Life in the Province Episode 17

5K 104 56
                                        

Life in the Province Episode 17

Lukso ng Dugo

Fernando's Point Of View (Marco's Father)

Mag-aalas dose na ng tanghali. Pero parang wala akong ganang kumain. Imposible naman na ganon. Sa katulad ko? Mawalan ng gana? Hahahaahaha... Stress lang siguro to.

Uuwi na lang siguro ako at magpapahinga at magluto ng masarap sa bahay.

"Abby, please cancel all my appointments."

"Pero sir, may important meeting ka sa mga chefs natin ngayong 3pm. Kayo pa ang nag-set no'n baka magtampo sila?" Sagot pa ng aking sekretarya.

"Ah basta. Ikaw na bahalang gumawa ng dahilan. Sabihin mo masama ang pakiramdam ko or may emergency. Use your imagination abby. That's why I hired you."

"Pero sir...."

Wala nang nagawa ang sekretarya ko at dali-dali na akong umuwi. 

Bago ako sumakay sa aking kotse ay tinawagan ko si misis.

"Hello Honey?"

"Oh Honey bakit napatawag ka may emergency ba?"

"Wala naman, uuwi na sana ako eh. Dadaanan kita."

"Okay, mag-half day lang din sana ako ngayon. Tapos nanaman ang mga kailangan kong gawin sa commisarry. Magdadala pa ba ako ng foods from here?"

"No, no, no. You don't need to, honey. I'll cook when we get home."

"Really? I'm excited!"

"Okay honey i'll get over there na. Bye, love you."

Nagmamadali na akong sumakay sa kotse para sunduin ang misis ko sa isang food commissary office. Tulad ko ay food handling din ang trabaho niya. 

Sherly's Point of View (Marco's Mom)

Hmmm... Mukhang may binabalak nanaman ang mister ko. Hay naku, mukhang mapapalaban nanaman ako nito. Iba talaga 'pag may dugong halimaw. Halimaw din ang pangangailangan. Hehe. Oh well, that's why I love him.

"Mam, sherly, tara na po. Kumpleto na po kami ikaw na lang po ang wala dito sa van." Si Riza isa sa mga Food Tech ko. Meron kasing shuttle ang company which I requested. Malaki naman kasi ang kinikita ng kumpanyang ito dahil na rin magaling akong magpalago ng bussiness.

"Ah Riza, mauna na kayo. Susunduin ako ng mister ko. Hihintayin ko na lang siya dito."

"Ok Mam. Sige po mauna na po kami."

Si Fernan talaga, porke wala ang mga bata ay sinasamantala ang pagkakataon. Well, advantage din naman sa akin. Gusto ko rin ang gagawin namin mamaya.

Fernando's Point of View

I have to make haste. Baka mainip ang misis ko. Hehe. Excited na ako masolo siya ulit. It's been a long time bago kami nagkaroon ng pagkakataon na kami lang ang nasa bahay. Matagal-tagal din kasi ang out of town ng mga bata. Its been weeks pero, parang days lang ang lumipas. 

Nag-drive na ako ng mabilis pero siniguro ko na tama lang ang speed ko para hindi matikitan. And siyempre dahil hindi rin maikakaila ang trapik sa bansang ito.

Mga kalahating oras din bago ko narating ang company ng Misis ko. Hindi ko nga alam kong pati ako may karapatan dun. Ang galing kasi niyang magpatakbo ng negosyo. From a small stand lang na nagtitinda ng mga finger foods, to a large scale na halos lahat ng mga mall dito sa Maynila ay meron na siyang stand.

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon