Life in the Province Episode 13

6.8K 99 15
                                    

Life in the Province Episode 13

Sagip

Papalapit siya na papalapit sa akin, nararamdaman ko ang ang init ng kanyang paghinga. Ipinikit ko pa ng mabuti ang aking mata. Inihahanda ko ang aking sarili sa sakit na matatamo sa malalaki niyang pangil. Malapit na malapit na siya. Nasa mukha ko na ang kanyang bibig. Eto na ang aking katapusan. 

Ang tagal naman niya akong lapain. Dapat sana ay kanina pa niya ako sinunggaban, pero lumipas na ang ilang sandali ay hindi pa ko pa rin maramdaman na bumaon ang kaniyang pangil sa kahit aling parte man ng aking katawan. Anong nangyayari?

Dahan-dahan ay binuksan ko ang aking mga mata. Nang makita ko siya, halos tumalon ang puso ko sa gulat.

"Hoy Marco!" Mga katagang gumulat sa akin at naumpog pa ako sa punong sinasandalan kong puno sa mga sandaling ito. 

"DADO?!" 

"Sssssssssshhhh! Hinaan mo lang mo boses mo Marco. Dilekado ang lugar na ito baka makatawag pansin pa tayo ng ibang mga nakakatakot na nilalang dito."

"Ano?! Teka lang. Ano bang nangyayari? Asan na 'yung halimaw kanina? T.. Teka nga, bakit ka nakahubo't-hubad diyan? Yuck Dado!" Ang walang hiyang Dado bigla na lamang sumulpot sa harap ko na walang saplot.

"Ugok!" Sabay batok sa akin.

"Sabi ko hinaan mo lang boses mo eh."

"Ano bang nangyayari Dado? Asan na 'yung halimaw kanina?" Pabulong kong sabi sa kanya.

"Hina mo talaga pumick-up? Edi ako 'yun!"

"ANO?!" Medyo nalakasan ko pa dahil sa pagkagulat ko.

"Sabi kong hinaan mo boses mo eh.  Akala ko pa naman Engineer ka. Ang hina mo naman umintindi sa sitwasyon."

"Teka lang Dado, hindi ko maintindihan. Paliwanag mo nga sa akin, nalilito ako."

"Hay naku Marco. Palibhasa kasi'y lumaki ka sa Maynila kaya hindi mo naintindihan. Hindi ka ba nakinig do'n sa kwento ni Ingkong Emy? Mga taong-lobo tayo 'di ba nga?"

"Ha? Seryoso ka ba?" Ano bang pinagsasabi nito ni Dado. Nahihibang na yata. Baka dahil na rin sa takot sa mga kakaiba at nakakatakot na nilalang na pagala-gala dito sa gubat.

"Ayaw mong maniwala Marco?" Dahan-dahang umatras si Dado at maya-maya pa'y may kakaibang nangyayari sa kanya. 

Tinignan ko siyang mabuti at naging kakaiba ang mga ikinikilos niya. Para siya namimilipit sa sakit at 'di mapakali. Maya-maya pa ay unti-unti nang nagbago ang kanyang anyo. Tinubuan siya ng maraming buhok at humaba ang kanyang mukha. Lumabas ang nagtutulisan niyang mga pangil, mga mahahaba at matatalas na kuko. Ang mga paa niya ay nag-iba ng anyo at naging parang paa ng isang hayop. Paa ng isang aso. Tumulis ang hugis ng kanyang mga tenga. At totoo nga ang kaniyang sinabi sa akin. Siya nga ang kaninang halimaw na akala ko ay tatapos sa akin. Naging taong lobo siya!

"D...D....Dado... 'Wag mo ko sasaktan.. 'Wag mo ko kakainin.. Magpp..ppinsan tayo.."

"Sira ulo ka talaga Marco!!!!" 

Isang malakas ngunit pabulong na boses ang narinig ko.

"Dado? Panong...?"

"Ahahahah! Oo Marco, kinakausap kita sa isip!"

"Panong nangyari 'yun Dado? May telepathy ka pala?? Deja Vu? Parang may nakausap din ako ng ganito, di ko lang matandaan kung sino."

"Tanga! Parehas tayong taong-lobo, kaya, kaya natin mag-usap gamit ang isip! 'Pag naka-anyong taong-lobo lang tayo. Kaso hirap tayo magsalita gamit ang boses natin tanging ingay lang ng pagiging hayop ang kaya nating gawin 'pag nasa anyong ito tayo."

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon