CHAPTER # 66 : Ang muling pagkikita

803 26 0
                                    

MIA P.O.V


Namamasyal kami ni tom ngayon para di ako mabored sa bahay kaya pinasyal niya ako, while si kuya king naman nasa hospital ngayon na kasi manganganak si ate rina, nandun din si ate hanna at jem.

"saan na tayo niyan?"tanong sa akin ni tom, hinawakan niya ang kamay ko kaya ngumiti lang ako.

"ikaw bahala"sagot ko naman sa tanong niya.

"punta nalang tayo sa mga bilihan ng damit then bibili tayong couple shirt and jacket"wika niya sa akin sabay ngiti kaya pumunta na kami dun.

Madaming nakatingin sa amin, sino ba namang di titingin sa gwapong mukha ng boyfie ko, gwapo na mabait pa.

Pumasok na kami sa loob at may nakita agad akong shirt na maganda.

"wait tom maghanap ka muna ng iba, may titignan lang ako"wika ko kay tom kaya nag hiwalay na muna kami.

Pumunta ako sa shirt at nung hawakan ko na may isang kamay pang humawak sa shirt at pagkatingin ko.

"mia"

"nadz"

I smile her, nakakapunyeta lang ang araw na to kasi nakita ko nanaman ang pag mumukha ng malanding babaeng to.

"ito ba ang kukunin mo?"tanong niya sa akin habang nakangiti.

"hindi ba halata??" ngumiti din ako sa kaniya.

"im sorry pero ako ang nauna sa shirt na to"wika niya sabay hila pero di ko binitawan ang t-shirt na to kasi alam kung ako ang nauna sa kaniya.

"im sorry nadz but i am the first"nakangiting sabi ko sabay hila ng malakas kaya pati siya napaatras sa akin.

*

Dahil sa inis na makikita mo sa mukha niya matatawa kana lang, akala ba niya hindi ko siya papatulan. HELLO hindi na ako ang dating mia na inaapi niya, hindi na ako ang dating mia na kapag may kasalanan nag tatago. 

May lakas na ako ng loob para ipag tanggol ang sarili ko sa kaniya at dun sa ex ko.

"nagpapatawa kaba?"inis na tanong niya sa akin, hindi parin namin binibitawan ang t-shirt na hawak namin.

Lumapit ako ng kunti kay nadz, may mga tao ng tumitingin sa amin. Wala na akong paki alam kung ilan silang nakatingin basta ang gusto ko makaganti ako sa malanding babaeng to.

"sinabihan na kasi kita na ako ang nauna sa shirt na to" sabi ko sabay smirk sa kaniya, halata sa mukha niya na gusto na niya akong sambunutan.

"nadz, nadz , nadz dont try to slap my face or else ipapalupot ko tong bag ko na may kasamang charger dyan sa leeg mong mahaba"pang aasar ko sa kaniya para mas lalo siyang mapikon.

Binitawan na niya ang shirt at saktong dumating si tom at lucky, tumingin ako kay lucky. Nakatingin din siya sa akin pero hinawakan ni tom ang kamay ko kaya umiwas ako ng tingin kay lucky.

"are you ok?"tanong ni lucky kay nadz.

Mia, wala ka ng paki alam sa kanila diba?? Umalis na kayo baka makasabonut pa ako ng malanding ahas na gumagala sa mall na to.

But wait....

"hey nadz" tawag ko sa kaniya at sinamaan niya ako ng tingin, ngumiti lang ako. 

"what?"inis na sagot naman niya sa akin, inalis ko muna ang kamay ni tom at lumapit ako sa kanilang dalawa ni lucky.

"gusto mo tong shirt na to diba?"tanong ko sa kaniya.

"kukunin ko ba yan kung di ko gusto?"inis na sagot niya ulit sa akin, Tinapon ko sa mukha niya yung shirt kaya mas lalo siyang nainis sa akin.

"sayo na yan, total sayo din naman napupunta ang mga sa akin diba kasi ganon ka kacheep at desperadang babae"wika ko sa kaniya.

Ngayon naman mukhang siya ang mang aasar sa akin kasi ngumiti siya, pinalapit niya si lucky sa akin kaya nagkatingin kami.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni lucky. Miss na miss na kita pero wala akong magawa kasi naiinis ako sa inyong dalawa ni nadz, tama lang na mag sama kayong dalawa. Isang malanding lalaki + isang desperadang babae.

"hanggang ngayon ba naman mia hindi kapa rin nakakamove on kay lucky?"pang aasar niya sa akin.

"nakamove on na ako sa kaniya kaya sayong sayo na siya"inis na sabi ko naman.

Lumapit si tom at hinila na niya ako paalis. 

*

Yung mga luha ko handa ng tumulo kasi nakita ko nanaman ang pag mumukha nilang dalawa. Naiinis ako buiset sa malanding yun nakakaasar.

"can i go to cr?"pag papaalam ko kay tom tumango lang siya sa akin.

Pumasok na ako sa loob at dun na nga tumulo ang luha sa mata ko kahit anong gawin kung pagkalimot sa lalaking yun hindi ko parin siya makalimutan.

"ganito parin ba kasakit ang dinulot ni lucky sa puso ko?? Akala ko sa sarili ko nakalimutan ko na siya at si tom na ang mahal ko ngayon pero"

Hindi pala. Bakit ako nasasaktan ulit dahil sa kaniya?? Bakit ako umiiyak ngayon dahil nakita ko nanaman sila??

Umupo ako sa cubicle habang tinatakpan ang mukha ko.

"ano ba naman mia mag move on kana nga, hindi kana niya mahal kaya tumigil kana"inis na sabi ko sa sarili ko sabay tingin sa harapan at pinunasan ko ang luha ko.

Hindi ko parin kasi maintindihan kung bakit niya ako pinagpalit dun kay nadz. May problema ba siya?? May kasalanan ba akong nagawa?? Bakit niya ako pinagpalit kay nadz??

"mia??" may kumakatok sa pinto ng cr kaya pinunasan ko muna ang luha ko bago ko yun buksan.

Pagbukas ko nakita ko si sam.

"are you ok?"tanong niya agad sa akin habang hinawakan niya ang braso ko.

"yeah"

Ayokong ipamukha ulit sa kanila na hindi nanaman ako ok dahil lang sa lalaking yun pero gusto ko ng karamay ngayon yung iintindihin lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Niyakap ko si sam, gusto ko ng taong makikinig sa akin ngayon.

"miss na miss ko na siya sam. Di ko alam kung bakit bumabalik tong feelings ko para sa kaniya"sabay sabay na tumutulo ang luha sa mata ko, hinahaplos lang niya ang likoran ko.

"shhh taha na mia wag kana umiyak"wika niya sa akin.

"sam akala ko hindi na ako ulit masasaktan kapag nakita ko sila pero hindi, subrang sakit parin. Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko nung pinagpalit niya ako sa malanding babaeng yun"

"sam, hindi ako nag kulang sa kaniya. Minahal ko siya higit pa sa sarili ko. Pero bakit ganon??"

Hinarap ako ni sam at pinunasan niya ang luha ko.

"walang kulang sayo mia. Kung hindi ka talaga niya mahal bahala siya sa buhay niya basta mia nandyan naman si kuya tom sa tabi mo. Siya nalang ang mahalin mo at kalimutan muna ang feelings mo para kay lucky"

Tama si sam. Nasa tabi ko si tom kaya hindi ko dapat siya saktan. Hindi ko dapat ipamukha sa kaniya na baliwala lang siya sa buhay ko. 

"oh ito, wag kana umiyak. Para kang tanga"inis na sabi niya sa akin sabay bigay sa panyo niya.

Naghilamos ako tska kami lumabas na ng banyo.

Hindi na muna ako tumitingin kay tom baka mahalata niya na umiyak ako.

"lets go"wika ni sam.

Sabay na kaming umuwi sa bahay namin.


continue.....

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon