Life in the Province Episode 19
Takas
Pangil's Point of View
Nagising ako sa mga hiyaw at sigawan sa paligid. Naramdaman ko mainit na apoy na unti-unting sumusunog sa aking mga kalahi. Nakita ko ang isang lalaking papalapit sa akin na may dalang sulo. Batid ko na ako na ang kanyang isusunod na sunugin. Walang kalaban laban na susunugin habang nakagapos sa isang malaking poste ng matigas na kahoy na napaliligiran ng mga tuyong panggatong.
Diyos ko, bakit ninyo hinahayaan gawin sa amin to ng mga tao. Samantalang wala naman kaming ginawa upang hamakin sila.
Tanging isang pagkakataon lang na nagkaroon ng pagkakamali ang angkan namin. Dahil na rin sa kami'y mga kakaibang nilalang, madalas ay pinagmamalupitan kami ng mga tao. Nang minsan ay hindi na ito nakayanan ng isa sa aming mga kasama nanlaban siya at sa di-inaasahang pangyayari ay napaslang niya ang isang tao.
Dito nagsimula ang paglipol sa amin. Inutos ng hari na lahat ng katulad namin ay paslangin at sunugin. Tinugis kaming lahat at unti-unti ay pinagpapaslang sa pamamagitan ng apoy.
Mga ilang hakbang na lamang at malapit na sa akin ang isang lalakeng sundalo. Isang mala-demonyong ngiti pa ang ipinamalas niya sa akin. Tila pangungutya bago niya ako sunugin ng buhay.
Napatingin ako sa langit. Ramdam ko ang mga lamig ng paligid at ang mga nyebe na dahan-dahang bumabagsak sa aking mukha.
Nakita kong huminto sa harap ko ang sundalo.
"Magdasal ka na halimaw, katapusan mo na."
Isang matalim na tingin lamang ang iginanti ko sa kanya.
"Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa tao..."
Napawi ang mga ngiti niya at ramdam ko ang galit na umibabaw sa kanyang pagkatao. Ngunit bago pa man niya nagawang sindihan ang mga panggatong sa paligid ng poste kung saan ako nakagapos, ay may kung anong tumalon mula sa gilid namin sinakmal siya sa leeg.
Nakita ko pa na nagpupumiglas siya ngunit wala na siyang nagawa, dumanak ang mapulang dugo sa malamig na yelo sa lupa at binawian na siya ng buhay.
Isang kapatid na lobo pala ang tumapos sa kanyang buhay. Pagkatapos noon ay nagdatingan pa ilang mga taong lobo.
Agad-agad niyang pinutol ang mga tali sa akin. Ang iba ring mga taong-lobong nagsidatingan ay agad-agad ring pinakawalan ang iba pang hindi natutupok ng apoy.
"Tumakas ka na kaibigan! Tumakbo ka nang malayong-malayo! Mag-anyong lobo ka at wag kang lilingon! Ilang sandali lang at magdadataingan ang mga kawal ng hari!"
Wala na akong sinayang na oras. Agad-agad ay nagpalit ako ng anyo at dali-daling tumakbo palayo.
Malamig at umuulan ng niyebe ng mga panahon na 'yon, at dahil dun ay unti-unti nitong kinakain ang pwersa ng aking pagtakbo, sanhi nang madali kong pagkapagod.
Hindi ko na alam kung saang direksiyon ako tumakbo pero naisip ko na bahala na, basta makalayo sa lugar na ito at maligtas ang aking sarili. Wala na rin naman akong babalikan pa, halos lahat ng pamilya ko ay natupok na ng apoy gawa ng mga sundalo ng hari.
Alam ko na dapat ngayon ay nalulunod ako sa dipresyon at manlumo sa kalungkutan, pero may nagsasabi sa akin na kailangan kong mabuhay. Gusto kong mabuhay.
Hindi naglaon ay naramdaman ko na tindi ng pagod sa aking pagtakbo. Mga ilang daan kilometro na rin akong takbo ng takbo. Ni hindi ko nga alam kung saang direksyon ako papunta. Ramdam ko na ang pagod at hingal. Minarapat kong mag-anyong tao at baka may makasalubong ako ay matakot sa akin. Sa tingin ko naman sa layo ng tinakbo ko ay hindi na ako masusundan ng mga sundalo ng hari. Halos wala na rin ata ako sa nasasakupan ng kaharian ng hari. Napansin ko 'yun dahil medyo manipis na ang dami ng yelo sa paligid.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....