Life in the Province Episode 10
Malaking Siga (Bonfire) part 2
Kahit madilim na ang paligid ay binigyan ito ng liwanag ng bilog na bilog na buwan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, parang excited na excited, parang ang taas ng enerhiya ko ng mga oras na to. Hindi ko alam siguro kasama ko si Elyza, siguro inlab na inlab lang talaga ako. Naglalakad kami habang magkahawak ang kamay. Sa daan pinagmamasdan ko siya.
"Baka naman matunaw ako niyan Marco."
"Ah, hehe. Pasensiya ka na. Hindi lang ako makapaniwala na kasintahan na kita. At saka ang ganda ganda mo kasi."
Habang naglalakad ay bahagya kaming huminto.
"'Andito na tayo Marco."
Malapit na malapit na kami sa pagtitipon. Mga ilang hakbang na lang kami mula sa isang malaking siga. 'Yong parang napapanood ka sa telebisyon, 'yong 'Survivor'. Nakapaligid dito ang dalawang malalaking pahabang bato, na siyang uupuan namin. Marami na rin kasi ang nakaupo dito at nakita ko si Dado, si David at isko na nakaupo din dito. May iilan ding mga tao na nakabalabal at natatakpan ang mga mukha. Parang mga kulto. Hindi ko na lang sila masyadong pinansin at baka kasama lang ito sa mga epeks ng pagtitipon na ito.
"Hoy Marco! tara dito ka sa tabi ko."
Nalungkot ako dahil hindi pala kami magkakatabi ni Elyza ng upuan. Hiwalay kasi ang upuan ng mga binata at ng mga dalaga.
Paparating palang kami ay matalim na ang tingin sa amin ng ibang binatang makakasabay namin sa pagtitipon samantalang ang mga dalaga ay tingin na may halong ngiti animo'y kinikilig. Agad naman akong tumabi sa inuupuan ni Dado. Nakita ko rin na naupo na rin si Elyza katabi ang iba pang dalagang kasama namin.
Pasimple kong binulungan si Dado.
"Dado, ano ba talagang gagawin natin dito?"
"Ah wala naman makikinig lang tayo ng kwento." Pabulong niyang tugon sa akin.
"Ah ganun ba."
Makikinig lang naman pala kami ng kwento. Mahilig din naman kasi akong makinig ng kwento. Si lola kasi, madalas din mag kwento sa akin ng kung anu-ano.
Maya-maya pa ay may dumating na isang matandang lalake. Marahil siya na ang magkukwento. Ang matandang lalake ay mahaba ang buhok. Ang buong mukha niya ay natatakpan ng balbas. At kulay puti, dahil na rin siguro sa katandaan. Pero kahit ganoon ay napansin ko na matipunong-matipuno pa rin ang kanyang pangangatawan. At nagsimula na siyang magsalita.
"Ako nga pala si Inggkong Emy, ako ang pinakamatanda sa ating lahi sa lupaing ito. Kapatid ko si Alejo at si Amado na ngayon ay namahinga na."
"Insan Dado, siya ba yung tumulong sa atin?" Bumulong muli ako sa aking insan.
"Oo insan siya nga, siya ang nagligtas sa atin. Huwag ka na maingay diyan insan at makinig ka na lang." pabulong din niyang sabi sa akin.
Kung ganon siya nga iyon. Ang taong tumulong samin at nagligtas sa amin sa tiyak na kapahamakan mula sa mga aswang ng Gubat na Mahiwaga. Siya ang pinakamatanda? Ibig sabihin ay kaedad niya ang aking lolo Alejo. Naalala ko na dalawa pala ang lolo kong Alejo ang pangalan. Ang lolo ko mismo na asawa ng aking lola ay Alejo ang pangalan, at lolo ng aking lolo na Alejo rin ang pangalan. Hindi ko tuloy mawari kung sino ang binabanggit niyang lolo ko na kapatid niya. At nagpatuloy pa siyang magsalita.
"Narito kayo ngayon mga iho at iha dahil nasa hustong gulang na kayo. Bago natin simulan ang seremonya ay ikukuwento ko muna sa inyo ang kasaysayan ng ating angkan."
----------
Noong unang panahon, nilalang ng Diyos ang mundo at ang mga nainirahan dito, kasama na ang mga tao. Pinalayas ng Diyos ang tao sa kanyang hardin dahil sinuway nila ang utos nito at namuhay ng sa kanila lamang. At sa haba ng panahon ay dumami ang tao at kumalat sa buong mundo. May isang pagkakataon na may mga anghel na bumba sa langit upang magbantay sa mga tao ngunit ang iba sa kanila ay nabighani, umibig at namuhay kasama ng mga tao. Ang pagibig ng mga anghel sa mga tao ay nagbunga. Nagalit ang diyos at pinagbawal ito. Sa galit ng Diyos, sinubukan niyang lipulin ang mga ito ngunit ipinagtanggol ito ng Inang Kalikasan, ang mismong buhay ng mundo. Pinrotektahan, pinagtanggol at nakiusap sa Diyos na siya na ang bahala sa mga ito. Dahil sa awa ng Diyos ay hinayaan niya na lamang na mamuhay ito kasama ng mga tao. Ang mga naging supling ng mga anghel ay maituturing nating may mga kapangyarihan dahil na rin sa mataas na nilalang na pinanggalingan nila. Ang mga supling na ito ang mga higante, mga nilalang na kayang mag-iba ng anyo, mga nilalang na kayang kontrolin ang mga likas na bagay, at iba pang mga espesyal na nilalang. Isa rito ang mga nilalang na malalakas, may matalas na pakiramdam at ang kakayahang mag-anyo na parang isang mabangis na lobo. Dito nagmula ang ating angkan.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
TerrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....