Life in the Province Episode 26
The CursedAlejo's Point of View
Ako nga pala si Alejo.
Alam kong ilang dekada na ako sa lugar na ito pero pakiramdam ko iilang oras pa lang. Sa ilang oras na iyon, ay libu-libong halimaw na ang nakasagupa ko sa sinumpang lugar na ito. Ito ang gantimpala ko pagkatapos kong magpasyang sagipin ang buong angkan ko. Ang habangbuhay na makulong sa lugar na ito.
BANG!
"Anak ng tinamaan ng lintek!"
Mga mabibigat at matitigas na mga kamao ang muntik nang dumurog sa akin!
Napakalakas talaga ng halimaw na 'to. Sigurado akong hindi ordinaryong halimaw ang isang ito. Umaalingasaw sa kanya ang nakakasulasok na amoy ng asupre. Sigurado akong isa ito sa mga seraphim.
Pa'no ko tatalunin ang Seraphim na ito na gawa sa kungkreto katawan?. Sa dami ng mga halimaw na seraphim na nakasagupa ko, mukhang ito ang pinakamahirap pabagsakin.
"Bahala na!"
Mabilis akong sumugod sa kanya. Kahit napakabilis ko ay nagawa pa rin niyang sumabay.
Isang malaking pagsabog ang umalingaw-ngaw sa paligid. At isang malakas na hangin ang nagpayuko at tila nagpasayaw sa mga puno sa paligid.
Sigurado akong tumama sa kanya, pero, tila wala itong epekto sa batu-bato niyang katawan.
Napakahina naman yata ng kapangyarihang kaloob sa akin. Akala ko ba ay isa sa matataas na posisyon na seraphim ang lakas na ito.
"Hahay..."
Marahil kulang lang ako sa diskarte. Sigurado akong mahina lang ang isa 'to kung hindi lang dahil sa matigas na katawan na yari sa bato.
"Huh?! Ano 'yun?!"
May naramdaman akong dumating. Sa tingin ko ay mga taong lobo nanaman dumating sa lugar na ito.
Sabay pa kami ng seraphim na tila napalingon.
Mukhang alam din niya na may dumating.
Dali-daling umalis ang seraphim at nagtungo sa direksiyon kung saan napadpad ang taong lobo.
Wala naman akong magagawa. Hahayaan ko na lang ang seraphim na iyon.
Walang hiya talaga, iniwan pa ako.
San kaya ako pupunta ngayon?
Wala rin naman akong magagawa kung tulungan ko man ang mga batang taong lobo na 'yun. Kaya nga sila nandito kasi hindi sila pumasa sa pagsubok. Sigurado ako wala na ang kanilang pagkatao at ang halimaw na lamang sa kanilang mga sarili ang natira.
Naalala ko tuloy 'nung ako ay nasa pagsubok.
Ano kaya ang gagawin ko ngayo.....
"Huh?! Anong...."
"Teka lang..."
Parang may mali dito....
Isa, dalawa, tatlo....
...walo... sampu..
Higit sa sampu?
Pero panong?
"Hindi ito maaari... Bakit higit sa sampu sila?"
"Anong nangyayari dito?"
Bakit higit sa sampu ang nararamdaman kong mga batang taong lobo na nandito? Hindi pa nangyayari ito. Sa tinagal ko sa lugar na ito, dalawa pa lamang ang pinakamaraming napadpad sa lugar na ito?
BINABASA MO ANG
Life in the Province
TerrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....