Life in the Province Episode 21
Kaibigan o Kaaway?
Ang taong ito..
Hindi ko maintindihan. Hindi pangkaraniwan ang taong ito. Nararamdaman ko na mayroong kakaiba sa kanya. Kahit isa akong taong-lobo kung ikukumpara sa kanya, pakiramdam ko ay malayong-malayo ang aming pagkakaiba. Hindi ako mapakali. Mayroong kakaibang pwersang nakapaligid sa kanya.
"Marahil ay marami kang tanong sa isip mo alipin." Bigla niyang sambit, habang kami ay naglalakad at tangan-tangan ko ang iba ko pang kasamang alipin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya nanatili na lamang akong walang kibo.
"Itago mo muna ang iyong mga katanungan sa iyong sarili. Pagdating ng panahon malalaman mo rin ang lahat. Sa ngayon, pilitin mo munang mabuhay."
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala rin naman akong magagawa. Isa lamang akong dayo at alipin sa lugar na ito. Lalo na isang isang nilalang na katulad niya.
Dumating kami sa isang malawak na taniman. Mga palay. sa gitna ng palayan ay isang malaking bahay na yari sa kahoy. Makikita mo talaga na isa siyang maharlika sa laki ng kanyang bahay at lawak ng palayan. Napaliligiran ang buong palayan ng mga matatayog na puno ng niyog.
Maraming tao ang nagtatrabaho sa palayan. Marahil lahat ng ito ay kanyang mga alipin.
Nang dumating kami ay tumigil silang lahat at tumitig sa akin.
Mga titig na animo'y may tangka sa 'yong masama. Marahil dahil na rin sa hitsura kong iba sa kanila.
"Mag-ingat ka," biglang sambit ng maharlika habang kami'y papalapit sa kaniyang bahay.
"Galit sila sa katulad mo," ani pa niya.
Bakit kaya?
Sinalubong kami ng ilan pa niyang alipin.
Ilan sa mga ito ay inutusan niya na alalayan ang mga hawak kong alipin.
"Sumunod ka sa akin."
Akma na sana akong aalis at susundan ang ibang alipin ngunit mukhang may gagawin pa siya sa akin,
Sumunod na lamang ako at pumasok kami sa loob ng bahay.
Sa gitna nang bahay naupo kami. Pagkatapos kunin ng ibang allipin ang mga dala-dala niya ay pinaalis niya ito at kaming dalawa na lamang ang natira.
Malawak ang loob ng kanyang tahanan. Ang pinagtataka ko ay kung bakit wala itong mga silid. Pansin ko rin walang ibang maharlika doon na katulad niyang manamit. Marahil ay nasa ibang lugar ito at hindi pa umuuwi.
"Lumapit ka sa akin."
Hindi ko alam ko ano ang gagawin niya sa akin. Wala rin naman akong magawa at sumunod.
Dahan-dahan ay lumapit ako sa kanya.
Nagulat ako ng mabilis siyang lumapit sa akin at ipinatong ang kanyang kamay sa aking balikat.
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo. Parang binibiyak. Parang sasabog ang ulo ko!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Anong ginawa mo sa akin!!!"
Hindi ko masukat ang sakit na aking nararamdaman. Tila ba may kung ano pilit na pumapasok sa aking utak. Pakiramdam ko tatalsik ang aking mga mata. Wala akong marinig. Tila may lumabas na likido sa aking tenga at ilong. Pati na rin sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....