CHAPTER # 4 *secret crush*

1.9K 72 0
                                    

"SECRET CRUSH"


Nasa library ako ngayon ang babasa ng libro habang nag babasa ako ng libro may nakabangga akong isang lalaki..

"ano ba di ka nag iingat hah"galit na sabi niya pero mahina lang..

"sorry"mahinang sabi ko at pinulot ang lahat ng libro..

"sa susunod mag ingat ka"sabi niya at umalis na siya..

Dinala ko na ang lahat ng libro sa table at binasa ko na lahat yun, ayoko kasi ng maingay kaya dito nalang ako pumunta sa library..

You have one message

FROM:kuya king
Sabay na tayo mamaya lagot ka sa akin kapag di mo ako sinunod!!

TO:kuya king
oo na po susunod na puntahan mo nalang ako sa room


Hindi na nag reply si kuya kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at umalis na sa library pumunta na ako sa rooftop, absent kasi si jem ngayon kaya ako nalang mag isa ang pumupunta dito...

"dianne look who's here?"napatingin ako sa unahan ko at nakita ko sila ni dianne at mga kagrupo niya..

"malandi.. isang malanding babae"galit na sabi ni dianne..

Bababa na sana ako kaso hinablot ang buhok ko kaya napabalik ako sa kinatatayuan ko..

"anong Komunication niyo ni lucky bakit ikaw ang pinili niya na makatabi kesa akin hah"galit na sabi ni dianne habang hinahablot ang buhok ko..

"nasasaktan na ako dianne"sabi ko naman..

"dapat lang na masaktan ka kasi malandi ka"

"kung may gusto ka kay lucky, ibahin mo ako wala akong gusto sa kanya at never ko siyang magugustuhan"sabi ko naman sa kanya kaya napabitaw siya sa buhok ko..

"dianne sinasagot kana oh"sabi naman ni blossom..

"oo nga eh gusto ko siyang sampalin"sabi ni dianne at sinampal niya ang pisngi ko..Napahawak naman ako sa pisngi ko.."ai sorry nasampal ko ata siya" napahawak pa siya sa bibig niya..

"next time wag na wag mo kaming kakalabanin mia"sabi ni blossom sabay sabunot sa buhok ko.

"hindi na... sorry"mahinang sabi ko, natawa naman silang lahat..

"malandi"sabi ni ynna at sinampal din niya ang pisngi ko, paulit ulit niya akong sinampal..

"wag na wag kang magsusumbong kahit kanino kung ayaw mo ulit na saktan ka namin"sabi ni dianne tumango nalang ako..

"good"sabi ni ynna..

"tara na baka mas lalo pa akong mabad trip"sabi ni dianne kaya umalis na sila..

Umupo ako sa may gilid ng rooftop at umiyak ako ng umiyak, tinignan ko ang mukha ko sa salamin at pulang pula na ang magkabilang pisngi ko..

"bakit ka umiiyak?"

Hindi pa ako tumitingin kung sino ba yung nag salita kasi nakayuko lang ako at tinakpan ko ang mukha ko..

"wala"mahinang sabi ko sa kanya..

"baliw ka ba umiiyak ka ng walang dahilan?"

"pwede ba iwan mo nalang ako mag isa"

Tumingin ako sa kanya at nakita ko si lucky..

"ikaw ang dahilan kung bakit nila ako sinasaktan kaya pwede ba layuan mona ako"tumutulo ang luha ko habang sinasabi yun, napayuko siya ng sinabi ko yun..

"sorry, lalayuan na kita"nakayukong sabi niya..

"mas mabuti pa nga"

Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa niya at binigay niya sa akin..

"sayo nalang yan, wag kana umiyak"

"hindi ko kailangan ng panyo"sabi ko at binigay ko ulit sa kanya at tumakbo na ako papunta sa garden, dito din kami pumupunta ni jem kapag malungkot ako.. Jem bakit ba kasi absent ka ngayon wala na akong kakampi!!

Yumuko ako at umiyak nanaman, bakit ba kasi ako nalang ang nakikita nila lage ako nalang lage ang pinagtitripan nila wala silang ibang gawin kundi mambully sa akin..

"mia"

Sino nanaman to, hindi ba talaga nila ako tatantanan.. Tumayo ako at tinignan siya nanlaki ang mata ko nung makita ko si justin..Pinunasan ko agad ang luha sabay yuko..

"anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya ng nakayuko..

"here, wag kana mahiya kunin mo na to" Tinignan ko yung panyo, kamukhang kamukha to nung panyong binigay din ni lucky sa akin kanina..

"kay lucky ba yan?"tanong ko sa kanya, kumunot naman ang noo niya..

"hindi noh sa akin to , bakit?"tanong niya..

"binigyan din ako ni lucky ng panyo, magkahawig"nagtatakang sabi ko..

"lahat kami may ganito"

"ah ok"sabi ko at kinuha ko na ang panyo niya at pinunasan kona ang luha ko pati sipon ko kinuha ko at binigay ko ulit sa kanya..

"wag na sayo nalang yan"sabi niya sa akin..

"justin saan pala kayo galing kahapon?"tanong ko sa kanya..

"wala"sagot naman niya..

"paano nagkapasa si kuya kung "wala" lang kayo kahapon?"tanong ko..

"di ko alam baka may kaaway kahapon yung kuya mo"

"yung lalaking rey ba yung pangalan, siya ba yung kaaway niyo?"tanong ko sa kanya..

"oo siya nga"

"ah ok"

Nakarating kami sa music room habang nag dadaldalan kaya tumingin ako sa kanya..

"tara pasok muna tayo"yaya ko sa kanya..

"sure"sabi niya naman sabay ngiti.

Pumasok na kami sa loob at kumuha siya ng guitar ako naman kumuha ng dalawang upuan at umupo na kami..

"anong gusto mong kanta?"tanong niya sa akin..

"ikaw bahala"sagot ko naman..

"amh.. Kung mawawala ka, gusto mo?"

"wag yun boring, ano nalang DESTINY"

"so ikaw din ang pumili"sabi niya sabay ngiti sa akin..

Heart check kanina pa malakas ang tibok ng puso ko dahil yun kay justin kanina pa kasi siya ngiti ng ngiti!!


What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart


Siya ang unang kumanta at pagkatapos ako naman ang pinakanta niya..

How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew

Pagkatapos naming kumantang dalawa nag duet na kami..

Baby your my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always meant to be my destiny

Pagkatapos naming mag duet may narinig akong kumalabog..

"ano yun?"tanong ko sa kanya..

"di ko alam"sagot naman niya sa akin..

"TIK, TIK, TIK"

"butiki lang pala akala ko ano na"sabi ko sa kanya..

"matatakotin ka pala noh"

"akala ko kasi multo"sabi ko naman sa kanya..

"so takot ka sa multo?"tanong niya.

"oo"sagot ko naman..

"mia may multo sa likoran mo"pananakot niya sa akin..

"wag mo nga akong tinatakot justin"sabi ko sa kanya at tawa siya ng tawa..


HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon