Life in the Province Episode 23

1.3K 44 7
                                        

Life in the Province Episode 23

Kumbinsi

Zandro's Point of View

Hindi ako makapaniwala! Ang hinahanap namin ay kasama lang pala namin! Hindi Maaari!

Teka. Kung maglalaban ang dalawang halimaw na 'yan siguradong maiipit sa laban ang mga kasama kong nasa paligid. Pero kung ililigtas ko naman sila, baka pagbalingan ako ng dalawang halimaw na yan, at baka ako ang mapahamak.

Anong gagawin ko?

Bahala na. Ang kailangan ko ay apat hanggang limang sigundo para makapunta at makaalis ako sa kinaroonan nilang lahat. Ngunit sa tingin ko ay aabutin ng lima hanggang walong sigundo para makapunta pa lamang ako sa kanilang kinalalagyan. Hindi sasapat kahit gamitin ko pa ang espesyal kong kakayahan.

Wala nang ibang paraan. Sa loob ng limang sigundo ay kailangangang makuha ko sila at maihagis papalayo sa labanan. Pero siguradong masasawi ako.

Sakripisyo... Isasakripisyo ko ang sarili ko... Mas mahalaga ang mas nakakaraming buhay kaysa isa.

Mabilis akong nakapagpalit anyo. Bago pa man ako makailang hakbang mula sa aking kinatatayuan ay isang malakas na hangin ang tila tumulak sa akin. At bahagya akong napaatras sa lakas nito.

Hindi! hindi na sapat ang oras!

Teka lang...

Teka sino 'yun? Saan galing 'yun?

"Huwag ka nang kumilos Zandro. Mapapahamak ka lang."

Sa likod ko!?

Mabilis kong nilingon ito at hindi ako makapaniwala. Si Dado!?

Dado's Point of View

"Ano ba ang nangyayari dito?"

"Zandro?" Si Zandro na ngayon ay tulala at tila nakakita ng multo.

"Dado?! Pero, p'anong?"

"Mahabang istorya Zandro. Mamaya ko na ikukuwento. Ang mahalaga ay kung ano ang nangyayari ngayon. Teka lang, anu bang nangyari, bakit may dalawang halimaw diyan na tila maglalaban. At bakit walang malay itong mga kasama natin. Teka..."

Dahan-dahan kong nilapitan si Elyza. Mukhang masama ang kutob ko. Hindi ko marinig ang tibok ng kanyang puso?

"Tumingin ako ng matalim kay Zandro."

Yumuko na lamang siya at tila alam niya kung ano ang nangyari.

"Pano nangyari 'to? Zandro, sumagot ka! At 'asan na si Marco!"

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon