CHAPTER # 15*ospital*

1.4K 58 0
                                    

Pagkagising ko nasa ospital na ako at subrang sakit ng ulo ko, nakita ko naman agad sila ni kuya, tom, justin at lucky.. Nag uunahan silang lumapit sa akin kaya umupo ako sa higaan habang naka hawak sa ulo ko..

"anong nangyare?"takang tanong ko sa kanila..

"nalaglag ka sa hagdan, bakit ka nahulog?"tanong ni kuya king sa akin ,napatingin ako kay lucky at tom..

"wala kuya naslide lang yung paa ko"palusot na sabi ko sa kanya..

"mia"

Tumingin kaming lahat sa nag salita at nakita namin si ate hanna, lumapit siya sa akin..

"anong nangyare sayo?"takang tanong niya..

"hindi nag iingat kaya naslide"sabi ni kuya king.

"king"galit na sabi ni ate hanna..

"baka kasi sabihin mo nanaman na kasalanan ko"sabi naman ni kuya king..

"wag na kayo mag away, ok na ako "singit ko naman sa kanila, tumingin na si ate hanna sa akin.

"saan ka galing hanna?"tanong ni justin..

Napatingin ako sa kanya mukhang!!!! Type niya si ate hanna NO WAY please lord kahit si justin nalang ang ibigay niyo sa akin..

"galing ako sa trabaho"sagot naman ni ate hanna..

"ah ok"sabi naman niya kay ate hanna..

"mia next time mag dahan dahan ka naman ok kasi nagmamadali pa naman akong pumunta dito para lang makita ka kung maayos kana ba"alalang sabi ni ate hanna sa akin..

Tumingin ako kay justin at kanina pa siya tumiingin kay ate hanna..

"ako ng mag babantay sa kanya ngayon kasi bukas uuwi na siya"sabi naman ni kuya king..

"nang aagaw kasi ng girlfriend kaya ayan napahamak tuloy siya!!"pag paparinig ni lucky kaya tumingin ako sa kanya pero siya nakatingin lang kay tom..

"girlfriend?? May girlfriend kana ky?"takang tanong ni ate hanna sa kanya..

"yup, siya"sabay turo sa akin..

"WHAT?"gulat na sabi ni ate hanna sabay tingin sa akin..

"sorry nag lihim ako"nakangiting sabi ko sa kanya..

"akala mo naman totoo"pag paparinig naman ni tom..

"hoy"mahinang sabi ni justin sabay siko kay tom kaya tumingin ng masama si tom sa kanya..

"hindi totoo?? So nag papanggap lang kayo?"takang tanong ni ate hanna..

Nagkatingin kaming lima kasali na syempre si kuya king, tumalikod sila sa amin habang kumakamot sa ulo nila..

"oo ate nagpapanggap lang kami"mahinang sabi ko sabay yuko..

"mia mahirap masaktan ang pusong hindi pa nakakaranas ng pag ibig"sabi ni ate hanna.."kaya ikaw lucky kapag nalaman kona pinaiyak mo ang kapatid ko lagot ka sa akin"

Napakamot naman ng ulo si lucky kaya nag tawanan kami kasali na dun si ate hanna pero si tom hindi parin maipinta ang mukha niya.. Napatingin siya bigla sa akin kaya hindi na ako tumawa..

"alis na mo na ako"walang emosyon na sabi niya at umalis na siya..

"anong nangyare dun?"takang tanong ni justin..

"ewan"sagot ko naman, sa akin kasi siya nakatingin..

"oh basta ang sinabi ko sayo mia hah pati sayo lucky wag mo papaiyakin kapatid ko"sabi ni ate hanna at hinalikan na niya ako sa noo..

"hatid na kita"sabi ni justin at umoo nalang si ate hanna a umalis na sila napatingin ako sa may pinto, hay naku pati ba naman crush ko iba na ang gusto sana mali ang hinala ko sa kanilang dalawa!!!

Iiyak nanaman ako ng subra pag nalaman kona sila na ni ate hanna at ni justin..

"king iwan mo muna kami"seryosong sabi ni lucky kay kuya kaya hinawakan ni kuya si lucky sa braso..

"may tiwala ako sayo bro"seryoso din si kuya, bago siya umalis nag smile muna siya sa akin..

Kami nalang dalawa ni lucky kaya tumalikod ako sa kanya habang nakahiga, umupo naman siya malapit sa higaan ko..

"narinig mo bang nag uusap kami ni nadz??"tanong niya sa akin, hay naku sa kadami rami ba namang topic sa buong mundo bat yung EX pa talaga niya..

"oo"mahinang sabi ko sa kanya..

"hindi ko na mamahalin ulit si nadz"

Nagulat ako sa sagot niya kaya napaharap ako sa kanya pero pag kaharap ko nakayuko siya..

"ky nag papanggap lang tayo kaya wag mong seryosohin at tska alam ko naman na mahal mo pa si nadz eh halata naman kasi sa mukha mo"galit na sabi ko sa kanya..

"hindi na"nakayuko parin siya..

"bat hindi ka makatingin sa akin kung hindi mo na mahal si nadz?"

Dahan dahan siyang tumingin mismo sa mata ko kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ko..

"hindi ko na siya mahal" Nakatitig parin siya sa mata ko pati rin naman ako..

"bakit?"

"kasi natagpuan kona ang babaeng kahit kailan hindi ako iiwan"

"sino?"

"nasa harap ko"

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya, ako?? Seryoso??

"HAHAHAHAH" Tinignan ko siya ng masama, napahawak naman siya sa tyan niya..

"bakit ka tumatawa?"galit na sabi ko sa kanya..

"nakakatawa yung reaction mo"tumatawang sabi parin niya sa akin kaya binato ko siya ng unan.

"walang hiya ka"sabi ko sa kanya..

"HAHAHAAH"

"tumigil ka nga"

"mia alam ko naman na........ Alam mo na yun"sabi niya sabay pacute kaya tinaasan ko siya ng kilay..

"alam mo na type kita?"

"oo yun nga kaya wag kana mag dennay baka mapahiya lang ako"sabi niya sa akin..

"tumigil ka nga dyan"

"BABY, BABY OHH LIKE BABY BABY BABY NO"kumakantang sabi niya habang sumasayaw ng may tatlong bibe kaya nag pipigil na ako ng tawa dito..

Nung hindi kona talaga kaya tumalikod ako sa kanya sabay higa at dun ako tahimik na tumatawa..

HIGH SCHOOL LOVE ON(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon