Life in the Province Episode 9
Malaking Siga (Bonfire) part 1
"TUKTUGAOOOOKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Nagising ako sa tilaok ng Manok. Madilim pa ang paligid. Bumangon ako at pupungas pungas habang nagkukusot ng mga mata. Ginala ko agad ang aking paningin sa buong paligid ng kwarto. Nakita kong tulog pa si Dado at nakatalukbong pa. Umupo ako sa tabi ng papag. Tumayo para pumunta sa banyo. Nakasalubong ko agad sila tiyo Ben, tiya Virgie, at ang dalawang magkapatid na si Isko at David sa kusina na nagkakape at nag-aagahan. Tulad ng dati, ang handa nilang agahan ay sandamukal pa rin.
"Aba?! Ang aga mo magising Marco?" Bati pa sa 'kin ni tiyo Ben.
"Ah opo, sasama daw po kami ni Dado sa inyo sa palayan. Eh 'yong Dado naman na 'yun mahimbing pa rin ang tulog."
"Ah gano'n ba?" Halong pagtataka ni tiyo Ben.
"Mahirap ang trabaho sa bukid Marco. Baka sumuko ka lang?" Sabat pa ni tiya Virgie.
"Alam mo kasi 'tong mga pinsan mo sanay na 'to sila, kasi, tuwing bakasyon ay tumutulong sila sa amin."
"Ah ok lang po, makaranas man lang ng hirap. Hehe." ngi-ngiting ko pang sagot.
"Huwag kang mag-alala Marco, makakaranas rin tayo ng hirap mamaya." Bigla naman sambit ni David.
Napansin ko na parang may kung anong kumagat kay David mula sa ilalim ng lamesa, kasabay nito ang masamang titig ng kanyang ina.
"Sa bukid Marco, sa bukid." Dugtong pa niya habang kinakamot ang hita.
"Hahaha. Kaya natin 'yun! Teka lang at magbabanyo lang ako at gigisingin ko na rin si Dado."
"Ah oo nga, para makapag-agahan na rin kayo. Mahirap magtrabaho ng walang laman ang tiyan." si tiyo Ben habang humihigop ng kape.
Nagpunta ako sa banyo at pagbalik na pagbalik ko sa kwarto namin ay ginising ko agad si Dado. Habang papalapit ako sa kanya ay pinakiramdaman ko muna baka nanaginip ako. Sinubukan kong kurtin ang pisngi ko para malamang gising ako.
"Aray!"
Bigla naman nagising si Dado.
"Uy? Anong ginagawa mo diyan at tinitignan mo ko?" bulalas ng aking pinsan na pupungas pa at nagkuksot ng mata.
"Sira ka talaga Dado? 'Di ba nga sasama tayo kila tiyo Ben ngayon sa bukid? Ikaw pa nagyaya tapos ikaw 'tong matagal magising."
Bumangon na rin si Dado at sabay na kaming nag-almusal. Maya-maya pa ay naghanda na kami papuntang bukid. Bago pa kami umalis ay binigyan kami ni tiya Virgie ng mga damit na akmang gamitin sa palayan. Bota, mga damit na mahahabang manggas at salakot.
Naglakad na kami patungo sa bukid. Nauuna sila tiyo Ben at tiya Virgie, si David at Isko naman ay kasunod. Samantalang kaming dalawa ni Dado ay nasa bandang likuran. Ang bukid pala ay kabila lang ng burol na pinuntahan namin ni Elyza. nang nasa tuktok na kami ng burol napansin ko agad ang isang parang altar na nasa isang mataas na bahagi ng burol. Kahit madilim ay mamapansin mo siya dahil may nakasinding mga sulo sa paligid nito.
"Dado ano yun?" tinuro ko gamit ng nguso ko.
"Ah 'yun ba? Altar 'yun ng mga ninuno natin. Diyan nila sinasamba 'yung mga anito, mga ispirito parang ganun. Alam mo naman noon 'di ba, masyadong mapamahiin ang mga matatanda."
"Ganun ba? Ang cool naman nun. Sayang 'di ko nadala 'yung DSLR camera ko. Naiwan ko sa Maynila. Picture picture sana tayo 'don."
"Bawal din naman kunan ng larawan 'yan. Mapapagalitan ka diyan ng mga tao. Sagrado ang lugar na 'yan kaya hindi basta basta pwedeng gawin ang kahit anong bagay diyan. At saka bukas pupunta rin naman tayo diyan..."
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....