Life in the Province Episode 6
Baryo Lisik
Sa bilis ng takbo namin ay halos di ko na maibuka ang ang aking mga mata. Kahit nga ibuka ko ang aking mata ay hindi ko na rin maaninag ang paligid namin. Napakabilis talaga ng Takbo namin at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bungad ng baryo Lisik.
Ang walang hiyang Petra ay biglang nag-anyong tao at ang kinalabasan. Parehas kaming nalaglag ni Dado sa matigas na lupa.
"Aray!!' sabay pa kami ni Dado sa pagsambit.
"Hohohoho! Patawad! nakalimutan kong sakay ko pala kayo! Hohohoho! Dito ko na lang kayo maihahatid. Kayo nang bahala diyan! Hohohohoohho!"
"Hohohoho ka ng hohohoho diyan, langya ka, ang sakit ng puwetan ko."
Bigla nalang siyang umalis si Petra na parang di ko man lang nakita ang pag-alis niya sa sobrang bilis.
Mabilis na kaming tumayo at tumuloy na papasok sa baryo.
Sa bungad pa lang ng baryo kita mo ang mga tao ay abalang abala. Dahil na rin siguro sa kasal. Maliit lang ang baryo. Di tulad sa aming baryo, magkakalapit lang ang mga bahay at halos ng tao ay pansin mo na magkakakilala.
Nang mapansin ng mga tao ang pagdating namin. Bigla silang tumigil sa kanilang ginagawa. Tumitig sila sa amin na para bang may gagawing masama.
"D... D... Dddado, ang sama ng tingin nila sa atin. Baka saktan nila tayo."
"Relax ka lang diyan insan Marco."
Sinalubong kami ng isang dalaga na napakaganda. Probinsyanang-probinsyana ang hitsura niya, pero lumilitaw pa rin ang natural na kagandahan niya. Pero nawala ang paghanga ko nang bigla niya kaming sigawan.
"Sino kayo at anong ginagawa ninyo dito sa lugar namin!"
Akma pa lang kaming sumagot ay may isang manong ang biglang lumabas kung saan.
"Ah, kayo ba ang mga supling ni Alejo?"
Bigla siyang lumapit sakin at tinitgang mabuti.
"Ah, oo nga naamoy ko sa iyo."
Naamoy? Sabi ko sa sarili ko. Marahil naamoy niya na ang baho ko dahil halos dalawang araw na akong hindi naliligo.
"Ah mga bata tuloy kayo, tuloy kayo." pagkatapos ay humarap siya sa taong bayan,"Ah, Bigyan natin sila ng mainit na pagtanggap, mga kapatid natin sila, supling sila ni Alejo!"
Pagkatapos noon ay tinanggap kami nila ng maayos at maluwag, at nagsibalikan na sila sa kanilang mga ginagawa.
"Ako nga pala si Ben, tiyo niyo ako, ang tatay mo Marco, Marco nga ba pangalan mo?"
"Opo tito Ben."
"Ah tama nga, at ikaw naman si Dado?"
"Opo tiyo."
"Ah tama, ang mga tatay niyo Marco at Dado ay pinsan ko, yung dalaga kaninang nakita niyo, ay tiyahin niyo yun, o pinsan, parang ganon, ewan ko basta yun na yun. Ahahaha. Kilala mo naman siya Dado di ba?"
"Opo, tiyo."
"Magaling! Dito muna kayo tumuloy sa bahay namin, andiyan ang tiya Virgie niyo. Siya ang mag-aasikaso sa inyo."
Nakita ko na may mga nakasilip na bata sa pintuan ng bahay nila at nagbubulung bulungan, "Katulad din ba natin sila," "Sshhh... Baka marinig tayo nila." Napakaweirdo ng mga tao dito sa baryo itong. Sabagay ganto naman talaga sa probinsya. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa kwartong nakalaan sa amin.

BINABASA MO ANG
Life in the Province
HororSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....