Life in the Province Episode 18
Walang Pag-asaSa tunog ng makina ng motor, akala mo ay bago. Kahit lumang modelo na siya ay mapapansin mo na iningatan itong mabuti ng kung sino man ang nandito sa amin. Marahil si Manoy. Siya lang naman ang nandito na may alam patungkol sa mga motor.
Hinarurot kong mabuti ang silinyador upang mapabilis ang pagpunta ko sa bayan at para masabi ko na sa aking kapatid ang aking nakita.
Ilang minuto pa lang ay narating ko na agad ang highway papunta sa bayan. Tinodo ko ang gasolina ng motor. Wala nang sandali pa ang dapat masayang.
Habang nasa highway ay napansin ko agad ang malakas na hangin na dumadampi sa aking mukha.
"Ang amoy na ito...."
Malayo pa lang ay napansin ko na ang pagdating ni manoy.
Isang malakas na tunog ng gomang gumasgas sa kalsada ang naging bunga ng biglang pag preno niya nang malapit na siya sa akin. Halos umusok ang gulong ng kanyang motorsiklo na tumagilid sa bilis at biglang pag preno niya.
"Manoy?"
"Nakita mo na rin ba dong?"
"Oo 'noy. Anong gagawin natin?"
"Edi ano pa, puntahan na natin sila agad. Sa gubat na mahigawa na tayo dumaan"
"Pero 'noy? Ang mga aswang?"
"Bahala na. Ang mahalaga makapunta na agad tayo doon. Nasa panganib si Dado at si Marco, at marahil ang buong baryo."
Dali dali kaming humarurot at tumungo sa lugar papasok ng gubat na mahiwaga. Pagkarating namin sa bukanan ng gubat amoy na agad ang alingasaw ng mga aswang sa loob ng gubat.
"Manoy mukhang gumagala na sila sa gubat. Anong plano?"
"Kung andito sana si Esyong malalaman sana natin kung nasan sila at para madali natin silang maiwasan."
"Eh Manoy, wala si Esyong anong gagawin natin?"
Nagisip ng malalim ang aking kapatid, tila nagiisip ng paraan upang makalampas kami sa lugar ng ito ng matiwasay at maayos.
"Manoy, ano na? Sayang ang oras? Baka mapano na sila Dado at Marco sa Baryo Lisik? Kailangan kumilos agad tayo. Ano bang pinaplano mo?"
"Maghunos dili ka nga diyan Fernando. Nagdadalawang isip ako kung huhubarin ko ba tong t-shirt ko at iiwan dito, o magpapalit anyo ako na suot ito. Alin man sa dalawa mawawala at mawawala din ang t-shirt kong to. Sayang, kabibili ko pa man din naman kanina."
"Manoy naman puro ka kalokohan eh. Nasa piligro na nga ang mga bata eh."
"Hahaha. Relax ka lang diyan Fernando. Hindi sila basta-basta mapapa'no. Kadugo natin sila. Ganito na lang ang gawin natin. Mag-anyong lobo tayo at magdire-diretso papuntang Baryo Lisik."
"Eh parang wala tayong ginawang plano no'n? Parang basta-basta lang sugod natin. Pano kung ma-kuyog tayo ng mga aswang na 'yan?"
"Sige ganto gawin natin. Dumiretso tayo ng landas at salubungin natin sila, tapos pag naramdaman na natin na hindi na natin kakayanin ang dami nila. Mauna ka na at magpapaiwan ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/17080976-288-k957370.jpg)
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....