CHAPTER # 37*FALL INLOVE TO MIA*

1.3K 56 1
                                    

Nasa ospital kami ngayon hindi parin lumalabas ang doctor mula sa loob kung saan nandun si tin!!

"mia umupo ka muna nahihilo na ako sayo"sabi ni kuya sa akin, kanina pa kasi ako umiikot sa palagid, tumingin ako kay kuya sabay upo..

"kuya ano kayang nangyayare sa loob?"tanong ko kay kuya..

Kami lang dalawa ang nandito ngayon kasi si tom hindi namin alam kung hinahanap ba niya si nadz, si lucky naman magpapahinga muna kasi masakit daw ulo niya kaya kami nalang dalawa ang nandito!!

"mia wag kang mag alala kay tin magiging ok din siya"nakangiting sabi ni kuya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya sabay yuko, alam ko naman na malakas ang loob ni tin eh kaya hindi daoat ako mag alala!!

"king nasaan si tin"

Napatingin kami sa kanan ni kuya king at nakita namin si ate hanna umiiyak at pulang pula na ang mata niya!! Tumayo ako at inakbayan ko si ate hanna..

"hindi pa lumalabas ang doctor"sabi ko naman kay ate hanna niyakap nalang ako ni ate hanna habang umiiyak siya!!

"hindi ko nahanap si nadz" Tumingin naman kami sa isa pang nag salita at nakita namin si tom subrang tamlay niya at umupo siya sa tabi ni kuya king..

"papatayin ko talaga si nadz"galit na sabi naman ni kuya king..

"alam ko naman na nagawa lang yun ni nadz kasi mahal niya talaga si lucky"sabi ko sa kanila kaya tumingin sila pareho sa akin ng gulat ang itsura!!

"nasaan pala si lucky?"tanong ni ate hanna..

"umuwi siya kasi masama daw pakiramdam niya"sagot ko naman sa tanong ni ate hanna..

"naabutan niyo ba siya?"tanong ulit ni ate hanna, ngumiti ako sabay tango kaya napangiti na din si ate hanna..

"hoy dragon"

Nagulat kaming lahat sa isang sigaw at halatang galit ang boses pagkatingin namin nakita namin si ate rina!!! Si kuya king naman tumayo sabay tingin sa akin kaya ngumiti lang ako!! Kaya dragon ang tawag ni ate rina sa kanya, magkamukha kasi sila ni g-dragon na idol ko kaya ayan ang tawa niya!!

"anong ginagawa mo dito?"tanong ni kuya king sa kanya habang papalapit naman si ate rina!!

"ano paba ede pinuntahan kita dito"galit na sabi ni ate rina sabay snob kay kuya..

Hindi ko naman inaasahan na yayakapin ni kuya king si ate rina ng patalikod sabay pacute kay ate rina kaya napatawa ako!!

"sorry na hon"lalo pa akong natawa dahil sa sinabi ni kuya king sa kanya..

"HAHAHAHA ANG BADOY"tumatawang sabi ko habang hinahawakan ang tyan ko, grabe hindi pa sila mag asawa pero hon na ang tawagan nila!!!

"tumahimik ka nga dyan"galit na sabi ni kuya king sa akin kaya tumahimik ako, nag pipigil parin ako ng tawa!!

"sino po dito ang pamilya ng patient?"tanong ng doctor kaya tumayo kaming lahat sabay tingin sa doctor!!

"magaling na po ba siya?"tanong ko sa doctor..

"kailan siya magigisng"sabi naman ni ate hanna..

"ok na siya pero hindi pa namin alam kung kailan siya magigising"sabi naman ni doc kaya ngumiti ako sa kanya..

"salamat po"nakangiting sabi ko sa kanya..

"sige"sabi naman ni doc sabay alis..

Pumunta na si ate hanna sa loob habang sila naman ni kuya king at ate rina lumabas muna ng ospital at kami nalang dalawa ni tom ang nasa labas nakaupo..

"tom ok kalang ba?"tanong ko sa kanya..

"oo naman"sagot naman ni tom sa akin ng nakangiti kaya ngumiti narin ako..

Tumingin ako sa pinto ng room ni tin.. Nabigla nalang ako dahil hinawakan ni tom ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya pati narin sa kamay namin..

"anong ginagawa mo?"gulat na tanong ko sa kanya, aalisin kona sana ang kamay ko pero lalo lang niyang hinigpitan..

"mia hindi mo alam na........."tumingin siya sa akin..

"ano?"

"mahal na din kita"diretsong sabi niya sa mata ko..

"GAGO KA PALA EH"

Nagulat ako ng biglang may sumuntok sa mukha ni tom at napaupo siya sa sahig, nakita ko naman na galit na galit ang mukha ni lucky kaya tumayo ako at hinarangan sila!!

"lucky tama na"awat ko sa kanila, tumayo naman si tom sabay ngiti kay lucky!!

"wag kana magalit bro, alam ko talo na ako sayo kasi ikaw ang mahal ni mia at hindi ako kaya wag ka ng magalit sa akin"nakangiting sabi ni tom sa kanya..

"buti alam mo"galit parin ang boses ni lucky kaya tumingin ako sa kanya..

"ano ba tama na"sabi ko naman sa mukha niya!!

"mag usap nga tayo"seryosong sabi ni lucky sa mukha ko at hinila niya ako papunta sa labas ng ospital!!

Nung makarating na kami dun binitawan niya ang kamay ko!!

"mahal mo ba talag ako?"tanong niya sa akin ,ngumiti ako sa kanya..

"bakit mo naman na tanong yan?"

"inamin na ni tin na mahal ka din niya hindi mo ba siya mamahalin ulit"sabi niya sa akin..

"bakit ko naman siya mamahalin kung nasa harap kona ngayon ang taong mahal ko?"nakangiting sabi ko sa kanya kaya napangiti na din siya..

"ayyiieee akala ko babae lang ang kinikilig pati na rin pala ang mga lalaki"nakangiting sbai niya kaya tumawa ako sa sinabi niya..

"sira ka talga"

"haba ng hair mo noh"sabi niya sa akin, sabay hawak sa buhok ko..

"bakit?"tanong ko naman sa kanya..

"ang pinaka gwapong estudyante at famous sa school nag kagusto sayo lahat"sabi niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya, oo nga noh bakit silang tatlo??

"bakit nga ba kayo nagkagusto sa akin?"takang tanong ko sa kanya, binitawan niya ang buhok ko..

"kasi panget ka"nakangiting sbai niya kaya nag snob ako sa kanya..

"tsk nag tatanong ako ng maayos tapos baluktot ang isasagot niya"sabi ko sabay talikod sa kanya..

"kasi maganda kana mabait kapa"

Ngumiti ako ng palihim sa sinabi niya sabay harap sa kanya..

"mia" Tumingin kami pareho ni lucky..

"harry"nakangiting sabi ko sabay lapit sa kanya at niyakap naman niya ako agad at niyakap ko din siya!!

"anong ginagawa mo dito?"humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya sabay ngiti..

"lumipat kami ng bahay para lage na kitang mapuntahan sa bahay niyo, saan nga ba bahay niyo?"tanong niya sa akin ng nakangiti..

"EHEM" tumingin kami pareho kay lucky na nakataas na ngayon ang kilay kaya lumapit kami sa kanya..

"harry nga pala si lucky boyfriend ko"nakangiting sabi ko kaya nakipag kamay si lucky sa kanya..

"sana di na kayo lumipat ng bahay niyo para lang bisitahin ang GIRLFRIEND KO" tumingin ako kay lucky at alam kung fake lang ang smile niya kay harry..

Yung kamay nilang dalawa hindi parin nag hihiwalay, halata din sa kamay nila na galit sila sa isat isa kaya hinawakan ko ang kamay nila!!

"bakit?"sabi naman ni lucky, binitawan na nila ang kamay nila sa isat isa!!

Hinawakan ko ang ilong ni lucky na cute pero matangos!!! Sabay hila sa ilong niya!!

"ang seloso kung boyfriend"sabi ko sa kanya habang nanggigigil!!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon