CHAPTER # 69: VALENTINES DAY

788 34 2
                                    


Mia p.o.v

Pag baba ko palang ng hagdan may narinig na akong boses ni tom kaya pumunta na ako sa sala.

Tama nga ako kasi nandun siya, tumayo si tom pati na rin si kuya at pumunta na ako sa pwesto nila sabay upo..

"Para sayo" sabay bigay sa red rose kaya ngumiti lang ako sa kaniya.

"Panget may date daw kayo ni tom kaya mag bihis kana" wika naman ni kuya. Panira talaga ng moment tong matandang to.

"Che!!!" Sabay snob sa kaniya at tumayo na ako para mag bihis.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko para mag bihis...
*

Isang taon na palang wala kami ni lucky >o< kahit anong kalimot ang gawin ko sa kaniya, sumisiksik parin siya sa isip ko,lalo na kapag naaalala ko ang dati.....

*

"Happy valentines my baby girl"

*

Cling(imagine tunog ng phone.😂😂)

*

FROM: unknown number
-magpakasaya ka muna ngayon mia hanggat buo pa kayo ng mga kaibigan at mahal mo sa buhay.. Pero wag kang pakampante sa susunod mia baka kasi isang araw eh napalitan na kita... At hindi na ikaw ang hahanap hanapin ng limang lalaking nakapaligid sayo ngayon...

*

Sino nanaman kaya to?? Nananahimik na ako kasama sila ni tom, Hindi parin ako tinitigilan ni nadz . Ano pabang gusto niya, ang makuha lahat ng mahal KO sa buhay....

*

Binura KO nalang ang message para hindi mabasa ni tom kasi minsan siya yung gumagamit ng phone ko...

*

Bumaba na ako at inalis ko nalang sa isip ko yung nag text sa akin... Kasi wala naman akong mapapala kung iisipin ko yun ,stress lang ang dala sa akin nun...

*

"Let's go" nakangiting sabi ko Kay tom kaya nag paalam na kami kina kuya king at ate hanna..

*

Habang nasa kotse kami tahimik lang kami pareho habang nakahawak si tom sa kamay ko...

Nakatingin lang ako sa labas habang nagmamaneho si tom sa kotse niya..

"Ang bilis ng panahon" wika niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya..

"Oo nga eh"

"Dati ako pa yung naghahabol sayo, dati Hindi mo pa ako gusto pero tignan mo ngayon nasa akin na ang taong mahal na mahal ko"wika niya sabay tingin sa akin at ngumiti kaya napangiti ako..

Hindi ako nag salita sa sinabi ni tom.

*

Sa subrang bilis ng oras pati mahal ko nawala nalang bigla sa akin...

Ano ba mia bakit puro si lucky iniisip mo, nandyan naman si tom sa tabi mo at Hindi si lucky kaya pwede ba Alisin mo na muna siya sa isip mo kahit ngayon lang please....
*

May nakita ako bigla na balloon kaya napangiti ako..

" lucky tignan mo yun oh" wika KO sabay turo sa balloon..

"Lucky?"

Tumingin ako kay tom sabay ngiti. "I mean tom pala"

"mia, hanggang ngayon ba hindi mo parin nakakalimutan si lucky? "tanong niya sa akin.

"nakalimotan ko na siya, sorry"mahinang sabi ko sa kaniya.

"ok lang"

*

Nakarating din kami sa pupuntahan namin. Pumasok na kami sa loob ng restaurant at nag order ng pagkain.

Wala paring imik hanggang ngayon si tom, alam ko naman na galit siya sa akin eh...

"nakaorder kana ba? "tanong niya sa akin, tumango lang ako sabay bigay sa waitress yung order.

"galit kaba tom? "mahinang tanong ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa akin sabay hawak sa kamay ko. "hindi"maikling sagot niya.

"hindi ko naman talaga sinasadya na mabanggit ang pangalan ni---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi pinatigil niya ako sa pagsasalita.

"ok na, basta next time wag muna babanggitin ang pangalan niya"wika niya sabay ngiti sa akin.

"oo,sorry ulit"

*

Kumain na kami nung dumaying na ang order namin. Pagkatapos gumala pa kami at nanuod ng sine.

*

Diko tuloy maiwasan di maisip si lucky, kasi ganito ginagawa niya sa akin kapag may mahahalagang okasyon sa buhay namin. Pero sinira niya lahat ng tiwala ko sa kaniya, di siya bumalik. Naghanap siya ng iba, si nadz yung pinalit niya sa akin.. Hindi ko alam kung bakit siya nakipag balikan sa ex niya samanthalang ako, parang tanga na naghihintay kung kailan siya ulit babalik ng pilipinas...
*
Diko namamalayan tumutulo na pala luha ko habang iniisip ko yung dating kami pa ni lucky..

"are you ok? "tanong sa akin ni tom habang nakatingin sa mukha ko.

"ok lang ako"wika ko naman sabay yuko at pinunasan ko luha ko .

*

Bago kami umuwi ng bahay may pinuntahan pa kaming isang napaka halagang lugar para sa akin....

"bakit tayo nandito? "takang tanong ko kay tom.

"wala lang"sagot naman niya sa akin.

Bumaba na ako ng kotse niya at naglakad na ako papasok sa school namin dati nung high school palang kami...

Lalo ko tuloy naaalala yung dating inaasar pa nila ako, yung dating pinagtatanggol nila ako kina nadz at dianne..

*

Alam kung nakasunod lang si tom sa akin habang naglalakad ako papasok sa school....

Yung pinaka namiss ko dito yung nagpapanggap palang kami ni lucky.. Gustong gusto ko yun balikan, sana may time machine ako para balikan ko ang mga araw na kasama ko pa siya...

Ayokong saktan si tom pero mahal ko parin si lucky hanggang ngayon...

Kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimotan siya, hindi ko magawa kasi mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon..

*

Pagkarating ko sa rooftop may nakita akong isang lalaki nakatayo dun, kaya pinunasan ko muna ang luha ko bago ko buksan yung pinto.. Mababasagin kasi ang pinto kaya makikita mo kung sino yung nasa labas.

Pagbukas ko sa pinto, humarap siya ng dahan dahan sa akin. Parang bumabalik yung dating slow motion kapag nakikita ko siya.. Ngumiti ako at tumakbo papunta sa kaniya sabay yakap ng mahigpit..

Ngayon ko lang ulit ko gagawin buong buhay ko kasi alam ko may kaniya kaniya na kaming shuta...

"miss na miss na kita"bulong ko sa tenga niya habang patuloy sa pagpatak ang luha sa mata ko..

"matagal ko na tong gustong gawin pero hindi ko magawa kasi may nakabantay sayo, mahal na mahal parin kita hanggang ngayon........."

"hubby ko😢"dugtong ko sa kaniya...

*

Nung maramdaman ko na gusto na niyang bumitaw sa yakap ko, ako na ang gumawa at pinunasan ko agad ang luha s mata ko.

"ok kana ba? "tanong niya sa akin.

"oo"maikling sagot ko naman sa kaniya.

"pinapunta pala ako dito ni tom"mahinang sabi niya sa akin.

Tumingin ako sa may pinto at wala na si tom dito, diko alam kung saan siya nagpunta.

"si tom?"takang tanong ko sa kaniya.

"oo si tom nga"sagot naman niya sa akin..

Bakit naman gagawin ni tom to??

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon