Life in the Province Episode 14

6.3K 100 15
                                    

Life in the Province Episode 14

Sakripisyo

Noong mga nakaraang araw lang nasa eskwelahan ako. Nagiimagine at nasasabik sa bakasyon. Bakasyon sa probinsya. Ilang araw na pagpapakasaya kasama ang simpleng buhay sa probinsya. Masaya, ngunit may mga kakaibang bagay na na-ingkwentro sa bakasyon. Mga bagay na 'di maipaliwanag ng siyensya. Mga bagay na 'di ko maintindihan. Mga bagay na 'di ko inaasahan.

Ngunit ngayon, heto ako. Nakasakay sa likod ng isang halimaw. Ramdam ko ang matutulis, medyo maputi, at mala-pilak na balahibo. Isang taong-lobo. Isang taong-lobo na kadugo ko. Tama. Hindi pa rin ako makapaniwala na nanggaling ako sa mga angkan ng taong-lobo. 

Naglalakbay, naghahanap ng kasagutan at nakikipagsapalaran sa isang lugar na malayo sa sangkatauhan. Hindi malaman kung pano napadpad sa lugar na ito. Sana'y makaalis na kami sa sinumpang lugar na ito. Sana'y makaalis kami ng buhay.

Habang nakasakay sa likod ni Dado ay sumusunod lang kami sa tinatahak na daan ni Zandro at Roman. Hindi namin alam kung saan kami tutungo ngunit wala nang ibang paraan para makaalis sa lugar na ito kundi sumunod sa kanila at tuparin ang misyon na iginawad sa amin ng angkan. 

Bigla kaming natigil kung saan at parang nag-usap usap sila sa kanilang mga isip. Si Dado si Zandro at si Roman. 

Sinubukan kong magtanong kay Dado kung anong nangyayari.

"Dado? Anong nangyayari bakit tayo tumigil."

"Ganito kasi Marco; Si Roman ay may espesyal na kakayahan bukod sa pagiging taong lobo. Kaya niyang marinig ang isang bagay ilang kilometro pa ang layo. 'Di ba matalas ang mga pandinig natin? Ang pandinig ni Roman ay sampung beses ang talas kumpara sa atin. Ang ginagawa niya ngayon ay hinahanap ang pinakamalapit na kapatid nating lobo para mapuntahan, saklolohan kung nasa panganib man, at isama sa ating grupo." Ang sabi sa akin ni Dado gamit ang kanyang telepathy. 

"Ah ganun ba Dado? Napakahalaga pala ng kakayahan ni Roman. Lalo na sa sitwasyon natin ngayon. Eh, Dado kung may espesyal na kakayahan si Roman, lahat ba ng taong-lobo ay may kaniya-kaniyang espesyal na kakayahan?"

"Siguro Marco. Teka itatanong ko kay Zandro." 

Tumingin ng bahagya si Dado kay Zandro. Medyo umiling-iling at tila nangungusap ang mga tinginan nila.

"Well? Anong sabi niya Dado?"

"Tama ka Marco. Ang sabi ni Zandro ay lahat ng taong-lobo ay meron ngang espesyal na kakayahan. Tinanong ko na rin siya kung ano ang sa kanya pero 'di niya ito sinagot."

"Eh, Dado ano naman ang sa iyo?"

"Aba ewan ko? Kita mong first time ko ring maging taong-lobo 'di ba?" Si Dado habang nakatingin sa akin.

"Hindi kaya Dado ang espesyal ko na kakayahan bilang taong-lobo ay hindi maging taong-lobo?"

"Ewan ko Marco. Siguro? Ang tawag diyan inutil na kakayahan. Haha!"

Mother, father shit. Medyo na-disappoint ako sa biro ni Dado. Ikaw ba naman eh, kung kaya mong maging taong-lobo eh astig 'di ba? Kakaibang lakas, nakakatakot na anyo. Pero ako na may dugong taong-lobo ay 'di ko kayang magpalit anyo. 

 "Teka lang Marco, may sinasabi si Zandro." 

Bumaling ang tingin ni Dado kay Zandro na tila nag-uusap sila. Ramdam ko sa mga mata nilang nangungusap na mukhang mahalaga ang pinaguusapan nila. May mga ilang galaw din ng mga kamay at galaw ng katawan na nakadagdag sinyales sa kanilang dayalogo.

Napansin ko na hindi na nakatingin si Zandro kay Dado, Bagkus ay tumingin sila sa hilagang direksiyon ng aming kinalalagyan.

"Anong Sabi ni Zandro Dado?"

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon