CHAPTER # 28*go back*

1.2K 54 1
                                    

MIA P.O.V

"manong"tawag ko kay manong habang siya abala na pinapakain ang alaga nilang manok.. Umupo ako sa may punong kahoy habang tinitignan si manong..

"may kailangan ka ba?"tanong niya sa akin sabay tingin at ngumiti siya.. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"manong hindi ko po alam kung paano po ako mag papasalamat sa inyo pero salamat po talaga kasi tinulungan niyo ako"

"alam mo eha marami na kaming natulungan na kasing edad mo lang kaya sanay na kami"sabi naman ni manong, napayakap ako sa kanya hindi naman ako maarte kaya kahit na mabaho si manong niyakap ko parin siya..

"salamat po talaga mamimiss ko po kayo"sabi ko habang nakayakap parin sa kanya..

"uuwi kana ba sa bahay niyo?"tanong niya sa akin kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap.

"ayoko pong madamay po kayo sa problema ko kaya uuwi nalang po ako"

"wala kasi kaming anak na babae kaya itinuring kana naming anak, kapag gusto mong dumalaw dito sa bahay sabihin mo lang at itext mo si harry"nakangiting sabi ni manong sa akin..

"sige po salamat po talaga"

"ngayon kana ba aalis?"tanong niya ulit sa akin.

"hindi po mamaya pa lang po nag papaalam lang po ako"

"sige hintayin mo nalang si harry para siya ang magmaneho ng taxi" Tumango nalang ako at pumasok na ulit sa bahay nila, habang nag liligpit ako ng gamit ko tumutulo ang luha ko..

Napapamahal na kasi ako kahit na kunting oras lang ang pinag samahan namin kasi masaya silang kasama at sama sama silang lahat hindi tulad sa bahay namin hindi kami kumpleto..

"ate aalis kana?" Napatingin ako sa may pinto sabay punas sa luha ko nakita ko kasi ang kapatid ni harry na si jayson, lumapit naman siya sa akin sabay upo sa kama..

"nasaan ang kuya mo?"tanong ko sa kanya ng nakangiti..

"nasa piryahan po alam mo ba kahit kunting oras lang kayong nagkasama ni kuya.... Nasilayan namin ulit ang ngiti sa labi niya kaya ate sana dito ka muna kahit isang gabi ulit"sabi niya sa akin, napangiti naman ako sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ba nila nakikita na ngumingiti si harry simula nung wala pa ako dito??

"hindi pwedeng mag stay pa ako dito eh kasi hinahanap na ako sa bahay namin"sabi ko naman sa kanya..

"alam niyo po ba magka ugali po kayo ni lyca dito rin po siya natulog ng isang gabi pero ayaw na niya ulit mangyare yun kasi ayaw niyang mag alala ang parents niya lalo na ang kuya lucky niya" Napalaki ang mata ko sa huling sinabi ni jayson sa akin, kuya ni lyca si lucky??

"sinong lucky ang sinabi mo?"tanong ko naman sa kanya..

"hindi ko po alam kung ano po apelyedo nila eh"sabi naman niya kaya tumango nalang ako..

"mia pwede ba tayong mag usap?"

Tumingin kaming dalawa ni jayson sa may pinto at nakita namin si tita, hindi kasi nakakalakad si tita at ang tanging wheelchair lang ang paa niya..

"sige ate sana mag stay kapa ng isang gabi dito"sabi ni jayson at umalis na siya kaya lumapit na si tita sa akin at hinawakan niya ang kamay ko..

"mia sana bumalik ka pa dito kasi hindi na ulit namin makikitang ngumingiti si harry kapag wala kana dito"malungkot na sabi ni tita sa akin..

"magbabakasyon po ako paminsan minsan dito para lang po makita kayo"nakangiting sabi ko.

"salamat mia sana maging masaya kana sa pagbabalik mo sa bahay niyo"sabi naman ni tita sa akin..

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon