CHAPTER # 60*sammie*

833 29 0
                                    

SAMMIE P.O.V

Nasa rooftop kami ng ospital. Iniwan na muna namin sila dun.  Gusto kung kahit ngayon man lang masolo ko si tin. Kasi alam kung bukas, na kay mia nanaman ang attention nila lalo na ni tin.

"tin"tawag ko sa pangalan niya sabay harap sa kaniya, nakita kung nag taka ang mukha ni tin nung tawagin ko siya.

"bakit ka pala nandito?"tanong niya sa akin, umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Kapag kaharap ko si tin parang nanghihina ako, nawawala yung mga lakas na nasa loob ng katawan ko. Siya ata ang kahinaan ko.

"may gusto lang sana akong sabihin sayo"seryosong sabi ko sa kaniya.

Inakbayan niya sa ako sabay gulo sa buhok ko, alam kung kapatid lang talaga ang turing niya sa akin pero ako ayokong hanggang dun nalang kasi mahal ko siya higit pa dun.

"sam wag ka nga maging seryoso, di ako sanay na nakikita kang ganyan ang mukha"wika niya sa akin sabay ngiti. Ilang years/months ko din tong tinago sa kaniya, sa kanila pero naramdaman din agad yun ni kuya tom kasi iba daw kapag nasa amin si tin, nag iiba daw ang ugali ko.

Inalis ko agad ang kamay niya sa balikat ko at tumalikod ako sa kaniya. Alam kung kapag kailangan ko siya nandyan lang siya sa tabi ko pero iba na talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya, hindi na bilang kuya kundi higit pa dun.

"sorry tin kung nag iiba na ang ugali ko"wika ko sa kaniya ng nakatalikod parin, kahit di ko siya nakikita alam kung nag tataka siya sa sinabi ko.

"paano naging iba ang ugali mo?"tanong niya sa akin, humarap ako sa kaniya.

"manhid kaba talaga?" may namumuo ng luha sa mga mata ko.

"ano bang sinasabi mo?"

Ang manhid niyang tao. Si mia lang kasi ang nasa isip niya. Si mia ang nasa puso niya. Tang inang mia na yan sana mamatay na siya. Bakit pa kasi pumasok pa sa buhay nila yung tarantadong bruhang babaeng yun.

"hindi mo ba talaga ako naiintindihan??"tuluyan ng tumulo ang luha sa mata ko."manhid kaba o sadyang hindi lang talaga sa akin ang attention mo, kundi kay mia"

Hinawakan niya ang braso ko. Gusto ko siyang sampalin kasi naiinis ako sa kaniya, ang bait bait niya parin kahit na sinisigawan ko na siya.

Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kaniya, kapag may umapi din sa akin siya lage ang nandyan, kapag kailangan ko siya nandyan lang siya di tulad ni kuya tom na lahat na ng oras niya na kay mia.

"bitawan mo ako"wika ko sa kaniya sabay alis sa kamay niya sa braso ko, lumayo ako ng kunti sa kaniya.

"ano bang nagawa ko sayo sam?? May mali ba akong nagawa sayo?" Gusto ko na din humagolgol sa pag iyak pero mag mumukha lang akong tanga pag ganon.

Wala, wala kang nagawang mali. Pero binihag mo ang puso ko yun ang maling nagawa mo.

"kuya tin naman"

Minsan ko lang siyang tawaging kuya kasi ayokong maging mas matanda siya kesa sa akin. Ayokong tawagin siyang kuya kasi ayokong hanggang kapatid lang ang turing niya sa akin.

Lumapit siya ulit sa akin pero umatras lang ako.

"sam wala naman akong nagawang mali sayo diba? Bakit ka galit sa akin?"takang tanong niya sa akin.

"yun na nga eh, yun ang problema ko"sigaw ko sa kaniya.

*

Di ko alam kung bakit ako umakyat at nagulat si tin sa ginawa ko. Napatingin ako sa baba at subrang layo ng babagsakan ko. Napalunok nalang ako, takot ako sa mga matataas na lugar pero di ko alam kung bakit ko to ginagawa.

"SAM" napatingin kami pareho dun sa may pinto at nakita ko sila ni kuya tom at jem.

"sam bumaba kana jan please"pag mamakaawa sa akin ni tin.

Yumuko ako sa kanila. Alam kung mali tong gagawin ko. Alam kung kapag nahulog ako dito possibleng di na ako mabuhay. Di ko na sila makikita ulit.

"kuya tin,"tawag ko ulit sa kaniya. Nakita kung tumutulo na ang mga luha nilang tatlo at ganon din naman ako. Kanina pa ako umiiyak.

"bumaba kana sam"wika naman ni kuya tom.

Lalapit na sana sila pero umatras na ulit ako at kunting kunti nalang mahuhulog na ako.

"wag kayong lalapit"umiiyak na sabi ko sa kanila.

"bakit mo ba to ginagawa?"inis na tanong sa akin ni kuya tom.

"ayoko ng mabuhay kung puro lang naman sakit ang nararanasan ko sa mundong to, mabuti pang mawala nalang ako"mahinang sabi ko sa kanila.

"alam mo sam kapag ginawa mo yun hindi mo na makikita ang kuya mo kahit kailan"wika naman sa akin ni jem.

"shut up hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka"sigaw ko sa kaniya.

"bumaba kana sam"pag uulit ni kuya tom.

"bahala na kung saan ako mapunta, kung sa langit ba o impyerno. Pero bago ako mawala, kuya tin"tumingin ako sa kaniya sabay ngiti. "may natutunan ako sayo, may natutunan ako habang nasa tabi kita. Yun na siguro ang dahilan kung bakit ako nahulog sayo, hindi ko masabi kasi nahihiya ako, ayokong mabasted tulad ng mga babaeng umaaligid sayo."dugtong ko sabay patak sa luha.

"alam ko yun"mahinang sabi ni tin kaya ako napatingin sa kaniya.

Alam niya na mahal ko siya??

"alam mo?"takang tanong ko sa kaniya, tumingin siya sa akin.

"oo, kaya nga nilalayuan na kita kasi ayoko na habang patagal na patagal kang napapalapit sa akin minamahal muna pala ako higit pa bilang isang kuya mo. Mahal kita sam pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo kung hihigit pa dun siguro tinuring na kita bilang kapatid"wika niya sa akin.

Natulala ako dahil sa sinabi niya sa akin, parang sumikip ang dibdib ko sa subrang sakit. Bakit ganon di ko na feel na nilalayuan na pala niya ako??

Yumuko ako at patuloy sa pag patak ang luha sa mata ko.

"kuya tin anong......... meron kay mia na wala sa akin?"tanong ko sa kaniya habang umiiyak.

"lahat meron ka sam pero hindi ako ang nababagay para sayo, matanda pa ako sayo"wika niya sa akin.

"dahil ba sa edad kaya ayaw mo sa akin?"

"hindi naman sa ganon sam pero.."

Hindi ko na siya pinag patuloy sa pag sasalita kasi ayokong marinig ang mga masasakit na salita na ng gagaling mismo sa bibig niya.

"kung hindi mo ako kayang mahalin buti pa mawala na lang ako sa mundo kesa sa patuloy lang na sasakit ang puso ko dahil sa tuwing nakikita kita na masayang kasama si mia parang dinudurog ang puso ko sa subrang sakit"wika ko sa kaniya.

"sammie"mahinang banggit niya sa pangalan ko.

*

Hindi ko alam kung bakit ganito na pala kalala ang pag ibig ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil sa kaniya.

Mahal ko lang naman siya pero bakit ang kahahantungan nito ay magpapakamatay lang ako dahil sa kaniya?

Umabanti ako para bumaba na pero biglang lumakas ang hangin.

"kuya tom"tawag ko sa pangalan niya. Natatakot ako na baka malaglag ako dito.

Parang nilalayo ako ng mga hangin kina kuya kasi parang pinipigilan ng hangin na magkalapit kami. Pero kahit na ganon nahawakan parin ni kuya tom ang kamay ko.

"wag kang bibitaw sammie"sigaw niya sa akin.

"kuya tom ayokong mamatay"wika ko habang umiiyak.

Nahila ako pabalik ni kuya tom at nawala nalang yung hangin na pumipigil sa amin, niyakap niya ako agad ng mahigpit.

"wag muna uulitin yun huh"wika niya habang nakayakap siya sa akin.

"im sorry kuya"sabi ko naman habang umiiyak.

Alam kung mali yung ginawa ko sa kanila lalo na kay kuya tom, hindi na to mauulit.





continue...

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon