CHAPTER # 48*FINDING LUCKY*

904 31 0
                                    



MIA P.O.V

Excited na talaga akong pumunta sa korea kaya nasa bus na kami ngayon papuntang airport.

"mia are you happy?"napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si harry, ngumiti ako sa kaniya.

"makikita ko na din siya"wika ko sa kaniya.

"masaya ako kasi nakita nanaman kitang nakangiti"

"excited na talaga akong pumunta sa korea"nakangiti parin ako sa kaniya.

"ok class pwede kayong matulog habang nasa byahe tayo gigisingin ko na lang kayo kapag nasa airport na tayo"wika sa amin ni sir kaya sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng bus.

Malayo layo din naman ito sa airport kaya pwede pa akong matulog. Maaga kasi akong nagising kaya ayan inaantok na ako ngayon, excited talaga akong makita si lucky.

"mia" tumingin ako kay justin, katabi ko kasi siya.

"bakit?"tanong ko sa kaniya.

"isandal mo yung ulo mo sa balikat ko alam kung inaantok kana"wika niya sa akin ngumiti ako at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

Dahil sa antok nakatulog na din ako sa wakas.

"mia"

Unti unti kung minulat ang mata ko at nakita ko si justin. Inayos ko yung upo ko sabay tingin sa labas nasa airport na kami,napatingin ako sa mga kaklase ko wala na sila sa loob.

"lets go"nakangiting sabi niya sa akin.

Ngumiti ako at lumabas na kami ng bus. Kinuha na nila lahat ng gamit nila. Pumasok na kami sa airplane at umupo na dun, ilang saglit lang ay lumipad na.

*

Ilang hours din kaming nasa taas. Hanggang sa nag landing na yung airplane.

"pumunta na muna tayo sa museum para dun mag usap usap pero bawal ang maingay dun ok kasi museum yun nakakahiya"wika sa amin ni sir, ang ganda pala dito sa seoul ngayon lang kasi ako nakapunta dito.

"excuse me sir pwede po ba na wag nalang po kaming pumunta dun kasi alam naman namin"wika ni justin, mayaman kasi sila kaya pwede silang pumunta kahit saan nila gusto.

"pero"hindi na natuloy ni sir kasi sumingit si tom.

"mag picture nalang po kami para sa project hindi na kami pupunta sa museum, pupunta nalang kami kapag uuwi na tayo sa pinas"wika ni tom.

"sige pero mag iingat kayo"wika ni sir sa amin.

Ngumiti ako sa kanila at umalis na kaming lima kasama syempre namin si jem kasi kagroup namin siya.

"alam namin kung saan nakatira si lucky pero kung wala siya dun nandun siya sa unit niya"wika sa akin ni justin.

"salamat talaga sa inyo, kung di dahil sa inyo di ko na alam kung anong gagawin ko"wika ko sa kanila, hindi naman kasi ako marunong mag hangul.

*

Nakarating na din kami sa wakas sa bahay nila lucky, grabe ang ganda ng bahay nila.

"annyeonghaseyo where's lucky?"tanong ni harry dun sa magandang babaeng lumabas sa bahay nila lucky.

"mueos?*what?*"sabi naman nung babae.

"wow nosebleed"bulong ko kay jem, tumawa naman siya.

"geuneun eodi issni? *where is he?*"ano bang pinag sasabi nitong si tin, nosebleed talaga ako kulay black.

"are you looking for lucky?"nakita kung nag iba ang expression ng mukha nung babae, galit na ngayon.

"where is he?"tanong ko agad dun sa babae.

"he does not go home anymore"sagot naman niya sa akin sabay sara sa pinto ng bahay nila.

"saan natin hahanapin si lucky?"tanong ko naman sa kanila.

"tawagan mo kaya"wika naman ni jem.

Kinuha ko yung cellphone ko at dinadial ko ang number ni lucky pero di talaga siya sumasagot. Malungkot kung binaba ang phone ko, nakatingin lang silang lahat sa akin.

"nacontact muna?"tanong sa akin ni tom.

"hindi parin niya sinasagot ang tawag ko sa kaniya puro nalang coverage area ang phone niya"malungkot na sabi ko naman sa kanila.

Inakbayan ako bigla ni justin."ano kaba wag ka agad susuko , araso?"sabay ngiti sa akin.

Naglakad na kami papunta sa unit ni lucky. Pagdating namin dun kumatok agad si harry sa may pinto.

"kinakabahan ako baka wala din dito si lucky, saan natin siya hahanapin?"wika ko kina tom at tin.

"mia kahit libutin pa natin tong seoul mahanap lang si lucky"wika naman ni jem, niyakap ko nalang siya.

Bumukas bigla yung unit ni lucky at may magandang babae ang lumabas.

"where's lucky?"tanong agad ni justin.

"inside"maikling sagot naman nung babae.

Wala na akong paki alam kung magalit pa sa akin tong babae, ang mahalaga makita ko si lucky.

"lucky?"tawag ko sa pangalan niya habang nasa loob na ako.

"lucky nandito na ako"tawag ko ulit nung walang sumasagot sa akin.

"his not here" tumingin ako sa kaniya ng masama, kanina lang ang sabi niya nasa loob tapos ngayon wala naman.

Lumapit ako sa kaniya ng masama ang tingin kaya pinigilan agad ako ni jem.

"hindi ako pumunta dito para gumulo kaya bitawan mo ako jem"seryosong sabi ko sa kaniya kaya binitawan niya ako agad.

"im lucky girlfriend please tell me where is he" may namumuong luha na sa mata ko.

Lucky tinataguan mo ba ako?? PLease magpakita kana miss na miss na kita, pumunta ako dito para lang makita ka please lang lucky.

"im sorry but his not here"wika niya ulit sa akin.

Napasabunut ako sa buhok ko habang unti unting umuupo sa sahig. Di kona napigilan ang luha ko at sabay sabay na silang pumapatak.

"lucky nasaan kana ba huh magpakita kana sa akin please, miss na miss na kita. Anong kailangan kung gawin para magpakita ka sa akin"wika ko habang tuloy tuloy na pumapatak ang luha sa mata ko, nilagay ko nalang ang dalawa kung kamay sa mukha ko.

"mia"rinig kung sabi ni jem sa akin, hinaplos niya yung likoran ko.

"jem miss na miss kona siya"inangat ko ang ulo ko at niyakap ko siya.

"im really sorry"wika pa nung babae sa akin.

"lucky"mahinang banggit ko sa pangalan ni lucky at inayos kona ang sarili ko.

Tumingin ako dun sa babae at nag bow.

"kamsamnida" pilit akong ngumingiti pero may mga luha paring pumapatak sa mata ko.

Una na akong lumabas ng unit ni lucky.

"mia"tawag nila sa pangalan ko.

"ok lang ako"mahinang sabi ko sa kanila.

Ok na ok ako pero yung puso ko durog na durog dahil di ko nasilayan si lucky, akala ko magkikita na kami ngayon pero nabigo ako, kahit isang sulyap lang ok na ako pero wala talaga eh.

Pumapatak nanaman ang luha sa mata ko kaya tumingin na lang ako sa taas para di tumulo.

*

Di ko namalayan na habang nakatingin ako sa taas nasa gitna na pala ako ng kalsada.

"MIA"tawag nila sa pangalan ko pero di ko sila pinansin.

Patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa may naramdaman nalang akong bumangga sa akin, umikot yung paningin ko sabay bagsak sa kalsada.

"MIAAAAA"rinig kung sigaw nila sa pangalan ko.

Bago ako mawalan ng malay nakita ko ang mga mukha nilang apat, umiiyak sila.

"mia naman bakit ka nagkakaganyan"wika sa akin ni harry.

Ngumiti ako sa kanila."lucky"

Dun na ako nawalan ng malay.

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon