Life in the Province Episode 2
Hitch Hiker
Dumaan ang mga araw. Medyo nawala na rin sa aking pag-alala yung nangyari sa 'kin. Pero 'di na ako nagpapagabi na mag-isa. Kadalasan may kasama na ako kung gagabihin man ako, o kaya naman ay 'di na ako umuuwi 'pag alanganin na ang oras.
Minsan napagkatuwaan ko na sumama sa aking pinsan na mamasada gamit ang kanyang padyak sa kabilang baryo.
Tuwang-tuwang ako noon kasi medyo marami akong nakitang mga magagandang dilag na dalagang-pilipina talaga. Giliw na giliw sila sakin kasi taga-Maynila ako. Iba kasi ang dating sa probinsya ng mga taga-Maynila.
Madalas, inaabot kami ng dilim ng pinsan ko sa pamamasada, pero 'di naman ako nangangamba kasi may kasama naman ako. Ika nga nila eh, mas ok kung dalawa kayo kesa mag-isa ka lang.
Tuwa-tuwa ang pinsan ko dahil tuwing kasama niya ako malakas ang kita nya kasi maraming sumasakay sa amin.
Kahit madilim na ay namamasada pa rin kami at mga ilang araw na rin akong kasama niya. Ngunit isang gabi...
Madalim na noon. Nakatambay kami sa terminal ng mga padyak. Kinukuwenta namin yung kinita namin ng araw din yun.
"Bawnderi na insan!" sabi niya.
"Edi pwede na tayong umuwi?"
"Oo naman!" sagot niya.
Kaya napagpasyahan na naming umuwi. Pauwi, siya na ang nagmamaneho dahil medyo pagod na rin ako at 'di rin sanay ang katawan ko sa mga ganyang trabaho. Kaya para bang ako yung pasahero niya pauwi.
Habang tinatahak namin ang kalsada, may nakakasulabong kaming naglalakad at iba ring padyak.
Ngunit ang di inaasahan ang nangyari.
Bigla na lamang nag-brown-out!
"Ay putakte! Nawalan pa ng kuryente! Hindi ko pa man din dala ung Flashlight ko." sabi ng pinsan ko.
"Eh, pano yan pinsan, baka may masagasaan tayo?!" sabi ko sa kanya.
"Oo nga, buti ba kung masagasaan natin tao, eh paano pag iba yung nasagasaan natin? Haha!"
Pagkasabi niyang yun ay medyo kinilabutan ako.
"Eto, ito na lang gamitin natin ung ilaw ng cellphone ko!" nilabas ko ang cellphone ko at iyon ang ginamit naming ilaw sa daan.
"Pwede na yan! pero kelangan natin mag-busina para sigurado!" Gamit ang businang "potpot" ng padyak ay tumuloy na kami pauwi.
Habang tinatahak ang kalsada, sobrang ingay namin dahil sa patuloy na "pag-potpot" namin na busina ng padyak niya. Medyo madilim pa rin ang daan pero aninag ko kaunti ang kapiranggot ng kalsada.
Medyo mabagal lang ang takbo namin no'n pero biglang napansin ko na may tumawid sa harap namin na sobrang bilis.
"Nakita mo ba yun insan?!" sabay tapik ko sa kanya.
"Ang alin?" tanong nya.
"Parang may tumawid sa harap natin, ang bilis! "
"Oo nga, nakita ko nga yun.."
"Ano kaya yun?"
"Ewan, huwag na natin alamin!" at patuloy parin kami sa pagtahak ng madilim na daan patungo sa bahay namin.
Hindi pa man kami masiyadong nakakalayo kung saan may nakita kaming tumawid, bigla, ay isang nakagugulantang na pangyayari ang naganap.
"BLAGAGG!!!!!!!!!!!!!!!"
Bigla na lamang umangat ang harapan ng padyak namin na tila ba may isang mabigat na bagay ang tumalon sa likuran ng padyak namin.
"Putcha ano yon!?" sabay pa naming sambit??
Agad naming tinignan ang likuran ng padyak namin at wala naman kaming nakita.
Nagkatinginan kaming dalawa at pagkatapos ay walang ano-ano, may tila bumulong samin na parang ang boses niya ay galing sa malalim na kweba.
"HOooooyyy...."
Pagkatapos no'n ay biglang karipas ng padyak si pinsan na akala mo ay mapipigtas na ang kadena sa lakas ng pagpadyak niya.
Hindi na kami lumingon-lingon pa at deretsong tingin lang kami hanggang nakarating kami sa amin.
Hingal na hingal si pinsan at ako naman at ako naman ay parang tulala pa rin.
Pag dating namin sa bahay ay bumalik na rin ang kuryente.
Nagkatinginan kami at tinanong ko siya.
"Ano 'yon insan??! Anong nangyari??
"Ewan ko basta ang alam ko kelangan na nating umalis dun!" hingal na hingal na sagot niya.
Napansin ko na parang may bakat ng matatalim na daliri ang sandalan ng padyak kala mo ay may ng isang mabangis na hayup tila kumapit ng mahigpit dito.
"Tignan mo insan ano kaya ito??!!"
"Hindi ko alam, ayaw ko nang alamin!!" Sagot niya.
"Ang ingay ingay kasi natin 'don sa potpot! Baka naingayan kaya nagalit!"
Nagkatinginan na lang kami at nagtawanan.
Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa bahay at kumain ng hapunan habang kinukwento ang nangyari sa amin.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....