Life in the Province Episode 24
Giant Rainbow Heart
Kalaro ko si Marco simula ng mga bata pa kami. Nahiwalay lang siya sa aming magpipinsan nang lumipat sila sa Maynila. Madalas kaming maligo sa batis noon. Maglaro ng mga sumpak na yari sa kawayan. At manguha ng mga prutas lalo na sa bakuran ni Tiyo Victor na ang mangga ay malalaki at ubod ng sarap! Ilang taon din siyang nawala. Binata na siya nang bumalik dito. Ngunit noong bata pa kami ay wala kaming kaalam-alam na may nakapaloob palang hiwaga sa aming pamilya. Hiwaga sa aming pagkatao. Hindi ko akalain na ang hiwaga ng aming baryo ay silip lamang kumpara sa lugar na aming pinuntahan ngayon.
At ngayon sa harap ko si Marco, isang halimaw. Hindi ko mawari ang kanyang katauhan. Sigurado ako na si Marco parin iyon. Ngunit ang umaalingasaw na amoy ng asupre na nakapalibot sa kanya, ang amoy na nagsasabing isa siya sa mga anghel na bumagsak sa lupa. Isa na siyang serphim.
Kitang-kita ko ang mukha niya. Tila isang mabangis na hayop na nagbigay ng nginig at takot sa buo kong katawan.
Nakakaramdam ako ng takot?
Hindi ako makapaniwala na ang pagtingin niya pa lamang ay magbibigay na ng sindak sa akin.
Sandali? Parang may kakaiba?! Iba na ang Marco na nakikipaglaban kanina sa isa pang halimaw at ang Marcong nasa harapan ko ngayon?!
Hindi ko agad ito napansin, bakit?
Marahil sa takot. Ang hitsura niya nang siya ay lumalaban ay iba. Walang emosyon ang kanyang mukha nang mga sandaling iyon at tila baliwala ang lahat ng bagay sa kanyang paligid. Ngunit ngayon, tila isang gutom na gutom at baliw na buwitre ang kanyang hitsura. Kasabay nito ang pagtulo ng kanyang laway. Ramdam ko sa buo kong kalamnan ang intensiyon niyang pagpatay sa akin.
Tatakbo ba ako? Pero... Pero ayaw gumalaw ng katawan ko?
Kumilos ka Dado! Kung hindi papatayin ka niya!
Ano bang ginagawa ko? Kapag hindi pa ako kumilos ay siguradong papaslangin ako ni Marco!
Napatunayan kong kahit sa titig pa lamang niya ay tila naparalisa na niya ang buo kong katawan at tila patay na ako sa aking isip.
Dahan-dahan ay iniangat niya ang braso ibinuka ang kanyang palad at lumitaw dito ang matatalas niyang mga kuko!
Dapat ay sumama na lamang ako kanila Zandro. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Eto na... Katapusan ko na...
Napapikit na lamang ako sa takot.
Fernando's Point of View
Ilang sandali pa lamang kami sa loob ng gubat ay naramdaman ko na agad na napansin na kami ng mga aswang sa paligid.
"Noy!" Tawag ko sa aking kuya sa pamamagitan ng isip.
"Dumiretso ka lang Fernando!" Sigaw pa sa akin ni kuya sa aking isip.
"Dumiretso ka huwag kang lilingon!"
Dumiretso lang kami ng dumiretso patungo sa Gubat ng mga Lobo. Kahit anong bilis namin ay tila napapantayan ng mga aswang ang aming bilis.
Nararamdaman ko na at naamoy ang kanilang paghabol mula sa likod. Ramdam ko na na ilang metro na lang ang kanilang distansiya sa amin at maabutan na kami.
"Bilisan mo pa Fernando!"
Gusto ko man ay eto lang ang kaya ko. Mukhang kailangan magpaiwan ako at mauna na si manoy sa akin. Kapag sinabayan niya pa ako ay magiging pabigat lamang ako.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....