CHAPTER # 64 *tom to the rescue*

794 38 3
                                    

[now playing : KUNG MAWAWALA KA]


TOM P.O.V

Mia lahat gagawin ko para makalimutan mo lang si lucky. Kahit na araw araw kang umiiyak dahil sa kaniya, kahit na araw araw kang nag mumukmok dahil na iisip mo siya, kahit na siya parin laman ng puso at isip mo. Kaya kung tiisin lahat ng yun para lang makasama kita, double ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang ganyan.

Sana ako nalang yung minahal mo at hindi siya. Hinding hindi kita sasaktan, hindi kita lulukuhin, hindi kita ipag papalit kahit kanino. Mia mahal na mahal kita alam kung alam mo yun, alam kung ramdam mo yun pero alam ko din na si lucky parin ang laman ng nasa loob mo at hindi ako.

"ibuhos mo lahat ng galit mo dito"wika ko sa kaniya habang nasa toktok kami ng bundok.

Bago kami lumipat ng manila dito ako nag pupupunta sa tuwing kailangan ko ng karamay, kailangan ko ng lakas na loob. Sinisigaw ko lang dito at mawawala na lahat ng galit na nasa puso ko.

"alam mo, nung nag layas ako sa bahay namin. Pumunta din kami ni harry sa ganitong lugar, sumigaw ako dahil sa sakit na nararamdaman ko nung nalaman kung sila na ni ate hanna at tin pero kahit na subrang sakit ng nararamdaman ko nun nakuha ko padin mag move on at magsimula uit ng panibagong buhay." huminga siya ng malalim, nakatingin lang ako sa mukha niya ngayon, kanina pa pumapatak ang luha sa mata niya.

"sana kapag sumigaw ako dito mawawala agad ang sakit na nararamdaman ko para kay lucky"pagkabanggit niya sa pangalan ni lucky dun na siya humagolgol.

Gustong gusto kung suntukin si lucky hanggang mawalang siya ng hininga dahil sa ginagawa niya kay mia ngayon, pero wala ng saysay ang mga suntok ko sa nararamdaman ni mia ngayon.

Wala na akong ibang magawa kundi yakapin siya. Yun naman ang papel ko sa buhay niya, ang nasa tabi niya palagi at di siya iwan kahit kailan.

"mahal na mahal ko pa din siya tom, hindi ko alam kung anong gagawin ko para makapag move on sa kaniya."

Nakakuyom na ang mga palad ko dahil sa galit kay lucky.

"shhh sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin mia makikinig ako"mahinang sabi ko nalang sa kaniya.

Makikinig ako sayo kahit na nasasaktan na ako ng subra.

"tom di ko na kaya ayokong mawala si lucky sa buhay ko, mahal na mahal ko siya"

Dahil sa lungkot din na nararamdaman ko para kay mia, tumulo din ang mga luha ko ng di ko napapansin.

Mia nandito lang ako sa tabi mo di kita iiwan, di ako katulad kay lucky na basta basta ka lang iiwan.

"tom ibang iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko, tom mahal na mahal ko siya. Siya lang ang lalaking nagpabago sa akin, ayokong mawala siya sa tabi ko. Mahal na mahal ko siya."

"shhh mia taha na wag kana umiyak" pagpapakalma ko sa kaniya.

"kung pwede lang ibalik yung nakaraan sana sinulit ko na lang ang mga araw na kasama siya, sana pinahalagahan ko ang pagmamahal niya sa akin, sana kami parin hanggang ngayon. Pero lahat ng yun puro nalang sana kasi hinding hindi na maibabalik ang kahapon"

Hindi ko alam kung paano ko iaangat ulit si mia sa pagkakalumpo niya dahil lang kay lucky, gustong gusto ko siyang tulungan na makalimutan ang lalaking yun. Pero di ko alam kung paano mag simula.

"mia"tawag ko sa pangalan niya sabay tingin sa mukha niya.

Punong puno na ng luha ang mukha niya, nag halo na nga ang sipon at luha sa kakaiyak niya eh.

Pinunasan ko ang mukha niya sabay ngiti sa kaniya, pinunasan ko din yung sa akin para di niya makita.

"may babae din akong sineryoso kaso iniwan niya ako dahil sa ibang lalaki, pero tignan mo ngayon nakapag move on na ako sa kaniya kasi alam kung hindi na siya masaya sa akin, hindi na ako ang mahal niya. Mahirap kalimutan ang taong naging parte na ng buhay natin mia"

"pero kailangan natin silang i let it go para lang maging masaya sila sa buhay nila. Alam kung kaya mo mia ikaw pa malakas ang loob mo, at tska nandito pa kami hindi ka namin iiwan gaya ng pag iwan ni lucky sayo"

Sorry mia alam ko kung bakit ka nilayuan ni lucky kasi alam niyang mali ang ginagawa niyo, magkapatid kayo hindi kayo pwedeng magkatuluyan pero galit ako sa kaniya bakita ka niya pinagpalit kay nadz.

"salamat tom"niyakap niya ako ng mahipit kaya niyakap ko din siya.

"lahat gagawin ko mia para lang makalimutan mo si lucky"mahinang sabi ko naman sa kaniya.

"hindi pa siguro ngayon pero siguro soon"mahinang sabi naman niya sa akin.

"lets go baka hinahanap na tayo"wika ko sabay ngiti at pinunasan ko ang luha sa mata niya.

*

Nakauwi na rin kami at tulog na ang tao sa bahay kaya umakyat na kami pareho at pumasok sa kaniya kaniya naming kwarto.

"good night"pahabol ko bago siya pumasok sa kwarto niya.

Ngumiti lang siya sa akin bago siya pumasok sa loob ng kwarto niya. Pagkapasok ko palang biglang tumawag si harry.

"oh bakit anong balita dyan?" tanong ko agad sa kaniya.

[ngango dapat nga ako magtanong sayo niyan eh]

"ok lang naman kami"

[kailan niyo balak bumalik dito?? Mag tatatatlong linggo na hah akala ko ba bakasyon lang?]

"gago ka talaga, hindi pa nakakamove on yung tao tas pababalikin mo kami agad dyan ede wala din yung effort ko dito"

[ganon ba]

"gamitin mo kasi minsan ang isip mo di puro puso"

[humuhugot pa ang tang ina]

"anong balita nga pala dyan?"

[sira tv namin kaya walang balita]

"tang ina mo, bababa ko na to umayos ka"

[oo na ok lang naman lahat dito, malaki na tyan ni rina kaya tudo bantay ang lolo natin haha]

"excited yata lolo natin na magkaroon ng baby" wika ko sabay tawa.

[higit pa dun, nga pala serious topic. Nabalitaan namin nasa korea ulit si nadz at lucky]

"ayaw niyo nun wala ng malas dyan"

[sila parin talaga nagkatuluyan noh]

"kung hindi ba naman gago yan si lucky"

[ alam naman natin pareho na ginawa lang yun ni lucky kasi magkapatid sila ni mia ayaw niya na magkatuluyan sila]

"alam ko yun wag mo kung gawing tanga, pero bakit si nadz pa ang pinalit niya kay mia sa kadami rami ng babae sa mundo"

[oh siya nakalimutan ko may date pala ako, paki kumusta nalang ako kay mia sabihin mo miss na namin siya]

"oh sige bye ingat"


Binaba ko na ang tawag at humiga na ako sa kama ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.



A/N

Thank u very much readers kasi umabot na ng 10k read itong story na to sana always niyong suportahan ang kwento nila mia at lucky :) salamat

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon