Life in the Province Episode 16

4.6K 88 36
                                    

Life in the Provice Episode 16

Paglipol

Bilisan natin baka mapahamak pa sila 'pag nagtagal pa tayo! 

Sayang ang oras, kailangan naming magmadali. Kung hindi, baka walang buhay na katawan na lamang ang madatnan namin sa aming mga kasamahan sa serapim na tinatawag nilang Behemoth. Ang mas matindi kung pati katawan ay hindi na namin maabutan. Lalo pa't nandoon ang pinakamamahal kong si Elyza.

Tumigil nanaman kami saglit sa paglalakbay patungo sa timog kung saan nandoon ang pakay naming hiyas. Mukhang naguusap nanaman sila.

Ano kayang pinaplano nila? Pano kaya namin tatalunin ang isang serpahim? Anim na taong lobo laban sa isang malakas na nilalang, malabo. Lalo na ang isa pang taong lobo ay hindi magamit ang kanyang tunay na lakas.

"Marco!" Isang tinig na pumukaw sa nagmumuni-muni kong isipan.

"Isko? Bakit?" sagot ko sa kanya.

"Ako to si Zandro"

"Ah ikaw pala. Himala naman at kinakausap mo ko sa kabila ng kawalang-silbi ko"

"Hindi mahalaga ngayon 'yun Marco. Ang mahalaga ngayon ay makuha ang hiyas at maligtas ang iba pa nating kasama." Si Zandro.

"Sa bagay tama ka. Ano bang plano? Ano bang magagawa ko? Eh hindi ko nga kayang lumaban sa mga mahihinang halimaw dito sa lugar na ito."

"Huwag kang mag-alala Marco, wala kang lalabanan na halimaw. Ganito ang plano natin. Lahat kaming lima ay lalaban sa seraphim na si Behemoth. Habang abala siya sa pakikipaglaban sa amin ay ikaw na ang bahalang kumuha ng hiyas at magligtas sa mga kasamahan nating bihag niya." Paliwanag sa akin ni Zandro.

"Eh pano tayo makakasiguro kung nasaan sila?" Sagot ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba ang kakayahan ni Roman?" Sagit sa akin ni Zandro.

Oo nga pala. Nakalimutan ko na may malawak nga pala ang pakiramdam at pandinig ni Roman. Sa lagay na ito malalaman namin ang posisyon nila malayo pa lamang.

"Ganoon na nga ang gagawin natin Marco. Kailangan mong bilisan ang mga kilos mo at baka kami ay mapahamak. Siguradong hindi kami tatagal sa laban lalo na at isa siyang seraphim." Sabi pa sa akin ni Zandro.

Muli ay nagtungo na kami papunta sa kinalalagyan ng aming pakay. 

Mga ilang saglit pa ay huminto kami at tila may pag-uusapan nanaman. Bahagya silang nag-uusap dahil na rin sa mga galaw na kanilang ginagawa.

"Marco!"

"Zandro?" 

"Ako nga. Nakita na ni Roman ang mga kuta ni Behemoth. Tulad ni Allocen mag-isa lamang siya sa kanyang lugar. May nakita siyang dalawang katawan ng tao na tila nakatali sa may gawing kanan ng kanyang kinalalagyan. Malaki ang tyansa na ang mga kasama natin iyon. Ngunit hindi pa rin makita ni Roman kung nasaan ang kinalalagyan ng hiyas na pinapakuha ni Allocen."

Tumuloy na kami sa lugar ni Behemoth. Nang malapit na kami ay nagtago kami sa isang malaking bato malapit sa kinalalagyan ni Behemoth.

Medyo mataas ang lugar na aming pinagtataguan kaya tanaw namin ang buong paligid. Ang kinalalagyan ni Behemoth ay animo'y isang hawla ng isang baboy. Ang dumi, ang putik. Nagkalat ang iba't ibang uri ng buto, mga bakas ng dugo. Sa bandang gitna nito ay isang malaking halimaw. Dalawambeses ang laki niya kumpara sa mga taong-lobo. Singlaki siya ng seraphim na aming unang na-engkwentro. Ang serphim na gawa sa bato. Maraming patusok-tusok sa buo niyang katawan. Ang dalawa dito ang pinaka kapansin-pansin dahil sa haba at tulis na nasa magkabilang bahagi ng kanyang ulo. Mala-demonyo talaga ang hitsura niya na tila sa mga video games mo lang makikita. Tila mayroon siyang nginangasab-ngasab sa kanyang kinatatayuan.

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon