Life in the Provice Episode 5
Daan Patungong Baryo Lisik, Gubat ng mga Lobo
"Sigurado patay na ako." Ito lang ang naiwan sa isip ko, hanggang mawalan na ako ng malay. Noong panahon na wala akong malay, narinig ko na parang may kausap ni Dado ang bumubuhat sa akin. Isang boses ng mama. Siguro may edad na yung mama na yun. Halata naman sa boses niya.
"Dado, bakit kayo lang ang pumunta dito. Bakit sa daang ito kayo dumaan, dilekado dito."
"Nagmamadali na po kasi kami.."
Iyon ang huli kong narinig habang ako'y buhat buhat nung mamang animo'y napakalakas dahil kinaya akong buhatin.Nagising na lang akong nakahiga at may bimpo sa noo. Nakahiga ako sa loob ng tent na dala namin.
"Patay na ba ako??" yun ang una kong tanong sa sarili ko.Dahan-dahan akong lumabas at nakita ko ang isang siga at nakita ko si Dado na nagluluto.
"Oh, gising ka na pala?" bungad sa akin ni Dado.
"Nasa langit na ba tayo Dado?"
"Tanga! nawalan ka lang ng malay! Oh eto kumain ka na, nagluto na ako ng hapunan."
"Ahh... Ang sakit ng ulo ko ang sama talaga ng tama ko dun sa batong yun. Ano bang nangyari, akala ko maabutan ako nung aswang na yun! Parang may tumulong sa atin siya yung lumaban dun sa aswang, parang aswang din 'ata 'yon, 'di ko na makita ng malinaw, talagang ang sama ng tama ko!"
"Haha! Pasalamat tayo Marco may sumagip sa atin, kung hindi, hapunan na tayo ng mga aswang na 'yon!"
"Hoy loko ka hindi biro yung nangyari sa atin! Kala ko talaga katapusan na natin! Sino nga pala yung tumulong sa'tin? Parang nanaginip ako may kausap ka tapos yung kausap mo pa yung bumuhat sa akin."
"Ah 'yon ba? Si Ingkong Emy yun!"
"Siya rin ba yung sumagip sa atin dun sa aswang?!"
"Ah oo, siya nga, buti na nga lang andun siya lagi sa pasukan na 'yon, siya nagbabantay dun. Pasalamat tayo sa kanya at buhay pa tayo!" Sabay abot ng pagkain.
"Wow! Ang lakas naman niya! grabe at nabuhat niya pa ako! Mukhang masarap 'yang niluluto mo insan ah!"
"Ahaha oo! eto espesyalti ng angkan natin! Inihaw na baboy!"
"Wow! grabe peyborit ko talaga 'to! Tara lamon!"
At sabay kaming lumamon at pagkatapos no'n ay nagpahinga na kami at natulog. Hindi pa pumuputok ang araw ay isang tapik na sa mukha ang gumising sa akin.
"Hoy Marco! Gising na! Malayo pa lalakarin natin! Hoy gising!"
"Ano ka ba Dado! Ang aga aga pa e. Tulog pa ako saglit lang"
"Anong saglit saglit! Nasa gitna tayo ng kagubatan wala tayo sa bahay hoy!" sabay sipa sa ulo ko.
"ARAY! Grabe ka naman Dado! Kita mong may injury pa ako sa ulo eh!"
"Maggayak ka na diyan at baka hindi natin abutan 'yong kasal!"
Dali dali na akong bumangon at naggayak.
"Wew... Teka lang insan ang dilim pa ah... Hindi ba delekado na lumakad tayo ng madilim pa?"
"Ah.. Wag kang magalala insan safe na tayo sa gubat na 'to. Yung nadaanan nating gubat ang hindi safe. Dito sa Gubat ng mga Lobo safe na dito."
"Gubat ng mga Lobo?? Wow! Pag iningles mo "Forest of Balloons? Asan ang mga balloons?"
"Ungas!" sabay batok sa akin.
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....