Life in the Province Episode 8
Ilog
Nararamdaman ko na ang pagkawala ng buhay sa aking katawan. Nakikita ko ang pagdanak ng aking dugo sa sahig habang ako'y nilalapa ng halimaw na ito mula sa aking leeg. Napapikit na lang ako. Madilim. Walang hanggang kadiliman. Ngunit, may naririnig ako... Isang tinig...
"Marco...!"
"Marco...!"
Mahinang tinig. Ngunit papalakas ng papalakas. May tumatawag sa akin.
"Marco! MARCOOO!"
Nagising ako sa kanulungan ni tiya Virgie habang tinatapik niya ako sa mukha.
"Marco! Marco! Ok ka lang?! Hoy sumagot ka!"
"Tiya Virgie.... Anong nangyari?"
"Diyos ko! Buti naman at ayos ka lang. Narinig ka kasi ni Dado na umuungol at kanina ka pa namin ginigising. Binabangungot ka Marco!"
"Si Dado? Asan si Dado??"
Pu-pungas pungas ako ako at nakita ko si Dado sa may pintuan at bahagya akong napa-atras sa papag papunta sa isang sulok ng dingding.
"HUWAG KA LUMAPIT SAKIN DADO!!!!!!!!"
"HUWAG KA LALAPIT SA 'KIN KUNDI PAPATAYIN KITA!"
"Hoy Praning! Ano bang nangyayari sa 'yo Marco? Ayan andami mo kasing nilamon kahapon sa kasal kaya ayan ang napala mo, binangungot kang baboy ka! Hahahahaha"
Nang mga sandaling yun ay medyo nahimasmasan ako ng kaunti.
"Bangungot? Binabangungot lang pala ako. Akala ko totoo na. Para kasing totoo ang lahat."
"Ayan, sige lamon pa Marco, lamon pa ng lamon."
"Ah siya siya, tama na nga kayo diyan dalawa. Akala ko may lakad kayo ngayon?"
"Lakad? San kami pupunta tiya Virgie?" sabay tingin ko kay Dado na may halong pagtataka.
"Sira ka talaga Marco, 'di ba sabi ko maliligo tayo ng ilog ngayon?"
"Anong pinagsasabi mo diyan Dado wala ka naman sinabi sa akin na maliligo tayo ng ilog!?"
"Wala ba akong nasabi?" Kumakamot sa ulo habang nakatingala sa kisame animoy nagiisip ng malalim.
"Hindi ah! May sinabi ako sa 'yo! O parang ganun na nga. Ahahaha. Nakalimutan ko nga yatang sabihin sayo. At saka teka lang, kahit hindi ko naman sabihin sayo eh, sasama ka pa rin eh."
Sabagay may punto si Dado, dahil laking maynila ako, halos gahaman ako sa mga ganyang bagay. Kahit nga do'n sa baryo namin, halos araw-araw kaming naliligo ng ilog.
"Ah basta, maghanda ka na diyan at sasama din sila David at Isko sa atin."
Si David at Isko ang dalawang anak nina tiyo Ben at tiya Virgie. Binata na rin sila parehas, siguro si David ay mas matanda lang sa akin ng kaunti, samantalang si Isko ay kasing edaran lang namin ni Dado.
Agad agad na akong nagbihis, hindi ko pwedeng palampasin ang pagligo ng ilog dito. Baka kasi ang ilog dito kasing linaw ng batis na nakita namin sa Gubat na Mahiwaga. Huwag lang sanang may Unding!
Bago pa kami umalis ay kumain muna kami ng agahan. Grabe, ang daming handang pagkain sa hapag kainan. Parang nasa kasalan pa rin kami.
"Grabe tiya Virgie ang dami namang pagkain? May okasyon ba?"
Hindi na ako nakapagpigil pa at inumpisahan ko na ang paglamon.
"Alam mo kasi Marco, mga bisita kayo dito kaya kelangan pagsilbihan kayong mabuti. Yung matitira eh, yun ang babaunin niyo 'pag punta niyo sa ilog."
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....