Life in the Province Episode 22

1.5K 34 14
                                    

Life in the Province Episode 22 

Kakaiba ang pakiramdam sa paligid... 

Napakabigat... Tila lahat ng mga masasamang alala sa buhay ko, ay nanunumbalik at ramdam na ramdam ko ang lungkot. 

Bakit? Bakit naiisip ko ngayon ang mga bagay na ito?

Ang maharlika... Anong nangyayari sa kanya?

Umiilaw ang kanyang mga mata. At tila may liwanag na bumabalot sa kanyang buong katawan. May lumalabas na  mga bagay mula sa kanyang likuran. Tila mga galamay ng pusit ngunit nagliliwanag ang mga ito.

Ano to?

Dahan-dahan ay ibinaling niya ang kanyang paningin sa akin. Gumanti ako ng tingin sa kanyang mga mata. 

Sobrang liwanag! Napakainit! Nararamdaman ko na nasusunog ang aking mga mata! Sinubukuan kong tanggalin ang aking paningin sa kanya ngunit hindi ko magawa!

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

Parang sinusunog ang mga mata ko! Unti-unti ay nararamdaman ko na ang init ng apoy ay kumakalat sa buong ulo ko! 

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!

Napakasakit!

Wala akong magawa kung hindi ay magsisigaw sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Ilang sandali pa ay ilang mga imahe ang nakikita ko sa aking isip. Mga imaheng hindi ko maintindihan. Mga kaalaman, mga pangalan, mga salita, mga tao, mga kakaibang bagay. Mga impormasyong pilit na pumapasok sa isip ko.

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!

Sangkatutak na mga larawan. Hindi ko mabilang. Parang hinalukay ang buong utak ko sa dami ng mga impormasyon, mga larawan, mga alala. Anong nangyayari? Ilang saglit pa ay nawalan na ako ng malay.

Nagising ako na tila may naguusap sa aking paligid. Kakaiba. Ang mga boses nila ay tila malaki at nababalot ang buong lugar. Iba ang lingguwahe na kanilang ginagamit ngunit naiintidihan ko ito. 

"MALAPIT NA ANG KANYANG PAGBABALIK. HANDA NA BA ANG LAHAT? TANGING ANG IYONG HIYAS NA LAMANG AT ANG HIYAS NI ARIEL AY MATUTUPAD NA ANG LAHAT UPANG MAKAWALA SA PAGKAKAGAPOS ANG ATING PANGINOON." Boses nang isang nilalang na ngayon ko lamang narinig.

"NAHANAP NIYO NA BA ANG HIYAS NI ARIEL?"  Boses iyon ng maharlika, ngunit bakit naging kakaiba ito , malawak. Parehong boses nila ay bumabalot sa buong lugar. Nakabibingi at tila sumasabog sa aking pandinig.

"ANONG IBIG MONG SABIHIN PRONOIA? KAYA NGA AKO AY NANDIRITO DAHIL ALAM NATING DALAWA NA NASA IYO NA ANG HIYAS NI ARIEL. HUWAG MO SABIHING WALA KANG BALAK NA IBIGAY SA AKIN ANG HIYAS NIYA AT PATI NA RIN IPAGAMIT ANG IYONG HIYAS PARA SA ATING PANGINOON? BALAK MO BANG MAG-AKLAS LABAN SA AMIN, PRONOIA?"

Dahan-dahan ay nilingon ko sila kung saan sila naroroon habang yakap-yakap ko ang malamig ngunit nagliliyab na sahig ng bahay ng maharlika.

Maliwanag. Nakakasilaw ang presensiya nila. Mga ilang saglit pa naaaninag ko na ang dalawang hugis sa gitna ng napakaliwanag tanawin. Ano ba ang mga nilalang na ito?

Mga anghel? Tama. Mga anghel sila. Pero bakit alam ko na mga anghel sila? Naputol ang aking pag-iisip nang magsalita muli ang maharlika.

"ANO PA BA RAHAB. HINDI NA NATIN KAILANGANG ALISIN KUNG NASAAN MAN SI LUCIFER. HINDI PA BA SAPAT NA NAIGAPOS NA SIYA SA IMPYERNO HABANG BUHAY? MALAYA NA TAYO KAPATID? MAGBAGONG BUHAY NA TAYO AT MABUHAY NG PAYAPA KASAMA ANG MGA TAO."

"LAPASTANGAN! HINDI BA ANG DAHILAN KUNG BAKIT TAYO NAG-AKLAS LABAN SA ATING AMA AY DAHIL MAS MAHAL PA NIYA ANG MGA TAO KAYSA SA ATIN? HINDI BA IYON ANG DAHILAN KUNG BAKIT SUMUNOD TAYO KAY LUCIFER. DAHIL SIYA LAMANG ANG MAY KAKAYAHAN NA LUMABAN SA ATING AMA!"

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon