot ni Trixie, yung reporter naman or should I say, Journalist naman ay nag susulat lamang.
"Every year, nagkakaroon ng mga laro. Iba't ibang Waves. Mayroong Two Rare games na nagngangalang "The Knife" at "House of the dead". hindi ko iyon naranasan, nuong second generation lamang iyon nangyari at syempre nuong First." Napapatango lamang kami habang nagkekwento si Trixie.
bigla namang dumating si Adrian na dala ang isang tray ng mga pagkain namin na may pagtataka sa mukha. Pinaupo ko sya sa tabi ko at sinenyasang kumain na. Kaya na ni Trixie yan tutal gusto nya namang magpa interview.
"Ano pa pong nalalaman nyo ?"
"Ipapakita ba ako sa TV ? like omygee !! sige eto pa, ang Rome Academy ay pinamumunuan ng dalawang tao. Si Ma'am Veronica na kasalukuyang missing in action ang bruha. At si Dave Sampaga na namatay lang kamakailan. So sad nga e, ang bait bait 'non sa amin." Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin kay Trixie na nagbago ang aura.
Si Tito...
"Tapos ayun, may bigla nalang namatay na hindi naman kasali sa kahit ano mang game. Nalaman namin na may killer nga nung namatay si Dave Sampaga, kasi hindi sila Ma'am Veronica ang pumatay sa kanya. Sino paba ? edi yung killer. jusme tapos we were all captured. Yung mga ordinaryong estudyante ay na locked sa basement ng Rome Academy at kami naman ay isinali sa laro. Laro na hindi pa nasisimulan, hindi ito nagsimula dahil sa ka ekek-an ng mga killers, mga tanga e, biruin mo. Pinatakbo pa kami ! ang shunga shunga lang right ? pero mayroon kaming natanggap na-!" Hindi sya natapos dahil sinipa ko na sya.
Hindi dapat lumabas sa media ang sobreng natanggap namin. Wala dapat makaalam. Nginitian ko si Trixie at nilakihan ng mata.
"Excuse me, ano po yung natanggap nyo ?" Hinarap ko ang journalist at nginitian.
"Something personal na hindi dapat malaman ng gaya mong ordinaryo." Nginitian ko sya at napatango naman sya. "and if you'll excuse us, kakausapin ko lang sila."
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mystery / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...