Life in the Province Episode 4

9.4K 120 10
                                    

Life in the Province Episode 4

Daan Patungong Baryo Lisik, Gubat na Mahiwaga

"Hoy gising! Hoy gising na!! Hoy antukin! Gising na!!"

Nagising ako sa tapik sa mukha ng aking pinsan.

"Taena, ano ba at ginigising mo ko? Wala namang pasok ngayon? " nagkakakamot at nagpupunas ng mata.

"Sira ka ba Marco??? Kelangan na nating umalis!!"

"Ah, ikaw pala Dado." Oo nga pala nasa probinsiya ako. "Ha? San ba tayo pupunta?"

"Sira ka ba? Nakalimutan mo na ba? Pupunta tayo sa kasal ng pinsan natin!"

Lumabas si Dado at pumunta sa kusina.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan Dado? Eh sa makalawa pa yun! At saka ang dilim dilim pa oh!"

Bumangon ako at umupo sa tabi ng higaan.

"Oo nga sa makalawa pa, pero 'yong lalakbayin natin papunta dun, aabutin ng dalawang araw!"

Nagulat ako at para bang nawala ang antok ko.

"Dalawang araw?! Sigurado ka ba???"

"Inulit mo lang sinabi ko eh" sabay abot ng mainit na kape.

"Oo, dalawang araw. Wala kasing pumapasok na sasakyan dun sa dadaanan natin kasi takot ang mga tao."

"Bakit takot?" sabay higop sa mainit na kape.

"Basta ikukuwento ko na lang sa 'yo sa daan."

Wala na akong nagawa at gumayak na ako at naghanda sa pupuntahan namin.

Mga ilang saglit lang ay nakahanda na kami at tumuloy na sa aming paglalakbay.

"Grabe talaga yun si lola, mahal na mahal talaga ako, kung anu-ano ang pinadala sa akin. Pinagbota pa ako at long sleeve na damit, at kung anu-ano pang mga langis, tsaka mga agimat, ay ewan. hahahha"

"Tama lang yang mga dala mo Marco, yung bota para yan sa malalaking linta dun sa bundok, marami kasi nun dun."

"Linta!? Naku po nakakadiri pa naman yun? Tapos malalaki. Shet sana 'di ako makapitan!"

"Oo, 'yong mga linta do'n tig-bebente ang lake, hindi barya-barya lang. Kung makahigop nga ng dugo eh, wagas."

"Humaygad! Parang ayaw ko nang tumuloy ah!! Wag na kaya tayong tumuloy Dado"

"Sira ka ba, hindi na tayo puwedeng bumalik, gayak na gayak na tayo eh oh, at saka, panay kasi ang oo mo do'n sa pinsan natin, ayan tuloy napasubo tayo. Ayaw ko rin namang pumunta, eh nakakahiya naman 'di ba?"

"Sabagay may point ka do'n."

At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Akala ko noon na masukal na yung baryo namin, pero sa dinadaanan namin mas masukal pa at tila walang bakas ng mga daanan ng tao.

"Marco, alam mo ba kung bakit tayo maagang umalis?"

"Ha? Edi siyempre para makarating agad?? Eh sabi mo dalawang araw eh."

"Tama ka diyan pero may isa pang dahilan kung bakit maaga tayo."

"Eh bakit nga ba?" Tanong ko.

"Alam mo kasi itong dinadaanan nating gubat ay mahiwaga, maraming mga kakaibang nilalang ang naninirahan dito. Kaya mas dilikado 'pag naabutan tayo ng dilim sa gubat na 'to."

"Anak ng tinapay ka naman Dado! bakit dito tayo dumaan?? Eh dilikado pala dito!"

"Eh eto kasi ang pinakamabilis na daan, 'pag dumaan tayo sa isang ruta aabutin tayo ng isang linggo! Pero huwag kang magalala makailang beses na rin akong dumaan dito, kaya akong bahala sayo, huwag na huwag ka lang talagang hihiwalay o kaya lalayo sa akin."

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon