Life in the Province Episode 7

7.4K 97 0
                                    

Life in the Province Episode 7

Salamisim

Nagising ako na nasa bahay namin. 

"Nasa kwarto na ako? Pano ako nakauwi? "

Pagmulat ko nang aking mata ay agad akong bumangon. Pupungas pungas pa aking mata. at dumeretso sa banyo para maghilamos. Akma ko palang hahawakan ang door knob ng aking banyo ay narinig kong may kumalabog sa bandang ibaba ng aming bahay. May-kaya kasi ang aking mga magulang kaya medyo malaki ang bahay namin. Nasa second floor ang mga kwarto. Meron din namang mga kwarto sa baba pero para sa mga housemaids at driver.

"BLAGAG!!"

"Ano yun?!" 

Dali-dali akong lumabas ng kwarto upang tignan kung ano 'yong ingay na 'yon. Sinilip ko mula sa veranda kung anong nangyayari. Nakita ko na parang may tao sa may bandang kusina. Inaninag kong mabuti kung sino 'yon. Dahil madilim ay 'di ko talaga makita, tanging hugis lamang nito na para bang may kinakain sa sahig. Inisip ko na baka yung driver lang yun at kumakain. 

"Kuya Ramon??! Kuya Ramon!! Ikaw ba 'yan???!"

Medyo nainis na ako dahil hindi ako pinapansin ni kuya Ramon. Minabuti ko nang bumaba upang kalabitin siya at tignan kung anong ginagawa niya.

"Hoy kuya Ramon ano bang ginagawa mo diyan at bakit ka diyan sa sahig kumakain."

Bigla kong binuksan ang ilaw sa kusina at tumambad sa akin ang isang nakakakilabot na nilalang. Isang malaking tao, ay hindi, hindi ko mawari kung ano 'yon nung una. Puno kasi ng balahibo ang buong katawan niya. Napaatras ako ng dahan-dahan upang 'di ko matawag ang pansin niya habang abala siya sa paglamon. At mas kagimbal-gimbal pa ang aking natuklasan. Ang kinakain niya pala ay si Kuya Ramon! Ang driver namin! Sigurado akong si kuya Ramon yun dahil sa damit na suot niya. Habang dahan-dahan akong umaatras ay hindi ko napansin ang isang plorera sa isang maliit na mesa katabi ng aming telepono. Nasagi ko ito, bumagsak at nabasag na siya ring nagbigay ng ingay upang mapansin ako ng halimaw na lumalapa sa aming tsuper. 

Dahan-dahan niya akong nilingon at humarap sa akin. Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako sa kwarto ng aming katulong at doon nagtago. Habang nasa loob ay pinakarimdaman ko kung nasundan o sinundan ako ng halimaw.

Mga ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang paligid. Lumapit ako sa pinto upang idikit ang aking tenga at pakinggan kung anong nangyayari sa labas.

"BLAGAG!"

Hindi pa man ako nakakaabot sa pinto ay tumagos ang matatalim na kuko ng halimaw mula sa pinto. Rinig na rinig ko ang hiyaw ng halimaw na nasa likod ng pintong iyon. Ngunit sa puntong iyon kahit alam kong malapit na ang aking katapusan, hindi pa rin ako nakakaramdam ng takot. Humanap agad ako ng daan palabas mula sa maliit na silid ng aming maid namin. Mabuti na lamang at meron itong maliit na bintana na pwede kung lusutan upang matakbuhan ang halimaw na ngayon ay malapit ng wasakin ang pinto ng silid. Dali-dali na akong lumusot doon at sa wakas, nakatakas din ako sa tiyak na piligro. Sigurado naman ako na sa liit ng butas ng bintanang iyon ay 'di na ako masusundan ng halimaw na iyon.

Paglabas ko sa bintana, sa may bandang likuran ako ng bahay namin napadpad. Napansin ko na may ilaw sa isa pang kwarto sa taas ng aming bahay. Ang kwarto nila Mama at Daddy! Mula sa kwarto naaninag ko agad ang anino ni Mama na nagbabasa ng kung anong aklat. Para bang hindi niya napansin ang ingay. Marahil ay nakasuot siya ng earphones or headphones kaya hindi niya napansin agad ang ingay na ginawa ng halimaw kanina. 

Sa pagkakataong ito kelangan kong bigyan ng babala ang aking ina baka siya naman ang sunod na biktimahin ng halimaw. Agad akong umakyat sa ginawang gapangan ng baging na malapit sa bintana ng aking kwarto. At mula sa kwarto ko, sinilip ko ulit sa veranda kung nandoon pa ang halimaw sa baba. Napansin kong di siya nakakaakyat kaya dahan-dahan akong tumungo sa kwarto nila mama at daddy. Dahan-dahan kung binukasan ang pinto ng kwarto nila upang maiwasan marinig ito ng halimaw at tumawag pansin at paslangin kaming dalawa.

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon