Life in the Province Episode 25
Ang Halimaw Na Iyon
Dado's Point of View
Tila bumagal ang paligid habang nakatitig ako sa kamay ng kamatayan ni Marco. Hindi ko akalaing sariling pinsan ko pa ang papatay sa akin. Dahan-dahan ay ipinikit ko ang aking mga mata. Kasabay nito ang pag-angat ng aking mga braso. Susubukang gamitin ito at nagbabakasali ay sagipin ako sa tiyak na kamatayan.
Isang mainit na hangin ang una kong naramdaman na humalik sa naninigas kong braso.
Eto na...
Kasunod nito ay mas malakas na hangin na dahilan upang mabuwal ako sa aking kinatatayuan. Nagpagulong-gulong ako at hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Tapos na ako sa pagpagulong-gulong ay nararamdaman ko pa rin ang malakas na hangin na tila isang bagyo sa lakas.
Nang bahagya nang humina ang malakas na hangin ay dagli kung tinignan ang aking mga braso. Ang iba't ibang bahagi ng aking katawan. Sinuri kong mabuti kung saan ang natamo kong sugat sa ginawa ni Marco.
Wala akong sugat?
Imposible, kitang kita ko ang kanyang mga matatalas na kuko na mabilis niyang ikinalmot sa akin. Ngunit hindi ko man lamang naramdaman ang talim ng kanyang kuko. At isang malakas na hangin lamang ang nagpatalsik sa akin.
Ubo... Ubo...
Bahagya akong naubo dahil sa dami ng kumalat na alikabok sa paligid at dahil na rin sa malakas na hangin.
Asan si Marco?
Ano bang ginagawa ko? Bakit ko nga pala hahanapin pa ang Marco na iyon? Tinangka niya na nga akong paslangin.
Pero teka lang...
Parang may nararamdaman akong kakaiba. Alam ko na si Marco ay nasa paligid lang. Nararamdaman ko siya. Pero bakit parang may kakaiba. Parang may isa pa kaming kasama sa lugar na ito.
Pinakiramdaman kong mabuti. Imposibleng hindi ko makita agad si Marco. Sa taglay niyang lakas ay madali ko lamang siyang mahahanap.
Ilang saglit ng pagsuri sa paligid at natunton ko na kung nasaan si Marco!
Teka ano to?
Hindi naman kalayuan kung saan ako tumalsik mula sa kinalalagyan ni Marco. Natatanaw ko na kung nasaan siya at ang silweta niya lamang ang aking nakikita dahil sa kapal ng alikabok sa paligid.
Marco?
Pabulong ko pang sinambit, umaasang nagbalik na siya sa dati.
Ngunit nang mawala ang mga alikabok sa paligid ay tumambad sa akin ang isang nilalang na tila si Marco ngunit hindi ako sigurado kung siya nga ito dahil mas malaki siya ngayon at mas mahaba ang kanyang buhok. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito sa akin.
Nang tuluyan nang mawala ang alikabok sa paligid at malinaw na ang lahat. Isang bagay ang gumulat sa akin.
Si Marco hawak-hawak sa leeg ng bagong nilalang na ito. Kitang kita ko kung panong nahihirapang huminga si Marco at pilit na pumipiglas upang mawala sa pagkakahawak sa kanyang leeg. Ngunit kahit sa lakas ni Marco ay tila balewala ito sa nilalang na may hawak sa kanya.
Anong gagawin ko?
Kapag hinayaan ko lang siya na gawin iyon kay Marco ay siguradong masasawi ang aking pinsan. Pero kung si Marco nga na may kapangyarihan ng isang seraphim ay hindi umubra sa nilalang na ito ay paano pa kaya ako na mahina lamang at sumubok na pigilan siya.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....