Life in the Province Episode 3
Bantay
Maka-ilang linggo pa lamang ako sa probinsya at sangkatutak na kababalaghan ang na-ingkwentro ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang mga ganitong bagay.
Isang umaga habang nagkakape kaming magpinsan sa ilalim ng puno ng santol, napagusapan namin 'yong nangyari samin nung kami'y namasada.
"Grabe talaga yung nangyari sa atin noh, insan." ani ko sa kanya.
"Alam mo Marco wala pa yun sa mga kakaibang pangyayari dito sa atin!"
"Eh, insan Dado, bakit di ko nakita yung mga ganyang bagay nung andito ko 'non?"
"Eh pano ba naman Marco, paslit ka pa lang 'non wala ka pang ka muwang-muwang, at saka sobrang alagang alaga ka ni lola nun, ultimo nga lamok ayaw niyang ipadapo sa'yo!"
"Gano'n ba 'yon insan?"
Sabay nagtawanan at higop sa kape.
"Eh insan Marco, gusto mo ba makakita ng multo??"
"Naku insan! Totoo ba 'yong mga multo?"
"Grabe ka naman Marco ngayon ka pa hindi maniniwala, pagkatapos ng mga nangyari sa'yo?"
"Sa bagay may punto ka nga dun? Eh san naman yun, baka naman mapahamak tayo diyan."
Nilapag ni Dado ang kape at sabay tayo.
"Malapit sa bayan sa bungad, papunta dun sa kapit-baryo natin. Malapit lang sa kalsada"
"Wow, na-intriga tuloy ako ah! Kelan ba natin puwede puntahan?" sabik na sabik kung banggit.
"Gusto mo mamaya na eh, pagkagaling natin dun sa binyag ng pamangkin natin sa bayan"
"Sige ayos yan, call ako diyan. Basta hindi tayo mapapahamak diyan ha."
"Huwag ka mag-alala pinsan, akong bahala sa 'yo," pagyayabang ni Dado.
Bago magtanghalian ay tumungo na kami sa binyagan at lumamon ng marami. Nakilala ko doon ang iba pang mga pinsanin namin at iba pang mga kamag-anakan.
Pagkatapos ng malaking salu-salo ay nauwi na sa inuman.
Doon mas marami pa akong nakilala na mga kamag-anak, yung isa nga naming pinsan na nakatira sa ibayo ay niyaya kami sa kasalan pa ng isa naming pinsan na gaganapin sa makalawa, at nangako kami na pupunta.
Maghahatinggabi na nang matapos ang inuman at nagpasya na rin kaming umuwi. Hindi naman kami nag-alala dahil meron kaming dalang sasakyan.
"O insan Marco, ready ka na ba?" hamon niya sa akin.
"Ha? alin anong ready na??" Nagtataka ako kung ano 'yong sinasabi niya.
"Tanga! Nakalimutan mo na agad? 'Yong multo na titignan natin! Yung pinag usapan natin kaninang umaga! Tulig!"
"Ah oo nga pala, nakalimutan ko na 'yon medyo may tama na rin kasi ako. Sige basta hindi tayo mapapasama diyan ha"
"Basta akong bahala sa 'yo" Pagyayabang pa niya.
Kaya dali-dali na akong sumakay sa single na motor naming dala.
Bago kami umandar ay nagbilin muna siya kung anong gagawin ko.
"Insan, basta tumingin ka lang sa bandang kaliwa natin, makikita mo agad yun malayo pa lamang. Basta wag ka lang kabahan, walang mangyayaring masama sa atin."
Tumango na lang ako at kahit sa loob loob ko ay medyo kinakabahan na talaga ako.
Tinahak na namin ang daan at nang malapit na kami ay binigyan na niya ako ng hudyat.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....