Life in the Province Episode 11

7.5K 97 10
                                        

Life in the Province Episode 11

Halimaw

"MARCO!! MARCO!!! Natutulog ka nanaman! Puyat ka na lang ba lage ha Marco? Ano bang pinaggagawa mo at lagi kang puyat?"

Nagising ako sa sigaw ng professor ko sa Math. Nakatulog pala ako sa klase niya. Puyat na puyat kasi ako kagabi. Hindi ko malaman kung bakit nahirapan akong makatulog sa mga panahong ito lalo na sa gabi at tinatamad din kasi ako pagdating ng subject na to. Hindi ko alam kung baket ganon lage eh paborito ko namang subject to at saka, ito ang pinakamadaling subject para sa akin.

Dali-dali akong bumangon at nagpahid ng mukha gamit ang aking mga braso. Baka kasi may mga natira pang tumulong laway mula sa akin. Nakakapagtaka dahil medyo malago ang mga balahibo ko ngayon. Malago naman talaga ang balahibo ko dahil may lahi kaming balbon pero sa pagkakataong ito parang mas malago siya.

"Hay naku Marco!! Lagi ka na lang ganyan, sa asal mong yan kelangan makausap ko ang mga magulang mo. Ah siya! Pagkatapos ng klase ay dumiretso ka sa Guidance Counselor!"

Medyo napahiya ako dahil halos marinig na ng buong Campus ang boses ni Ms. Luzviminda sa kakasermon sa akin. Paboritong estudyante ako ni Ms. Luzviminda pero lagi niya akong pinapagilatan. Kasi daw tamad ako pero magaling naman daw talaga ako pagdating sa kanyang subject. Matandang dalaga rin kasi si mam kaya madaling mag-init ang ulo.

Pagkatapos ng klase ay pumunta agad ako sa Guidance Couselor namin. Sinamahan pa ako ng mga classmate ko habang inaalaska ako sa daan papuntang Guidance Office.

"Ano Marco san ka nanaman nakarating sa panaginip mo. Hihi. Nasa cloud 9 ka nanaman!" Ika pa ng isa kong kaklaseng babae at sabay-sabay pa silang nagtawanan na lubhang nakakainis.

Natigilan na lamang sila ng pang-aalaska sa 'kin ng makita naming nasa tapat na pala kami ng Guidance Office. 

Marami kasing takot sa Guidance Couselor dun. Si Mr. Makisig. Terror siya sa mga estudyante lalo na sa mga pasaway. Ang laki-laki kasi niyang tao at maraming balbas. Pati nga mga braso niya ay marami ring buhok. At napakalaki ng boses niya akala mo ay laging naka kulob sa isang malawak na kweba. 

"Marco Lupus Argentum." Isang malaking nakaktakot na boses ang sumalubong sa akin pagkaapak ko pa lang sa loob ng guidance office. Nakita ko agad si Mr. Makisig na nakaupo sa kanyang table. Agad siyang tumayo at nilapitan ako habang nasa likod niya ang mga kamay hawak ang kapirasong papel.

"Natutulog sa klase. Kulang ka ba sa kain Marco at lagi kang antukin? O dahil talagang puyat ka lage?" Ang sermon sa akin habang nakatitig at bahagyang nakayuko dahil mas matangkad siya sa akin.

"Ah eh... Pasensiya na po kayo sir. Hindi po kasi ako makatulog kagabi. Hindi ko po alam kung baket. Parang balisa po talaga ako kaya minabuti ko na lamang po na manood ng mga palabas."

Tumalikod siya sa akin at humarap siya sa bintana ng kanyang opisina at parang may tinititigan sa labas.

"Dahil bilog ang buwan." Mahinang sabi niya.

"Ano po yun sir?" Kahit narinig ko ang sinabi niya ay nagtataka ako kung bakit nasabi niya iyon.

"Wala. Kayo talagang mga kabataan dahil sa teknolohiya ay wala na kayong panahon pati sa pagtulog." Sambit niya habang nakaharap pa rin sa bintana at parang may tinititigan pa rin.

"Pasensiya na po sir. Hindi ko na po uulitin ang mga nangyari." Paliwanag ko habang nakayuko dahil sa hiya.

"Dapat sa iyo gisingin!" At bigla siyang humarap sa akin.

"Gisingin! GISINGIN! GISINGIN!" Bigla siyang humarap sa akin at dahan-dahang lumalapit sa akin.

"Teka lang po sir.." Kinakabahan na ako dahil unti-unti na siyang lumalapit sa akin at halos dumikit na ang malaki niyang mukha kaya bahagya akong napapaatras.

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon