CHAPTER # 39*RULES*

1.2K 51 1
                                    

Pagkatapos naming mag usap ni lucky sabay na kaming pumunta sa room namin kasi ayaw niyang may umaaway sa akin, habang nag lalakad kami sa hallway napatigil siya kaya tumingin ako sa kanya ng diretso!!

"bakit?? Anong problema mo?"taas kilay na tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya sa akin at pinaglaruan ang kamay ko.

"gusto ko may rules tayo para sa isat isa"nakangiti parin siya kaya ngumiti na rin ako, naglakad na kami..

"rule 1 ayoko ng mag suot ka ng sobrang sexy, rule 2 ayoko ng may kaclose kang ibang lalaki, rule 3 pag may humingi sa number mo , number ko ang ibigay mo, rule 4 kapag aalis ka gusto ko updated ako, rule 5 gusto ko sasabihin mo pag may nag tetext sayong iba, and rule 6 mahalin mo ko kasi mahal na mahal na din kita"napatawa ako ng mahina sa huling sinabi niya sa akin..

"ako din dapat"

"sige"kumunot na ang noo niya kaya hindi ko mapigilang di matawa..

"rule 1 kapag may ibang babaeng lalapit sayo wag mong pansinin, rule 2 kapag may humingi sa number mo wag mo ibigay, rule 3 always kang mag txt sa akin or call, rule 4 dapat hatid sundo mo ako, rule 5 yung mga pangako natin para sa isat isa wag dapat masira at rule 6 mahal kita kaya wag kang mag hanap ng iba"

Di namin namalayang dalawa na nasa harap na pala kami ng music room kaya nagkatinginan kami sabay ngiti. Alam kona ang binabalak niya gusto niyang pumasok sa loob para kumanta!!

"game"nakangiting sabi ko sa kanya kaya hinila niya ako papasok sa music room nagpahila naman ako!!

"kuha ka ng upuan tapos kantahan kita"hindi parin mawala sa labi ko ang ngiti kasi naman si lucky lage akong pinapangiti!!

Kinuha ko ang mga upuan at umupo na kaming dalawa, hinawakan naman ni lucky ang kamay ko at nagpatogtog siya pero walang kumakanta kundi siya lang!!

"Para kang asukal
,Sintamis mong magmahal,
Para kang Pintura ,
Buhay ko ikaw ang nagpinta,
Para kang unan ,
Pinapainit mo ang aking tiyan ,
Para kang kumot,
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot
"

Habang kumakanta siya di ko maiwasang di kiligin kasi sino bang di kikiligin kung si LUCKY PADILLA na ang kakanta mismo sa harapan mo diba??

"Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala
"ako na ang sumunod sa kanta niya kaya tumawa siya ng mahina..

"Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang taning panalangin ko ay ikaw
"

Ngumiti ako kay lucky, inakbayan naman niya ako habang nilalaro ang kamay ko.. I cant imagine 1 week na pala kami at sa 1 week na yun hindi maiwasang di mag talo pero kahit na nag aaway kami basta kami pa din ang dulo diba!!

"Di baleng maghapon na umulan
Basta't ikaw ang sasandalan liwanag
Ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
Hinding hindi magsasawa sa iyo
"

Ngumiti siya sa akin at tumayo siya kaya tumayo na din ako.. Nabigla ako nung hinawakan niya ang bewang ko at nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya kaya kinagat ko ang labi ko para hindi ako matawa sa ginagawa niya ngayon..

Nilapit niya bigla yung mukha niya sa leeg ko kaya niyakap nalang niya ako ganon din naman ang ginawa ko sa kanya..

"kahit anong mangyare walang makakasira sa ating dalawa"bulong niya mismo sa tenga ko kaya ngumiti ako na may halong kiliti!!

"thanks lucky, ikaw nga talaga ang destiny ko"bulong ko din sa kanya halata naman na mayroon siyang kiliti kasi napaiwas siya bigla sa leeg ko at tumingin siya sa akin..

"Ikaw at ako Tayo'y pinagtagpo Ikaw at ako Di na muling magkakalayo"nagkatitigan lang kami , nakatitig lang ako sa brown eye niya ganon din naman siya..

*
Pagkatapos ng moment namin sa music room lumabas kami ng nakangiti pareho, inakbayan ako ni lucky habang papunta kami sa room namin..

"nga pala bukas na yung mr. and ms. kaya mag ready kana"nakngiting sabi niya sa akin. Kailangan ba talaga ako ang isali niya ayoko talaga kasi nahihiya ako!!

Sumimangot ako sa sinabi ni lucky sa akin, kahit hindi pa ngayon ang mr. and ms. kinakabahan na ako..

"wag ka malungkot wifey di bagay sayo"sabi niya at hinawakan niya ang labi ko para ngumiti kaya ngumiti nalang ako..

"by kailangan ba talaga ako pa ang isama mo?"eretang tanong ko sa kanya, kumunot bigla ang noo niya..

"unang una ikaw lang ang gusto kung makasama sa stage bukas kaya wag kang mag tangkang umabsent at pangalawa wag kang kabahan kasi hindi kita pababayaan at pangatlo magpapractice tayo mamaya" Wow hah nag ready pa talaga siya, ang sweet naman tsk ayoko talagang sumali!!

Di namin namalayan nasa tapat na pala kami ng pinto ng room namin at pagkatingin namin pareho sa loob nandun na si ma'am nag didisscus kaya lumaki ang mata ko sa gulat, patay!!!

"hi ma'am good morning .. excuse me"sabi ni lucky ng nakangiti kaya napangiti narin si ma'am, salamat naman.. Kita niyo nakakahawa nga ang smile ni lucky lalo na kapag silang apat ang magkakasama..

"by anong oras yung mr. and ms. bukas?"bulong ko sa kanya, nag kunwari kasi akong nakahiga ang desk ko sa ulo ko pero ang totoo gusto ko siyang makausap..

"mga hapon"sagot naman niya sa akin kaya inangat kona ang ulo ko..

"ma'am excuse me lang po"sabi ni dianne kaya tumingin kaming lahat sa kanya..

"why dianne?"tanong ni ma'am ng nakangiti sa kanya..

"ma'am hindi na daw papasok si nadz kasi may isang MALANDING nilalang ang umagaw sa boyfriend niya"tumingin si dianne sa akin ng nakataas ang kilay kaya umiwas lang ako ng tingin.


"excuse lang hah, mag dahan dahan ka nga sa sinasabi mo dianne baka kasi mabunggo ka ng hindi mo alam na ikaw lang pala yun"tumingin ako kay lucky sabay hawak sa braso niya, hindi siya nakatingin sa akin kasi naka fucos siya kay dianne..

"oo nga naman dianne mag dahan dahan ka"sabi naman ni ma'am..

"alam niyo kinakampihan niyo pa si mia kesa sa akin, ano bang pinakain sa inyo ng babaeng yan para magustuhan niyo siya"galit na sbai ni dianne sabay tingin sa akin ng masama..

"oh well walang kailangang gawin si mia para lang magkagusto kami sa kanya"

Napatingin kaming lahat sa may pinto ng room at nakita namin si tom, nakangiti siya kay lucky at kinindatan niya ako kaya ngumiti ako sa kanya..

"oo nga naman dianne, hindi lahat ng lalaki ang hinahanap sa babae ay sexy at maganda, look mia she's pretty at maganda din ang nasa loob niya" Sa likod ni tom lumabas si tin kaya di ko maiwasang di mapangiti ng malapad . Nakalabas na pala siya ng ospital salamat naman hindi na ako nag alala sa kanya kasi ok na siya..

"kaya ikaw dianne humanap ka ng kakampi mo na kasing GWAPO, MATCHO, at MATIPONG lalaki na tulad naming..."

Natigilan si lucky alam kung kulang sila kasi wala si kuya king...

"magpapahuli paba ako?" Tumingin ako sa likod ni tin at nandun si kuya king kaya ngumiti rin ako ng malapad..

"apat"sabi naman ni lucky, tumingin ako sa kanya at nakatingin parin siya kina kuya king habang nakangiti..

"alam niyo ewan ko sa inyo"galit na sbai ni dianne at nag walk out na siya kaya tumawa kaming lahat. Sumunod naman sila ni ynna at blossom sa kanya.

Tumingin na si lucky sa akin sabay ngiti at nag ok sign siya kaya nag ok sign na rin ako sabay ngiti ng malapad.. Pinisil naman niya bigla ang magkabilang pisngi ko.

"sorry po ma'am sa estorbo"sabi naman nilang tatlo kaya tumingin kami sa kanila sabay ngiti..
Hay naku salamat naman nag bago din sila kasi sa tuwing ganyan ang sitwasyon hindi sila nag sosorry sa mga teacher o kung sino mang nakakatanda sa kanila buti nalang ngayon iba na!

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon