Life in the Province Episode 20
Dayo
Isang manipis na bagay ang tila tumutusok sa aking ulo. Narinig ko ang tila paghampas ng tubig sa isang dalampasigan sa paligid. Agad kong ibinuka ang aking mga mata. Ang aking mukha ay nakadampi sa maputing buhangin.
Nakadapa ako sa isang dalampasigan! Buhay ako!
Tila may mga naririnig akong boses sa paligid. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at tumambad sa akin ay iilang taong nakasuot ng bahag. May dalang mga sibat at tabak. Tila mga sundalo sila sa lugar na ito.
Bahagya akong bumangon at dali-dali naman ay lumapit ang iilan sa akin at tinutukan ako ng mga sibat na kanilang tangan. Tumingin lamang ako sa kanila at ang ibang mga tao ay tila naguusap-usap at sa palagay ko ako ang kanilang pinaguusapan. Luminga-linga ako sa paligid. Pansin ko ang mga sunog na bahay.
Maya-maya pa ay isa-isa silang nagsitabi at tila may isang importanteng tao ang sa dumating.
Nagsalita ito at tila kinausap ang mga tila kawal na mga taong may hawak ng sibat. Hindi ko naintindihan ang sinabi nila. Ito marahil ang kanilang lokal na linggwahe sa lugar na ito. Maya-maya pa ay sumenyas siya sa mga kawal at agad naman ay pinagtulung-tulungan nila akong buhatin.
Hindi na rin ako nagtangka pang manlaban at baka mabigo lang akong tumakas. Bukod sa nanghihina ako sa gutom at sa pagod mula sa palutanglutang ko sa laot ay 'di ko rin kabisado ang lugar na ito. Unang beses pa lamang akong makakatungtong sa isang lugar na ganito.
Kahit nanghihina ang aking katawan, ay pilit pa rin nila akong tinalian sa kamay at saka binitbit. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Marahil papatayin nila o kaya naman ay gawing pagkain.
Bahala na.
Habang ako'y akay-akay ng mga tila sundalo ng lugar na ito ay nadaanan namin ang tila ang centro ng bayan. Maraming tao. Mayroon palang sibilisasyon sa lugar na ito. Iba mga kasuotan nila kumpara sa nakagisnan kong kasuotan sa aming lugar. Mayroong pagkakahawig ang ilan sa kanila sa mga taong nasa tsina. Marahil ay mga tsino sila na napadpad sa lugar na ito.
Dinala nila ako sa isang bulwagan. Dito na marahil ako lilitisin at bibigyan ng sintensya. Nagpapasalamat pa rin ako hindi nila ako kakainin. Napansin ko na iba ang mga kasuotan ng mga tao dito sa loob 'di tulad ng mga tao sa labas. Mas makikintab at tila magagandang mga tela at mga palamuti ang kanilang suot. Marahil sila ang mga maharlika sa bayang ito.
Maya-maya lang ay dumating ang isang lalaki na may maraming alahas at magarang damit. Umupo siya sa tila isang trono sa ginta ng bulwagan. Marahil ito na ang tinuturi nilang pinakamataas o mismo ang hari sa lugar na ito. Nagsimula na silang mag-usap sa hindi ko maintindihang lingwahe.
Local's Point of View
"Datu, narito ang isa sa mga mananakop. Marahil ay naiwan siya sa mga tumakas. Nagpalutang lutang at napadpad muli sa ating dalampasigan." Wika ng isa sa mga maharlika sa bulwagan.
"Pano ka nakakasiguro na isa siya sa mga nais sumakop natin?" sagot ng isang maharlika.
"Hindi ba at kitang kita naman sa kanyang hitsura, sa kanyang kutis. Isa siya sa mga mananakop pumaslang sa iilan nating mga kapatid na nagtanggol sa ating bayan!"
"Oo nga at kaparehas na kaparehas ang kanilang hitsura at pangangatawan, kulay at hubog ng mukha. Hindi mo ba napansin ang kanyang kasuotan?"
Nagbulong-bulungan at nagtinginan ang mga maharlikang nasa bulwagan.
"Ang kasuotan niya at katulad ng mga kaibigan nating tsino! At tila mas maitim ang kanyang kutis kumpara sa mga nagtangkang sumakop sa atin."
![](https://img.wattpad.com/cover/17080976-288-k957370.jpg)
BINABASA MO ANG
Life in the Province
HorrorSi Marco ay isang Taga-Maynila na nagpasyang magbakasyon sa kanilang probinsya. Inaasahang niyang magiging masaya ang kanyang bakasyon, ngunit lingid sa kanya, ay marami siyang kababalaghang maiingkwentro....