KRIS' POV
Matapos tumakbo nila Joya ay muling tinakpan ang mata namin. Hirap na hirap na kami.
Dinukot ako at isinakay sa Van kaninang Tanghali at naiwan si Trixie. Nagulat nalang ako nang pagdala sa akin dito ay nandito narin pala sila Adrian. Hindi ko alam sa Simula kung ano ang pakay ng mga dumukot sakin kanina, pero nang makita ko ang Rome Academy, alam ko na kaagad.
Nang magkaharap harap kaming lahat kanina, I know what's inside our heads.... We reunited.
Nakaka hangha para sa kanila na naging maganda ang plano nila. They let us escape but they made sure that we cannot run away.
Yun... Yun ang plano nila.
Ikinagulat ko ang pagbaril Kay Ma'am Veronica. She deserves it ! Ever since from the start, she's the demon here. But I didn't know that there are people worse than her.
Naawa ako, Oo. Pero sa tuwing nanunumbalik sa akin nang mga pinag gagagawa nya sa amin 'non, hindi ko magawang kaawaan sya ng lubos.
Patuloy lamang ako sa pag iyak at paghagulgol. Maaaring ito na ang katapusan namin, matatapos naba ?
Hirap na hirap na kami... Hindi ito ang pinangarap namin... Gusto lang naming magsaya, matapos ang documentation sa social studies at malaman kung totoo ba ang rumor dito sa paaralan na ito.
Pero taliwas ang nangyari. Great ! ang saya saya... Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Madilim dahil naka blindfold parin ako.
Umiiyak din ang mga kasama ko dito. Dinig ko...
"Ano nang plano natin Headmaster ?!"
Rinig ko rin ang usapan ng mga baliw na dumukot sa amin.
"Pakawalan nyo kame !!" Sigaw ni Adrian na halos mapaos na. Sh*t ! paos na paos na sya. Basag na basag na ang boses nya.
"Pakawalan nyo na kami parang awa nyo na !" Sinabayan ko na sya sa pag sigaw kasabay ng pag buhos ng luha ko.
"Tama na !! Tigilan nyo na kame !!" Rinig ko rin ang boses ni Tita Manely na sumigaw. She's had enough.
"TUMIGIL KAYO ! Oo ! Papakawalan namin kayo, kayo nga ang papatay kay Joya hindi ba ? hintayin lang natin ang go signal ni boss para pakawalan kayo. Update lang, nagsisimula na ang laro nila Joya. Mesmerat muna ang humahabol sa kanya." Boses ni Isabelle ang narinig ko.
"Isabelle ! Walang hiya ka ! Anong nagawa namin para iparanas mo sa amin ang ganitong klaseng kalupitan ?! hah ?! Sumagot ka !" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Abot sukdulan na ang kasuklaman ko sa kanya.
"Wala kang Kwentang Kaibig---
"Walang kwenta ?! Hindi ba kayo ang walang kwenta ?! Wag ako Kris ! Kayo ang dahilan kung bakit ganito ang nangyari sa pamilya namin. Sa kapatid ko !" Hindi ko sya nakikita pero panigurado akong nag aalab na sya sa galit.
"Hindi namin kasalan kung bakit namatay ang tatay mo ! Sinabi lang namin ang totoo !" Pumiyok nako habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
Hindi namin kasalan... wala kaming kasalan..
"Binalewala nyo ang pagkakaibigan natin para lang sa kapakanan nyo ! Hindi nyo man lang ako naisip ?! kung anong mararamdaman ko ? kung anong mangyayari sa pamilyang iniingatan ko !" Sigaw nya pabalik.
Nanghina na ako...
Naalala ko nanaman ang nangyari non. Pero wala kaming kasalan, pinanindigan lang namin kung anong totoo.
"Pakawalan sila ! ngayon, siguruhing hindi na mauulit ang nangyari noon." Nakarinig ako ng isang malamig na boses.
Nakakakilabot ang boses nya...
BINABASA MO ANG
Rome Academy : Quitting Means Suicide
Mystery / ThrillerRome Academy |COMPLETED | HIGHEST RANK ACHIEVED :#55 In Hell * * * * One school... with different mysteries... a lot of stories to be told... games to be played and mechanics to be followed...If not, be ready cause there is no quitting... Will...