SAM P.O.V

702 32 0
                                    

Haist ano ba yan ang tagal naman nila. Pag ako talaga nahuli ni king lagot sa akin yung harry na yun.

"mia?"rinig kung sabi sa labas ng kwarto ko.

"relax ka lang sam wag magpapanek"wika ko naman sa sarili ko.

"mia pwede mo bang buksan ang pinto?"

Patay ako nito, haist nasaan na ba kasi sila harry.

Magpanggap ka munang mia, sam ok.

1,2,3.

"gusto ko muna magpahinga" sana di mahalata boses ko.

"sige"

Buti nalang, kinabahan ako dun huh.

*

Pero wala pang isang minuto bumukas bigla ang pinto kaya napatayo ako sabay ngiti sa kanilang lahat, pero yung mga mukha nila hindi maipinta sa galit.

"hehe hello"wika ko sa kanilang lahat.

"sinasabi ko na nga ba eh"galit na sabi ni king sabay labas ng kwarto ko.

"nasaan si mia?"tanong naman ni kuya tom sa akin.

"saan kayo galing?"rinig naming sumigaw si king sa baba kaya nagkatinginan kaming lahat sabay baba rin.

Nakatingin lang sa baba si mia habang si harry nakatingin kay king at masama naman ang tinin ni king kay harry.

"magpapaliwanag ako"wika sa amin ni harry.

"wag na ako na bahala dito harry"mahinang sabi naman ni mia sabay tingin samin ng nakangiti.

"pinuntahan mo siya?"inis na sabi ni king sa kaniya.

"oo kuya, masaya na ako. Nakita ko na siya, nahawakan ko kamay niya nasilayan ko siya habang tulog. Simula ngayon hindi kona siya babanggitin, hindi kona siya iiyakan. Kakalimutan ko na siya."wika niya sa amin at kasabay ng pagkasabi niya nun pumatak ang huling luha sa mata niya, alam ko ang nararamdaman ni mia ngayon kahit na masakit pipilitin niya paring kalimutan si lucky. Ano kayang nangyare sa ospital??

Lumapit sa kaniya si king at niyakap si mia pati na rin si hanna.

"ayoko ng umiyak dahil lang sa kaniya, ayoko ng mapagalitan dahil sa kaniya, ayoko ng nasasaktan kayo dahil sa kaniya"wika ni mia.

"buti nalang natauhan kana"wika naman ni tin.

"tara na uwi na tayo"wika naman ni king kaya umuwi na silang tatlo ni hanna.

"ano bang nangyare?"tanong ni kuya tom kay harry.

"di ko alam"sagot naman ni harry akala ko ba sila ang magkasama?

"kasama ka niya diba"inis na sabi naman ni tin.

"oo nga pero di ko alam kung anong pinag usapan nila noh"wika naman ni harry.

"gising na pala si lucky?"wika ko naman sa kay harry.

"ewan"sagot naman niya.

"wala ka namang kwentang kausap"inis na sabi ko sabay akyat sa kwarto ko.

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon