Life in the Province Episode 15

5.7K 89 26
                                        

Life in the Province Episode 15

Serapim

Ang aking pinsan. Naiwan sa isang mabangis na halimaw. Serapim kung tawagin ni Zandro. Sa lakas ng halimaw na ito kahit ang mga mababangis na halimaw ay parang mga insekto lang niyang dinurog. Tila 'di tinatablan ng kung ano mang bagay ang katawan niyang yari sa bato. Sa lagay na iyon pa lamang ay sigurado na ang katapusan ni Dado. Pinipilit lamang niyang patagalin ang laban upang bigyan kami ng pagkakataon para makalayo at makatakas.

Nanlambot na lamang ako sa mga nangyayari. Wala akong magawa. Wala akong silbe. Naririnig ko pa ang laban nila Dado at nang malaking taong-batong kanyang sinasagupa. Sa bilis ng takbo namin ay unti-unti nang nawawala ang ingay ng kanilang laban. Hanggang sa makalayo-layo na kami at tuluyan nang nawala sa radar ko ang presensiya ni Dado at ng kanyang kalaban.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sana ay lubayan ng halimaw na yun ang pinsan ko. Ngunit malabo. Sa tingin ko ay hindi yata makakatakas si Dado sa halimaw na iyon.

Bitbit pa rin ako ni Zandro habang kami ay papalayo kila Dado. Bigla na lamang kaming tumigil. Akala ko ay natunton na namin ang isa pa naming kasama ngunit huminto lang pala kami para ipasa ako ni Zandro sa aking pang dalawang pinsan. Iniabot niya ako kay David. Kusa naman akong sumakay sa likod ni David. Buti pa sila ay hindi pabigat sa grupo namin. Mabuti na lamang at may dalawa pa akong pinsan na kasama. Sigurado ako kung wala sila ay pinaslang na ako ni Zandro. Sa 'di ko alam na dahilan ay sagad sa buto ang galit sa a 'kin ni Zandro.

Nagpatuloy na kami sa kinalalagyan ng isa pa naming kasama. Ngunit lutang pa rin ang isip ko sa mangyayari kay Dado. Hindi ko namalayan na tumigil na pala kami sa isang masukal at malawak na lugar. Natatakpan ng matatalas at matataas na talahib. Hindi mo maaninag ang paligid dahil sa taas ng mga damong ito.

Napansin ko na naguusap silang lahat dahil sa mga galaw ng kanilang katawan at mga kumpas ng kanilang mga kamay. Tila wala na akong pakelam kung ano pa man ang pinaguusapan nila. Iniisip ko lang ngayon kung anong mangyayari kay Dado. At gaano ako kawalang silbe.

Maya-maya pa'y isang tinig sa aking isipan ang bumasag sa lumulutang kong isip. 

"Kuya Marco!" Tinig pala ni Isko ang pumukaw sa akin.

"Malapit na tayo sa ating isa pang kasama. Pero sabi ni Roman mukhang may ibang nilalang ang kasama niya. Ang ating kasama ay tila nawalan ng malay. Ang nilalang na kasama niya ay tila nakaupo sa parang trono sa isang mataas na lugar na para bang isang altar."

Sa mga oras na ito parang walang na akong pakialam sa isa naming kasama. Ngunit natawag nila ang aking pansin sa sinabi ni David na kasalukuyang tangan ako sa kanyang likod.

"Marco. Babae daw ang kasamahan natin na andoon." Bulong sakin ni David.

'Babae? Hindi kaya? Unang pumasok sa aking isip ay si Elyza. Si Elyza. Sana ligtas siya. 

"David. Anong kalagayan niya? Si Elyza na kaya yun? Ano bang sabi ni Roman?" Pag-alala ko at ramdam ko na ang pagkasabik sa bawat sasabihin ni David.

"Maayos lang naman ang lagay ng kasama natin Marco. Hindi pa natin alam kung sino nga ang babaeng iyon. Kelangan puntahan natin siya para malaman," Sagot sa akin ni David.

Akma na sana kaming tutuloy at pupuntahan ng kasama naming iyon ng bigla nanaman kaming pinigilan ni Roman.

"David? Bakit tayo pinigilan ni Roman? May nangyari ba? May paparating bang kalaban?" 

Ilang sandali bago ako sinagot ni David, mukhang siya rin ay tinanong sa aming mga kasama kung anong nangyayari.

"Marco, mukhang may kakaiba sa kasamang nilalang na kasama ng ating kasamahan. Nakaupo lamang ito at tila ba ay may hinihintay. At tila walang ibang nilalang na nakapaligid sa kanila. Mukhang dilikado ang nilalang na ito. Kelangan nating mag-ingat." Paliwanag sakin ni David.

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon